Matamana akong nakatingin sa aking kamay na ngayon ay may benda dahil sa kutsilyong hinawakan ko. Kasalukuyan lang akong nakahiga rito sa aking tent. Bukas pa raw kami aalis dito dahil may mga pagpupulong pa raw. Pero kung maagang matapos ang pagpupulong ay baka umalis na rin kami ngayon. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil pito pa silang haharapin ko. Nakausapin ko na rin si boss Zach. Sinabi ko ritong napatay ko ang isang bampira. Ang tanging sagot lang ni boss Zach ay mas mainan daw na patayin lahat ang mga bampirang kasapi ng X- OBALONG SYNDICATE. Hindi rin daw namin basta makukulohg ang mga bampira dahil may kakaiba silang lakas. Ang tanging hangad ni boss Zach ay mawasak ang X- OBALONG SYNDICATE. Malalim akong nagbuntonghininga. Ngunit narinig kong may papasok dito sa lo