RATED SPG. "Miggy..." humihingal kong tawag sa pangalan niya habang napahawak ang mga kamay ko sa mga hita ko. Naabutan ko siya sa labas ng gusali na waring hinihintay ako. "Kailangan bang ganun, Jurace?" Napakaseryoso niyang tanong. Kababakasan ng galit ang kanyang mga mata. "Hindi. Hindi ganun yun." Hingal kong sabi. "Just because I didn't agree to celebrate, nakahanap ka na ng iba." "No! s**t! Bakit ba hindi mo muna ako pakinggan?!" Galit ko na ring sumbat. Tang-ina, di ba dapat ako ang galit sa kanya? Di ba dapat ako ang manumbat? Kung pumayag siyang sumama sa akin kanina, di hindi ako mag-iinom mag-isa. Hindi ako pupunta sa club. At hindi ako mahahalikan ng babaeng iyon. "Dahil gago ka!" Bulyaw niya sa akin. Para niya na akong sinuntok sa mukha sa lakas ng impact nun sa akin. Ma