Chapter 3: Reaching Endpoint

981 Words
Klaire's POV "Ano ba babe? Ang hirap hirap namang makipag ayos sayo, isang linggo na kong nagsosorry sayo, ano pa bang gusto mo?" sabi ko habang corner ko sya sa hagdan. "E di tumigil ka sa pakikipag ayos sakin, pinipilit ba kita?" pabalang nyang sagot. "Wow naman! Ang simple lang naman ng kinagagalit mo na nawalan ako ng oras, sobrang busy lang ako nun. Simpleng dahilan lang naman yun e. Sorry na talaga" Pagmamakaawa ko na sa kanya. Di kasi talaga ako sanay na ginaganyan nya ko e. "Oo na, Tumigil ka na" "Talaga?" tumango sya, dahil dun natuwa na ko at niyakap ko na sya, Ang saya-saya ko! Okay na kami sa wakas. Naramdaman kong yakap na din nya ko. Pero not too tight. pero ayos na. Nagulat ako ng bigla nya kong bitawan at medyo lumayo sya at medyo natulak ako at muntik pa kong mahulog sa hagdan. Buti at nakahawak agad ako sa handler. "Ashley, bakit?" bigla nyang sabi sa babaeng pababa na patungo samin. habang papalapit sya ay namukhaan ko sya, sya yung babaeng may problema sa letter E. yung maarte. Tsk. Gusto ko pa sana mainis pero nalungkot ako sa ginawa ni Dwayne sakin. "Hinahanap kasi kita" sabi nung Ashley sa boyfriend ko. "Bakit mo naman sya hinahanap?" tanong ko. "Sya na kasi yung napili kong kapalit muna ni Kath bilang lead singer namin para sa darating na school festival" Si Dwayne ang sumagot. Oo nga pala, Nagkaproblema si Katherine sa lalamunan nya at inabisuhan syang di muna sya pwedeng kumanta for 3 months. "Nakahanap ka na pala ng kapalit, Di mo man lang sinabi sakin" inis kong sabi sa kanya. Mabigat talaga ang loob ko dyan kay babaeng letter E. "Lahat ba kailangan nyang sabihin sayo?" Ashley "Oo! Dahil girlfriend nya ko! At sino ka bang pakielamera ka!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Ano ba naman Klaire! Napaka isip bata mo, pumasok ka na nga sa klase mo! Tara na Ashley" sabi ni Dwayne. sabay talikod sakin at sumunod naman si Ashley. Nakatingin lang ako sa likod nya habang lumalakad sya. Alam nyo yung pakiramdam na, Unti unti kang nanghihina at nangiginig yung buong kalamnan ko. Nagulat na lang ako noong maramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mata ko after 5 years ng relationship namin. ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito galing sa kanya. Napakalamig ng trato nya sakin. Pababa ako ng hagdan ng biglang nawalan ako ng balance at ini expect ko na ang pagbagsak ko sa sahig ng may biglang humawak saken at iniharap ako sa kanya. "Watch where you goin' miss" bulyaw nya sakin. Sa accent nya palang halatang foreigner sya. Korean look sya. "Are you allright?"  "Hey! Do you want me to take you to the clinic?" Lumayo ako sa kanya. "Yes, I'm fine. Thank you for saving me" Sabi ko sabay talikod ng hatakin nya ko. "What?!" Bulyaw ko sa kanya. "Uhm... Uhmmm..." nauutal nyang sabi. "Ano bang problema mo?!" Napakamot ako sa ulo ko ng maalala kong baka di nya ko naiintindihan. "What do you want?" "Don't worry, I can understand tegelog" "Hahahaha" Anlakas ng tawa ko dahil sa pagtatagalog nya haha. Ang cute! "Stop laughing at me, I'm just worried because you're crying" Sincere nyang sabi saken. "Tsk. Do I know you?" pagmamataray ko pa rin kahit na nagiging mabait sya. Don't trust stranger diba? "Whatever, I just don't like seeing a girl crying, By the way I'm Niall Park, You are?" sabay lahad nya ng kamay nya. Tinanggap ko naman yun. Dahil oo na sige na, magaan ang loob ko sa kanya di katulad dun kay Ashley ang babaeng may problema sa letter E. "Klaire Louise" nginitian nya ko. So I smiled back. Nagulat ako noong bigla nya kong hatakin. "Teka ! San tayo pupunta ?!" sabi ko. At nagulat ako noong ipasok nya ko sa Canteen. "Anong gagawin natin dito?" "We're gonna eat" simpleng sagot nya. "Tsk. Nagtitipid ako" "My treat, You stingy!" "Hindi ako kuripot! Marunong lang akong mag budget" "Excuses" "Hindi ah. Ay naku bahala ka!" sabi ko habang umupo na. Umalis sya. Nalungkot na naman ako noong maalala ko ang ginawa nya sakin kanina. Nang biglang may lumitaw na ube ice cream sa harap ko. Hala! Magic? Nye, Di pala si Niall pala ang naglapag nun. "Miyane for this food" sabi nya. Na alien naman ako sa unang word nya kaya napa huh ako "Miyane means sorry. Sorry for this food, But I frequently buy this when my sister is upset and crying. It calms her down" mahaba nyang explain "Tama nga lang e. Favorite ko kaya to. Thanks" Sabi ko sabay walang habas na kinain yung Ice cream. "Te!" Haria "Kulot" Cherry Sumisigaw lang naman sa canteen ang mga kaibigan ko habang papalapit sila. Kaya ang reason kung bakit napokus ang atensyon sa kanila. "Oh? Tinitingin tingin nyo? Alam naming maganda kami, Di nyo kailangang ipadama" Pagtataray ni Aira na nagpabalik sa mga student sa pagkain. Maya maya nagsi-upuan na sila sa harap namin at guess what? "Be, gwapo nya" Tessa "Ang hot nya ang sarap papakin" Valerin "Chinito" Haria "Leche, Tumigil ka Haria, magalit sayo si Revo e. Wag mong patulan yan, Haha. Ako na lang" Cherry "Isa ka pa cherry, Magagalit sayo ang girlfriend mong si Gette e, Ako na lang. Single ako" Aira "Girls, mahiya naman kayo kay Niall!" "Wow, Ang gwapo ng pangalan nya !" Sabi ni Tessa sabay beautiful eyes. Kaya binatukan naman sya ni Haria as she simply say "Malandi ka ah" "Are they your friends?" tanong ni Niall. "Bestfriends" dugtong ni Aira. kaya tumingin saken si Niall na parang humihingi ng confirmation. Kaya sumagot na ko, "Yeah, unfortunately" kaya Tada! Umani ako ng batok mula sa limang ito. Habang nagtatawanan. "Teka, Hoy Klaire! Bakit mukha kang garfield? Namamaga ang mata mo! umiyak ka ba?" bulyaw na tanong saken ni Cherry. Kaya naglapitan saken yung apat para tingnan ang mata ko, Nakaka conscious kaya tinakpan ko na ang mata ko gamit ang kamay ko. "Oo nga no!" sabay sabay na pagpayag ng apat with tango porsyon pa. "Si Dwayne ba ang dahilan nyan?" prangkahang tanong saken ni Val. "Who's Dwayne?" Fanong ni Niall. "He's my boyfriend" sagot ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD