Chapter 4: The Break Up

1390 Words
Klaire's POV It's been a week since sobrang naramdaman ko na ang panlalamig nya saken. Sinasabihan na nga ako ng mga kaibigan kong tama na ang katangahan ko. Pero hindi e. Hindi ko sya kayang bitawan. Hindi ko kayang itapon yung limang taon naming pagsasama. Iniisip ko pa lang ang mga sakripisyo namin para marating lang to. Naluluha akong isipin na itatapon namin yun. Di ko kasi alam kung bakit sya nagkakaganyan? Bakit bigla nya kong iniiwasan. Boyfriend ko pa din naman sya diba. Kaya dapat di ko sya sukuan. Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng makita kong may nagbukas ng pintuan ng practice room nila. At nanginginig ako sa nakikita ko. Masaya silang dalawa. Silang dalawa ni Ashley habang naghahampasan at tila isang magsyotang naglalambingan. Nahinto naman sila, nung makita ako ni babe. "Klaire? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin "I am just thinking if ihahatid mo ko ngayon, Gusto ka kasing makasabay mag dinner ng mga kapatid ko babe" sabi ko sa kanya. "Wait, Okay ka lang ba? You look pale" biglang singit ni Ashley. By her look. Mukha naman talaga syang nag aalala e. Pero di ko alam bakit ang bigat ng aura nya sakin. "Hindi, Okay lang ako, Napagod lang siguro ako dahil sa SSG (Supreme Student Government), Ang dami ko kasing ginawa as president" sagot ko. "You sure?" tanong sakin ni Dwayne. Nagtataka ako kung bakit di sya lumalapit sakin, Usually pag mukha akong may sakit, Natataranta yan, at kulang na lang e. Ipaospital ako. Is it because I said I'm okay or he doesn't really care anymore? Siguro dahil sinabi kong okay na ko. "Yeah, sure ako, pero gutom na ko babe so tara na?" sabi ko sabay liyad ng kamay ko sa kanya for him to take it. He just stared at it, Nag aalangan ata sya kung kukunin nya ba o hindi, Ang masaklap pa dun, tumingin pa sya kay Ashley, as if he's asking for permission. "Babe? Tara na?" yaya ko ulit. Dahil nangangawit na ang kamay ko. "Let's go babe?" "Sorry Klaire" sabi nya. "Klaire? Hindi naman ganyan ang tawag mo sakin e" sabi ko dahil it's always babe. "B-babe, Sorry pero di kita mahahatid at makakasama sa dinner nyo. Say sorry for me, pwede ba yun?" sabi nya. "Bakit naman? Ngayon lang sila nagsiuwi ng pinas, pati si Ate Caren nandun at ang asawa nyang si Kuya Marvin" sabi ko. So here it is, 5 Kaming magkakapatid. Si Ate Caren ang panganay, Sumunod ako, Si Luis or we call him Dieth, Si Beatrice Maxine at ang bunso namin si Lewis Carl. Pero enough with my family tree muna. "Di nga ako pwede" "Bakit nga?"  Ngawit na ngawit na yung kamay ko. "Kasi, ihahatid ko si Ashley, nakapangako na ko" "Pero ako ang girlfriend mo diba? Dapat ako ang ihahatid mo, Pano na lang kung may nangyari sakin?" "Mas malapit lang naman kasi yung bahay nyo, kesa sa kanila" "Pero -" "Sorry, but we have to go" putol nya sakin. Sabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Ang bigat bigat ng loob ko, Ibababa ko na sana ang kamay ko, Naiiyak na ko sobra, ng biglang may humawak nito at "Don't worry, I'll take you home, Princess" sabay wink nya sa akin at kuha ng shoulder bag ko. Dwayne's POV. "Don't worry, I'll take you home, Princess" biglang sabat ng isang lalaki, sabay kuha ng bag ni Klaire, habang nakangiti ng malapad. I don't know pero sobra akong naangasan sa kanya. "Niall" tawag ni Klaire, Nanginginig yung boses nya as if she's preventing herself from crying. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito, Ewan ko ba pero parang Ashley is making me fall head over heels. Sobrang nagugustuhan ko sya. Mas mahinhin sya kay Klaire, masayang kasama, ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Nalilito ako, Tapos ito pa ngayon, May lalaki agad sya? "Sino ka naman? Para ihatid ang girlfriend ko?" tanong ko dun sa chinitong lalaki. "So you are her boyfriend? How irresponsible are you? To let your girlfriend walk alone in the night?" sagot naman nya. Mukhang Korean talaga sya at di marunong magtagalog. But how can he understand me? "Niall, tama na, tara na?" sabi ni Klaire sa parang nanghihinang boses, "Please Niall, hatid mo na lang ako," sabi nya habang hinahatak ang damit