Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi ng lalaki. Kung hindi ko lang inapakan ang mga paa nito ay nakakatiyak ako na sasabihin ng hinayukap na ‘to ang tungkol sa akin. Animal! Ang lakas ng pang-amoy naman niya. “Wala po, Dad. May pinag-uusapan lamang kami ni Mr. Delgado.” Agad kong inunahan na magsalita ang lalaki. Pasimple ko rin itong binangga sa balikat niya. Ngunit mukang hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo nito. “Anak ayos ka lang ba talaga? Wala bang masakit sa ‘yo?” Lumapit pa sa akin si Dad para hawakan ang aking kamay. Magkakasunod akong umiling dito, hanggang sa magalang akong nagpaalam dito para pumunta sa aking kwarto. Hindi na ako lumingon sa lalaki at baka mabato ko lamang ito ng vase. Tuloy-tuloy na akong umakyat sa hagdan at agad na pumasok sa aking kwarto.