Nature's Call

1131 Words

NAGISING si Gaia sa lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Nasa isang malawak na patag na napapalibutan ng iba’t ibang klase ng bulaklak. Pula, kahel, dilaw at iba pang kulay ang nakikita niya sa paligid. Ang pamilyar sa kaniyang bulaklak na nasa paligid ay ang poppies, sunflower, tulips, carnations at lilies. Ang natitira ay hindi na pamilyar kay Gaia. Ngunit iisa lang ang kanilang katangian.   "Ang ganda..." Wala sa sariling sambit ni Gaia, habang inililibot ang paningin sa mga bulaklak na pinapalibutan din ng mga makukulay na paru-paro. Nawala na sa kaniyang isipan na nasa isang lugat siyang hindi pamilyar sa kaniya. Nang may narinig siyang tumawag sa kaniya.   "Gaia..." Nawala ang atensiyon ni Gaia sa mga bulaklak at agad iginala ang mata sa paligid— hinahanap kung sino ang nagsalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD