EPISODE 1

4100 Words
TEASER: Mending with his broken heart, dagdagan pa na may nangungulit sa kanya para maging jowa. Luis friends decided to search for his fake girlfriend para matulungan siya... but he ended up faking it with a boy. BEFORE SUMMER VACATION Huminga ako nang malalim. Nasa tapat ako ng pintuan ng condo unit ni Monique. Bitbit ko sa kanang kamay ang isang boquet ng red roses na paborito niya habang sa kaliwa naman ay isang medium size na paper bag na naglalaman ng regalo ko para sa kanya. Monthsary namin ngayong araw. Hindi ko nga akalain na aabot kami ng halos isang taon. Aminado naman ako na hindi ko nabubuhos ang buong oras ko sa kanya dahil sa subsob din ako sa pag-aaral pero kapag may free time, I make sure na sa kanya ako pupunta para makita at makasama siya. Kinuha ko mula sa bulsa ng suot kong slack pants na itim ang spare key na ibinigay niya sa akin at iyon ang ginamit ko sa pagbukas ng pinto. Hindi ko ipinaalam sa kanya na pupunta ako dahil gusto ko siyang i-surprise. Ngayong araw, babawi ako sa kanya. Pumasok ako sa loob. Bago ako tumuloy ay sinara ko muna ng dahan-dahan ang pintuan. Nilibot ko nang tingin ang paligid. Mangilan-ngilan lamang ang ilaw na nakabukas kaya medyo madilim sa loob ng may kalakihan niyang tirahan. Nakasarado din ang mga kurtina sa bintana kaya hindi pumapasok masyado ang liwanag mula sa labas. Dahan-dahan akong naglakad kasabay nito ay ang pangungunot ng aking noo at pagsasalubong ng makapal na kilay ko dahil sa pagtataka. Isa-isa kong tinitingnan ang mga damit na nakakalat sa sahig. School uniform niya sa pinapasukan niyang eskwelahan, may mga underwear pa akong nakita. Pero hindi iyon ang nagsimula ng kaba sa aking dibdib. Inisang hawak ko na lamang ang mga dala ko para mapulot ko ang isang kapirasong damit na nasa sahig. Inangat ko iyon at sinipat nang tingin. “Bakit may panlalaking neck tie dito?” tanong ko sa sarili. Nakakapagtaka. May nabubuong kongklusyon sa aking utak ngunit ayaw ko munang paniwalaan iyon pero nagdagdag iyon ng kabog sa aking dibdib. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa totoo lang, nakakabaliw ang ganoong pakiramdam. Ngunit hindi ko mapigilan. Patuloy na bumubuo ng kongklusyon ang aking utak kahit anong pigil ko rito. Hindi lamang iyon ang nakita kong gamit na panlalaki na nakakalat sa sahig. May polo at pants akong nakita. May underwear pa. Doon ako mas lalong kinabahan. Mas nabubuo ang hinala sa aking utak. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto niya nang marinig kong nagbukas iyon at mula doon, lumabas siya suot lamang ang isang bathrobe. Tiningnan niya ako. Magulo ang pagkakapusod ng kanyang buhok dahil may ilang hibla pa ng buhok na humaharang sa gilid ng kanyang mukha. Nakatingin lamang ako sa kanya. Alam ko, sa tingin ko pa lang ay marami na akong nais sabihin at itanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng mga nakita ko pero hindi ko maisatinig. Nakatingin lang din siya sa akin. Walang ekspresyon ang mukha niya. Kahit gulat nga na makita ako na nandito sa loob ng unit niya, wala akong nakita. At sa pagkakataong ito, alam ko na ang mangyayari pagkatapos. Nagkakilala kami ni Monique sa school fair na ginanap sa eskwelahan namin last year. Pwede kasing pumunta ang mga estudyante na hindi doon nag-aaral. I must say, na-love at first sight ako sa kanya nang makita ko siya sa tindahan ng street foods. Ang cute niyang kumain ng kwek-kwek nu’ng makita ko siya. Saktong tumingin din siya sa akin noon habang nakasubo ang kwek-kwek sa bibig niya at may sauce pa ang gilid ng labi niya. Aminado naman ako, maganda si Monique. Balingkinitan ang katawan niya, may malusog siyang hinaharap. Makinis ang maputi niyang balat. Maganda ang maamo niyang mukha na parang hindi gagawa ng kasalanan. Magkaiba man ang school naming dalawa ay hindi naman iyon naging hadlang para magkalapit ang aming mundo. Nagtiyaga akong mapalapit sa kanya na humantong sa panliligaw at pagsagot sa akin matapos ang isang linggo. She is my first in everything and I thought the last. But... just what I thought. Walang salitaang nangyari. Nagtapos ang lahat sa aming dalawa na nakatingin lang kami sa isa’t-isa at hindi man lang siya nagpaliwanag. Hindi ko na siya hinabol pa at ganu’n din siya. Doon ko naintindihan ang lahat... doon ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Tinapos niya ang lahat sa amin. Tinapon niya ang pagmamahal at pinagsamahan naming dalawa. Masakit... sobrang sakit. May pagkakataong naiisip ko pa ring maging tanga at habulin siya saka makiusap na ayusin ang lahat saka magsimula kami ng bago ngunit nauunahan ako ng sakit at pride. Wala naman kasi akong ginawang kasalanan, maybe nagkulang ako, oo, pero hindi naman sapat na rason iyon para saktan niya ako ng sobra, ‘di ba? Totoo ko siyang minahal. Siya lang ang kaisa-isang babaeng minahal ko. Kaya hanggang ngayon... hindi ko pa rin siya makalimutan kahit anong gawin ko. “Bro! Tulala na naman ang kaibigan natin. Ano bang gagawin natin sa kanya?” “Wala. Alam mo na kung bakit, ‘di ba?” Bumalik ako sa sarili ko. Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala at nakaupo sa pandalawahang upuan na nasa kabilang side at nakatingin sa akin. Ngumisi si Jared Rodriguez nang tingnan ko siya. “Iniisip mo na naman siya, tama ba?” “Bakit mo pa siya tinatanong kung obvious naman ang sagot,” sabat naman ni Mark Angelo Paras. Umiwas ako nang tingin sa kanila. Sinubo ko ang straw saka humigop ng chocolate milk drink na paborito ko. “Pahingi nga niyan,” paghingi ni Jared sa iniinom ko at tangkang aagawin na sana ‘yung bote sa akin pero inilayo ko kaagad ng mabilis sa kanya. Masama ko siyang tiningnan. Napangisi na lamang muli si Jared. Asarin na nila ako ng todo huwag lang niyang aagawin ang chocolate drink ko. “Dapat alak ang iniinom mo Luis para makalimot ka kahit sandali,” sabat naman ni Mark saka ngumisi. “Bata pa tayo para doon,” dahilang sabi ko. Bakit kami iinom ng alak? Sophomore pa lang kaya kami. “Bata ka diyan! Ang sabihin mo, isip-bata ka lang,” nang-aasar na sabi ni Jared saka tumawa. “Eighteen na tayo at nasa second year college na.” Umiling-iling na lamang ako saka humigop ulit ng chocolate drink. May masama ba na mag-isip bata paminsan-minsan? Si Jared na moreno at kulot ang buhok at si Mark na maputi at parang dinilaan ng baka ang buhok dahil sa dami ng gel na inilalagay niya para hindi daw mahanginan at magulo ang buhok niya. Mga kaibigan ko sila since high school. Nu’ng una, mga bully sa akin ang mga ‘yan pero ewan ko at biglang nagbago ang ihip ng hangin at nakipagkaibigan sa akin. Pero ayon kay Jared, nagsawa daw sila sa pambubully sa akin kasi hindi ko daw sila pinapansin. Hindi naman nila ako sinasaktan pisikal pero kung pagsalitaan nila ako nun, wagas. Ako naman, naniniwala ako sa sinabi ng mama ko na kapag walang kwenta ang sinasabi sa akin, pasok sa kanang tenga at labas din sa kaliwa para hindi ako ma-stress at tama naman siya. Napatunayan kong mother’s knows best. Kaya ayun, nagsawa sila sa pambubully sa akin kasi parang hindi daw sila nage-exist sa mundo ko. Pasensya sila pero balewala sila sa akin noon. Aminado naman ako na introvert nu’ng high school at walang kaibigan kaya nu’ng maging kaibigan ko ang dalawang ito, naging masaya naman ako kahit na madalas ay naiinis din dahil sa sobrang pang-aasar nila sa akin. Sila ang kasama ko sa lungkot at saya, sa kalokohan at kaparusahan sa tuwing mahuhuli. Mga tunay kong kaibigan na sobra mang-asar. At ngayong college na kami, magkakasama pa rin kami at kumukuha ng kursong Economics. Oo nga pala, ako si Luigi Isaiah Gonzales aka Luis, eighteen years old, second year taking Economics sa isang pamantasan dito sa aming lugar. Hindi naman sa pagmamayabang pero maraming nagsasabi na gwapo daw ako. Kunsabagay, nakikita ko nga kapag tumitingin ako sa salamin. I have fair and bright smooth skin na kumikintab lalo na kapag pinagpapawisan. Tama lang ang pangangatawan ko na bumagay naman sa tangkad kong lagpas anim. I’m half Thai and a half Filipino. Thai ang nanay ko at pure Pilipino naman ang ama ko. Sa Pilipinas na ako lumaki kaya naman mas bihasa ako sa wikang Ingles at Tagalog kaysa sa wikang pinagmulan ng aking ina pero kung tutuusin, mas lumalamang ang dugo ng nanay ko sa akin kasi maraming nagsasabi na mukha pa rin akong Thai, marahil dahil sa balat ko. Maykaya naman ang pamilya ko na naninirahan ngayon sa Cebu. May company kami ng damit doon. Bale sa dorm ako nakatira kasama ng dalawang ugok na ito pero may mga sarili naman kaming kwarto na inuupahan. Ayoko nga silang kasama sa isang kwarto dahil siguradong araw-araw kaming riot sa loob nito. Anyway, bakit ako nakahiwalay sa mga magulang ko? Gusto ko kasing maging independent at wala naman silang pagtutol dun basta lagi lang daw akong mag-iingat. Lagi nila akong kino-contact para kumustahin at paalalahanan lalo na at nag-iisang anak lang nila ako. “Ano? Si first love na naman ba ang dahilan ng pagiging tulala mo?” nangingiting pagtatanong ni Jared. Lumukot ang mukha ko. “Tigilan niyo nga ako!” mariing pagsaway ko kay Jared. Napailing-iling ako. Naiinis na naman ako sa kanila. “Mahirap naman kasi talagang kalimutan ang first love,” segunda naman ni Mark. Pati itong loko-loko na ito nakikipagsabayan pa kay Jared sa pang-aasar sa akin. “Kunsabagay, tingnan mo itong si Luis, almost three months na pero parang kahapon lang nasaktan,” nakakalokong sabi ni Jared saka ngumisi. Sinamaan ko nang tingin si Jared. Tinawanan lang ako. “Ito at may nahanap ako sa You Search,” wika ni Mark na talagang nilabas pa ang kanyang smartphone at nag-search. Nakitingin naman si Jared. “Ways to forget your ex,” sabi pa nito. “Wow! Maganda ‘yan!” sabi naman ni Jared na lumapit pa kay Mark at tiningnan ang tinitingnan rin ni Mark. Napapailing na lamang ako ng mabagal sa kagaguhan ng dalawang ito. “Number one, accept what happened but don’t dwell on it,” paglalahad ni Mark. Napatingin siya sa akin. “Ikaw ba? Natanggap mo na bang wala na talaga?” tanong pa nito. “Tigilan niyo ako!” sabi ko. Naiinis na ako lalo. Tumawa lang ang dalawa. “Number two, let go. Ahhh... ito hindi pa nagagawa ni Luis,” nangingiting sabi ni Mark. Umiwas ako nang tingin sa dalawang ito.Lintik talaga. Sh*t! Hindi na talaga nila ako titigilan. Ilang taon na silang ganito sa akin. “Number three, go outside and-” Napatigil ang dalawa at gulat na gulat na tumingin sa akin. Ibinagsak ko kasi sa mesa ang hawak kong bote ng chocolate drink na wala ng laman. “Tara na at may klase pa tayo!” naiinis na nagtaas na ako ng boses sa kanila saka mabilis akong tumayo at nauna na akong lumabas sa convenience store na malapit lang sa school. Napailing-iling ako. ‘Yung dalawa talaga na iyon, hindi talaga ako titigilan. “Uy! Hintayin mo kami!” sigaw ng kolokoy na si Jared. --- One, Accept what happened but don’t dwell on it. Two, Let go Three, Go outside and be active Four, Don’t look back or imagine “What if...” Five, Make new memories Six, Improve yourself Seven, Avoid contact with your ex as much as possible Eight, Make lifestyle changes Nine, See good in yourself Ten, Love again. Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang binasa nila Jared at Mark kung paano makalimot sa ex. Ewan ko ba kung bakit ko pa ito sinearch sa You Search at binasa kalakip ang mga paliwanag sa mga ito. Sa totoo lang, wala pa akong ginagawa para makalimot. Marahil ay dahil sa ayaw ko pa. May mga oras na sumasagi pa rin siya sa aking isipan at ayokong maalis iyon. May mga pagkakataon ring nagtatanong ako sa aking sarili ng mga bagay na imposible man sa ngayon pero umaasa akong maging posible. Hindi naman masamang umasa, ‘di ba? Masama kaya Bwisit na utak ‘yan! Kakampi nila Mark at Jared. Anyway, laman pa rin siya ng aking puso at hindi pa iyon nagbabago. Naiisip ko pa rin ‘yung ligayang hatid niya sa tuwing kasama ko siya. Iyon siguro ‘yung mga dahilan kaya ang hirap kong makalimot kahit na masakit ang napagdaanan ko sa kanya nitong huli. “Kapag ba sinunod ko ang mga nakasulat dito makakalimot na ako?” tanong ko sa aking sarili. Hindi naman siguro masamang subukan, ‘di ba? Muli akong napabuntong-hininga nang malalim. Oo nga pala, nandito ako ngayon ay mag-isa sa school garden. Nakaupo sa upuan na gawa sa bato. Nakapatong ang siko sa mesang gawa rin sa bato at hawak ang smartphone ko. Wala ang dalawa kong ugok na kaibigan na sila Jared at Mark dahil nanunuod ng basketball try-out sa gym. Hindi na ako sumama sa kanila dahil bukod sa gusto kong matahimik ang buhay ko kahit sandali ay hindi rin naman ako mahilig manuod ng try-out, kapag nasa mood lang. Hindi kasi ako sporty na tao, more on academics ako kaya minsan ay napagkakamalan din akong nerd kahit hindi naman ako ganun katalino. May utak lang kumbaga. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito sa garden dahil sa ang daming mga halaman at bulaklak dagdagan pa na nasa silong ng puno ng mangga ang inuupuan ko. Presko ang hangin at ang ganda pa ng panahon. “Isaiaaaahhhhh!!!” Binitawan ko ang cellphone ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinilot ang aking sentido nang marinig ko na naman ang matining na boses na iyon. Sa tono pa lang, kilalang-kilala ko na siya saka isa pa, siya lang ang tumatawag sa akin sa second name ko. Kainis nga eh! “Isaiah babe!!!” matining niyang sigaw sa pangalan ko. Mas lumakas iyon senyales na nakalapit na siya. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, and there he is... nasa harapan ko na siya at nakaupo. Tsk! Ang bilis niyang kumilos. “Ito chocolate milk drink for you. Alam ko paborito mo ‘yan,” may halong landi na alok niya sabay bigay at lapag ng bote ng chocolate drink sa harapan ko. “Ano na naman itong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya. Napanguso siya. Ang pula-pula at kintab ng labi pero hindi naman siya naka-lipstick. Siguro dahil sa pagiging sobrang mestiso niya kaya ganu’n o baka kakakain lang niya ng lechon sa cafeteria. Napangiti siya. Lumabas ang puti at pantay-pantay naman niyang mga ngipin. “Nalaman ko kasing nandito ka,” sabi niya na mas lalong lumandi ang boses. Kumindat pa siya na nagpatayo sa... balahibo ko sa batok. “Alam mo na, ‘yung puso ko, parang You Search map na itinuturo kung nasaan ka,” dugtong pa niya. Grrrrr! Nakakanginig ang mga sinasabi niya. “Sabi pa nga niya, nandoon ang labidabs mo! Nandoon ang labidabs mo! Nandoon ang labidabs mo kaya puntahan mo na!” paulit-ulit pa niyang sabi nang pakanta at tinuturo pa ako. Lumukot ang mukha ko. Pamaya-maya ay napabuga na lang ako ng hininga. Ipinapakita ko talaga sa mukha ko na ayaw ko siyang makita. “Oo nga pala, inumin mo na itong binili ko for you,” alok niya. “Ubusin mo at huwag na huwag magtitira.” “Kakainom ko lang,” pagtanggi ko sa alok niya saka umiwas nang tingin. “Sige na, inumin mo na for me. Binili ko pa naman ‘yan para sayo,” paawa effect pa siya. Napailing-iling na lamang ako ng mariin. Muli ko siyang tiningnan. Siya si Guitar Aguirre, Gut for short. Ang masugid kong manliligaw simula pa nu’ng unang tumapak ako sa eskwelahang ito kahit hindi ko naman siya pinayagang ligawan ako. Sa pagkakaalam ko, magka-edad lang kami at taga faculty of HRM siya kaya ewan ko ba kung paano niya ako nakita at nakilala. Siguro stalker ko siya. Pero naisip ko din, sabi sa akin ni Jared nun, malakas daw ang radar ng mga kagaya ni Gut pagdating sa pogi at dahil pogi ako, natunton ako ng radar niya. Hay! Sa totoo lang, nakukulitan na ako sa kanya, walang araw na hindi ko siya nakita dahil sa palagian niyang pagsulpot sa harapan ko. Binibigyan ako ng kung ano-anong pwede niyang ibigay. Ako naman, minsan tinatanggap ko pero madalas hindi. Minsan nga, gusto pa niya akong ihatid sa dorm ko, may motor kasi siya pero hindi ako pumayag, ayun at naglupasay sa lupa kaya napilitan na lang akong sumama. Medyo maawain din naman kasi ako. Pero itong pangungulit niya sa akin ang hindi ko malilimutan dahil hanggang sa pagdumi ko, sinundan niya pa rin ako. “Hay! Success!” natutuwang sabi ko. Nailabas ko na kasi ang sama ng loob ko kaya nakahinga na ako ng maluwag. Nandito ako sa loob ng isa sa mga cubicle ng boy’s restroom at kakatapos lang dumumi. Hinanap ko ang bidet at nang makita ko ay kaagad kong kinuha saka binuksan pero peste... “Walang tubig? Timing na timing naman!” naiinis na wika ko. Tsk! “Kainis!” reklamo ko pa. Nilibot ko ang tingin sa buong cubicle at hinanap ang tissue holder. Napatitig pa ako sa dingding dahil may nabasa akong hindi ko dapat binasa. “I blow you till you drop. Call me here 09** *** ****” Lumukot ang mukha ko saka umiling-iling. Bastos! “Sh*t!” napamura na lamang ako. Hindi naman ako ganun kainosente para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa dingding. Hay sino kaya nagsulat niyan? Wala ba siyang magawa? Hinanap ko na lang ang tissue holder pero peste na naman, walang laman! “Pucha! Ano bang klaseng banyo ito!” lalo akong iniinis ng pesteng banyo na ito. Ang ganda-ganda ng school pero walang tissue at walang tubig. Marahas na napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa kaliwang side. “May tao kaya sa kabilang cubicle?” mahinang tanong ko sa aking sarili. Napakamot ako sa ulo. Bahala na. Kumatok ako ng tatlong beses. “Hello! Hello! Pwede bang makahingi ng tissue?” tanong ko. Nagbabakasakaling may tao nga. Wala akong nakuhang sagot pero napatingin ako sa ibaba dahil dahan-dahang may lumitaw na kamay na may hawak na nakatiklop na tissue. Napangiti ako. “Salamat,” natutuwang sabi ko. Kung sino man siya, hulog siya ng langit! Binuklat ko ang tissue at ipapamunas ko na sana pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa kong nakasulat doon. “I love you, Isaiah! (heart and wink emoji) - Gut” “Sh*t!” napamura na lang ulit ako. Hindi pala hulog ng langit, padala pala siya ng lupa. Napailing-iling na lamang ako sa alaalang iyon. “Bakit ka napapailing, Babe?” nagtatakang tanong ni Gut. Salubong ang makapal niyang kilay. “Do you have any problems? Say it at tutulungan kita,” dagdag pa niyang sabi sa malanding boses. “Wala,” mahinang sagot ko. “Saka pwede ba, tigilan mo ako sa pagtawag mo ng babe,” naiinis na sabi ko pa. Napangiti ito ng matamis na ikinangiwi ko naman. “Inumin mo na ‘yan,” sabi niya saka ngumuso para ituro ‘yung binili niyang chocolate milk drink para sa akin. Nagbuga ako ng hininga. Napatango-tango na lamang ako. “Wala ba itong gayuma?” tanong ko kay Gut. Mabuti ng sigurado dahil baka bigla na lang akong mabaliw sa kanya. Natawa siya. “Wala! Hindi ko kailangan iyon dahil sa ganda ko pa lang, sisiguraduhin kong mabibihag ka,” nangingiting pagmamayabang niya. Napailing-iling na lamang ako ng mabagal saka humigop sa straw ng chocolate milk drink. Ang lakas ng self-confidence niya. Kilala ng lahat sa campus si Gut. Nanalo lang naman kasi siya bilang Miss Gay Campus sa nakaraang school fair. Maganda naman siya kapag naging babae. Kung hindi nga lang din bakla si Gut, marami din itong mabibihag na mga babae dahil may itsura din naman siya. Tama lang ang hubog ng kanyang pangangatawan na bumagay sa kanyang tangkad na sa tingin ko ay nasa lima’t pito. Makinis pa ang balat. Pero lalaki kasi ang hanap niya kaya walang epekto sa kanya ang mga babae. “Kitams! Natutulala ka na sa kagandahan ko,” natutuwang sabi niya at pumalakpak pa. Tuwang-tuwa? Hay! Hindi ko man lang namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Tinayuan ako ng... balahibo sa batok dahil sa sinabi niya. Umiwas ako nang tingin saka umiling-iling. Narinig ko ang pagtawa niya. “Sige at maiwan na muna kita babe dahil may klase pa ako. Kitakits mamaya,” malanding pagpapaalam ni Gut na muli kong ikinatingin sa kanya. Mabuti naman. “Wait for me, okay?” Napatango-tango na lamang ako kahit ang totoo, hindi ko siya hihintayin. Bakit ko gagawin iyon? Isa pa, babe pa rin kahit sinabihan ko na. Kulit talaga. Inayos niya muna ang suot niyang uniform. Puting polo na longsleeve at itim na slacks ang official uniform namin dito sa school. Ngumiti ito sa akin saka umalis na ng tuluyan. “Hay salamat!” nakahinga nang maluwag na sabi ko. Salamat at umalis na siya dahil muli ng matatahimik ang buhay ko. Humigop muli ako ng chocolate drink. “Naks naman! Nag-date sila ng masugid niyang manliligaw.” Mula sa kung saan ay lumitaw ang dalawa kong ugok na kaibigan sa harapan ko at naupo sa inupuan kanina ni Gut. Marahang napailing-iling na lamang ako sa sinabi ni Jared. “Mukhang hindi ka na naman titigilan ni Gut niyan,” sabi ni Mark. “Sure ball iyon Bro lalo na at wala na siyang girlfriend,” segunda ni Jared. Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa. Kunsabagay, matagal rin akong hindi kinulit ni Gut dahil sa naging girlfriend ko si Monique. “Patulan mo na kaya,” nakakalokong suhestyon ni Jared saka ngumiti nang nakakaloko. Tumaas ang kanang kilay ko. “Sinasabi mo diyan?” sarcastic na tanong ko. Napangisi si Jared. “Hindi na masama si Gut. Mukhang babae kapag nakapambabae at pogi kapag naging lalaki. Makinis at ang matindi pa, gustong-gusto ka niya,” wika nito. “Malay mo, siya na pala ang The One para sayo,” nangingiting sabi pa nito. “Sh*t! Kilabutan ka nga!” nanginginig na saad ko. Ako ang tinatayuan ng balahibo sa batok dahil sa mga kalokohang sinasabi niya. “Bakit? Ayaw mo ba sa mga bakla?” pagtatanong ni Jared. Mabagal na umiling-iling ako. “Hindi naman sa ayaw, wala akong isyu sa mga gays... pero hindi kami talo,” sabi ko saka napailing-iling ulit. “Sa babae lang titibok ang puso ko,” dugtong ko pa. Napangisi si Jared. “Hindi mo din masasabi,” nang-aasar na sabi ni Jared. Sinamaan ko nga nang tingin. “Edi magtitiis ka na lang sa pangungulit ni Gut ganu’n?” tanong naman ni Mark. “Ewan ko... bahala na,” sagot ko saka humigop ng chocolate drink. “Kung maghanap ka kaya ng bagong girlfriend,” suhestyon ni Mark. Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko. “Oo nga. ‘Yun lang ang paraan para tigilan ka ni Gut saka para na rin makalimot ka na kay Monique,” pagsang-ayon naman ni Jared sa sinabi ni Mark. Mataman kong tiningnan ang dalawa kong kaibigan. “Sa tingin niyo ba parang pagbili lang sa karinderya ang paghahanap ng girlfriend?” tanong ko. Ngumiti nang nakakaloko si Jared. “Madali lang ‘yan. May mga kaibigan akong babae na pwedeng magpanggap.” “Magpanggap?” nagtatakang tanong ko. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Tumango-tango si Jared. “Oo, fake girlfriend pero malay mo maging totoo din kinalaunan,” nangingiting wika ni Jared. Mariing napailing-iling ako. “Kung ano-anong naiisip niyo,” sabi ko. “Gusto niyo pang mandamay ng ibang tao,” dagdag ko pa. “Tinutulungan ka lang namin Luis,” ani ni Jared. “Ikaw rin, matagal mong pagtitiisan ulit si Gut,” dugtong pa niya. “Oo nga, baka mamaya bigla ka na lang pasukin ni Gut sa banyo,” pananakot naman ni Mark. Tumawa naman ng malakas si Jared. Mga pucha ‘to! Alam nila ‘yung nangyari sa banyo kaya ginagawa din nila iyong pang-asar sa akin. Napailing-iling na lang ulit ako. Pero kunsabagay... tama rin sila na hindi ako titigilan ni Gut hangga’t hindi ako in a relationship ulit. Hay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD