Kahit medyo masakit ang noo ko ay pinilit kong gumalaw, dahil kailangan kong makaalis dito. Hanggang sa makita ko ang armalite na nasa gilid ko lamang. Mabilis ko itong kinuha a dali-dali ko itong ikinasa. Hanggang sa itutok ko papunta sa sa unahan ng van. At magkakasunod kong binaril ang mga lalaking balak na lumapit dito sa van. Kitang-kita ko ang pagkabasag ng bubog sa unahan ng van. Ngunit wala akong pakialam dahil hindi ko naman ito sasakyan. Agad kong binuksan ang pinto sa sakyan at nagmamadali na akong lumabas. Mabilis akong tumakbo papalabas ng restaurant ngunit patuloy akong nakikipaglaban ng putok ng baril sa mga lentik na kalaban. Ngunit bago tuluyang lumabas ng restaurant ay nahagip pa ng mga mata ko si Mr. Gabby Layag na nakatago sa likod ng mataas ng halaham. Bigla akong na