Rated SPG Gabi na. Hindi ako pinakain ni Jai ng dinner dahil sa nangyari kay Timber. Bawal din daw akong lumabas ng kwarto. The nerve! Ako nga ang nagsuggest na iCPR nila yung tuta na yun tapos gaganituhin niya ako. Bwiset siya. At yung magbayaw na bobo, porke hindi nahabol yung nagbebenta ng itim na kambing, kumampi pa kay Master. Kaasar talaga, damn it. Kanina narinig kong hinahanap ako ni Miggy. Pero ano ang ginawa nila? Sinabi nilang nagpakabusog ako sa labas, mga sinungaling! Di bale, kumain naman ako kanina ng dalawang 'tilapya' kaya okay na rin. Mamaya kapag tulog na sila lalabas ako at kakain. Uubusin ko lahat at walang ititira. Buti na lang at kahit papano pinagshower nila ako. Iisa lang kasi ang banyo nitong cottage kaya kailangan pang lumabas ng kwarto kung gustong gumamit ng b