nung koreanong to. "At bakit ka magpapahatid sa kanya?" sigaw ko kay Klaire. "Gabi na kase babe, Atsaka di ko dala yung kotse ko" "E di tawagan mo yung driver nyo!" "Dead batt ako e. Ayos lang sige na, si Niall na lang ang maghahatid sakin, ihatid mo na si Ashley" sabi nya sa nanghihinang boses pa din. "Napakalandi mo naman!" sigaw ko sa kanya. I don't know where the hell it came from. Nagulat sya, at sinarado nya ang diatansya namin. At binigyan ako ng isang *Pak* malakas na sampal, at sabay noon ang pag agos ng luha nya. Klaire's POV "How dare you!" sigaw saken ni Ashley, pagkasampal na pagkasampal ko kay Dwayne. Susugurin pa sana nya ko kaso inawat sya ni Dwayne, Tumingin ako sa kanya, at sa ganitong eksena ko pa talaga di napigilang umiyak. "Ang lakas ng loob mo na sabihan ako ng ganyan! Ang kapal ng mukha mo! Di ka naman ganyan dati ah. Sabihin mo nga, Ikaw ba? Tama bang maghatid ka ng ibang babae, Instead of your own girlfriend? Tama ba yun?! Tama bang hinahayaan at pinababayaan mo ko? Makasama lang ang malanding babaeng yan! Tama bang masaya kang nakikipagharutan sa kanya? Call me jealous it's okay cause I have the rights to be jealous! Tapos ako ang sasabihan mo ng malandi? Your unbelievable!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak. "Mali ka naman kasi talaga! Nagpapahatid ka sa ibang lalaki, tas ako pa ang sasabihan mo ng malandi?Di ko alam kung anong nagustuhan sayo ni Dwayne" epal naman ni Ashley kaya napatingin ako sa kanya at dinuro ko sya, Alam kong masama to but "You pathetic b*tch ! Alam ko naman na may gusto ka sa boyfriend ko! Napaka kati mo! Wala ka bang pangkamot ha?! Mas malandi ka dahil alam mong pag aari na ng iba inaagaw mo pa!" "Shut up Klaire! Don't say things like that to her!" bulyaw sakin ni Dwayne ng biglang sinapak sya ni Niall kaya napatumba sya at hinawakan ang panga nya. "You don't have any rights to shout on her! She's not your toy! So quit playing dude" sigaw ni Niall. Nagulat ako dahil galit na galit si Niall sa kanya. Tumayo si Dwayne and by his looks alam kong gaganti sya kaya humarang ako sa harap ni Niall, kaya yung dapat susuntok sya ay inihinto nya. "Tama na please babe, sige na ako na ang mali, Tama na to, ako na lang ang uuwi mag isa" sabi ko habang umiiyak na. Ayokong nakikita syang nagkakaganyan. Huminga sya ng malalim at sabay sabing. "Tama na Klaire, Let's end it here" "Teka? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Mas naiiyak ako. "Tama na! Let's break up" Napapitlag ako sa pagsigaw nya nun. Yun yung inaakala kong huling salitang maririnig ko mula sa kanya. "Babe, Ano bang sinasabi mo?" Kahit alam ko na, di kasi kayang tanggapin ng puso ko. "Ayoko na Klaire" "Ano ba? Ganito na lang to. Itatapon mo ng ganun kadali yung limang taon na yun? Bakit?" umiiyak kong sabi sa kanya. Iniisip ko pa lang. I can't bear to lose him. "Sagutin mo ko bakit?!" sumigaw na ko. "I-I just don't love you anymore" sabi nya habang nakayuko. Pakiramdam ko bumagsak sakin yung langit. "Wag namang ganito babe, di ko kaya e" Lumapit na ko at hinawakan ang kamay nya. "Don't leave me" sinsero kong sabi sa kanya. Tinititigan ko sya sa mata, pero umiiwas sya. "I can't. Di na kita kayang lokohin. I'm falling for Ashley" sabi nya sabay bitaw sa kamay ko. "I'm sorry" yun lang ang sinabi nya bago nya hinatak paalis si Ashley. "Babe!" sigaw ko sa kanya. I want him to come back running at sabihing Joke lang to. But I kept calling him, pero hindi sya tumitingin. "Babe naman e!" Napasalampak na lang ako sa sahig sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pero di ko alam kung imagination ko lang na lumingon sya with devastated look bago lumabas ng glass door. Iyak ako ng iyak. Ang sakit e. Akala mo fairytale na e. Akala ko sya na e. Pinahiram lang pala. "I've told you, I don't want to see a girl crying, Specially you" sabi ni Niall. habang umuupo at tumabi saken. He handed me his handkerchief na tinanggap ko naman. Nagulat ako nung akbayan nya ko para yakapin. I cried harder. Naalala ko kasi na kapag ganito si Dwayne ang gumagawa nito, but now? It's somebody else.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD