Chapter 1: Ezekiel

1638 Words
I can feel the excitement and so much anticipation as I went down the rented car. Finally, I've arrived here in Martenei. Dad and Papa have decided na dito na rin ako sa school na pag-aari ng pamilya mag-aral para na rin siguro ayusin ang kung ano mang differences namin ni Kuya. Siguro naman after five years, hindi na siya galit sa akin. Siguro naman nagmature na siya at tuluyan nang natanggap na miyembro na ako ng pamilya niya. Wala mang binabangit ang mga kinalakhan kong mga magulang, parang yun ang ipinapahiwatig nila sa kanilang pananalita nung magkausap kami. Kumusta na kaya si Kuya? Sa loob ng limang taon ko sa France, hindi kami ni minsan man nagkausap. Pareho kaming nag-iiwasan. Alam ko, wala akong karapatang magtampo kina Dad at Papa kung tuwing holidays ay hindi sila gumagawa ng paraan para makasama nila ako. Dahil na rin siguro iyon sa selos at galit ni Kuya sa akin. Bumabawi naman sila kahit papaano dahil pinapasiyalan nila ako sa boarding school pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon. Iniisip ko na lang na wala akong karapatang magtampo kasi ampon lang ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil hindi magiging maalwan ang buhay ko kung hindi nila ako binili. They've treated me as if I'm their own. They made it legal that's why I'm now carrying their name. Hindi nila ako trinatong iba. Kung ano ang meron kay Kuya, meron din ako. Yun ang isang rason kung bakit galit siya sa akin. He hated that his parents cared for someone else aside from him plus the fact that I was lame, shy and weak. Those were the other reasons why he hated me. He was not proud of me. And what's worst? It's the fact that I am gay and he got to discover it from my journal. He hated me more since that day so I decided to leave for France at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng high school and Papa's family were there to support me. And now after graduating third from my class, pinagbigyan ko na ang mga magulang ko na umuwi na ng Pilipinas at dito na magkolehiyo. "Mr. Martenei, welcome to Martenei U! May I carry you luggages?" Nakangiting bati sa akin ng isang lalaking sumalubong nang makitang umibis ako mula sa sasakyan. "Thank you." Kinuha niya ang mga bagahe ko at nagpatiuna nang naglakad papasok sa building. "Please follow me." Lingon niya sa akin. "Salamat." Ngumiti ako sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at gulat na tumingin sa akin. "Yes, nagtaTagalog ako. My dad taught me." Sinabi ko hindi pa man siya nagtatanong. "Mabuti naman, Sir para hindi na dumugo ang utak ko sa pagtranslate." Nagkatawanan kami sa pagbibiro niya. "By the way, please wag mo na akong tawaging sir. Ezekiel na lang o kaya Zeke." Sabi ko sa kanya nang tumigil na kami sa pagtawa. Nakaagapay na ako sa paglalakad niya. "Eh Sir, baka magalit po kasi si Master Jarius kung hindi namin ibibigay ang nararapat na respeto sa inyo." I doubted what he said. Si kuya isasaalang-alang ang nararamdaman ko? Matutuyo muna ang tubig sa karagatan bago mangyari yun. He hates me so much to care. Sa mga ginawa niya noon na mga pananakit sa akin? Baka nga naiinis pa yun kasi buhay pa ako. Ilang beses niya na ba akong ikinulong sa attic sa bahay namin sa San Francisco? Alam kaya niya na yun ang reason kung bakit may phobia ako sa dilim? Ilang mga regalo na ba nina Daddy at Papa ang sinira niya para lang magalit sa akin ang mga ito? Yung mga damit na magkapareho kami? Hindi ko pa man naisusuot, sinisira na niya. Sa school naman noon, siya pa ang nambubully sa akin. He would shove me and make fun of me infront of his friends. Minsan, nasubukan ko pang mabugbog na alam kong pinag-utos niya. Ilang beses din nila ako sinubukang iwala para hindi na ako makauwi. Another time, they even dumped me inside a garbage bin. Through all these, hindi ako nagsumbong because once I did, my pet dog mysteriously disappeared. I just silently cried. Sa batang edad, naitanim na sa isip ko na kahit anong pambubully pa ang gawin ni Kuya Jarius sa akin, wala akong karapatan na sumbatan siya o magalit sa kanya. Isa pa, ayokong maulit yung pananakit sa kanya ni Papa. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya. There was one time, napagbuksan ako ni Papa sa attic na nakulong at may dumudugong ilong. He asked me what happened but I didn't talk kasi ayokong mapahamak si Kuya. So he looked into one of the videos from the hidden cameras around the house. Doon niya nalaman ang ginagawang pananakit at pambubully sa akin ng kanyang anak. And hell, Jarius got the worst beating of his life. Ilang suntok sa katawan ang natikman nito. Mabuti lang at dumating si Daddy noon dahil kung hindi, baka kinakailangan na naming itakbo sa ospital si kuya dahil sa tindi ng bugbog na inabot niya mula sa ama. Natigil ang pambubully niya sa akin sa bahay pero hindi sa school. Pero ewan ko ba, sa kabila ng mga masasamang ginagawa sa akin ni kuya, unti-unti pa ring nagising ang isang damdamin dito sa puso ko. Noong una, inisip ko na siguro kaya ganun ang nararamdaman ko sa kanya ay dahil gustung-gusto ko na mapansin niya. Dumating pa nga sa point na nasisiyahan ako kapag itinutulak niya ako o sinasampal kasi dun lang niya ako pinapansin. Until that fateful day. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil bukod sa kasal nina Papa at Dad dito sa Pilipinas, nalaman din ni kuya ang nararamdaman ko sa kanya. At nung araw na iyon, nagising ako sa aking katangahan. When I saw the hatred, anger and disgust on his face, I realized that I dreamt so much. Matanggap nga ako ay hindi niya na kaya, what more kung ibibigay niya ang klase ng pagmamahal na gusto ko? So I've decided to go to France. Dad didn't want it but Papa gave in. I don't know if they knew what happened between kuya and I. Hindi na ako nagtanong pa dahil hiyang-hiya ako sa kanila. I felt as if I betrayed them. Nung sa France na ako nag-aaral, kinalimutan ko na ang damdamin ko kay kuya. Sinubukan kong magpakalalaki pero bigo ako dahil ang lugar na yun ay hindi bagay sa tulad ko na nagdedeny ng tunay na kasarian. The people there are open for people like me. They advocated the freedom to be what we truly are. Kaya naman, imbes na magbago ay natutunan kong tanggapin ang seksuwalidad ko. I had relationship with some schoolmates pero I'm proud to say na hindi ako dumating sa punto na ibinigay ko ang sarili ko sa isang tao. Kapag alam ko na papunta na sa puntong iyon, ako na mismo ang umaalis sa relasyon. Until a year ago, I've met Tommy Michaels. He was a transfer student. We easily clicked. He is smart, funny and sweet. He is always simple na walang mag-iisip na isa ang ama niya sa mga bilyonaryo sa France. He respected my decision of not going all the way. Okay naman siya sa mga make out sessions namin tuwing mayroon kaming pagkakataon na magkasama. I fell in love with him at siya ang nagpalimot sa damdamin ko para kay kuya. When graduation came, we've decided to attend the same university in Paris. Kung hindi lang nangyari ang isang maling desisyon mula sa kanya, sana wala ako ngayon dito sa Pilipinas. It was two weeks after graduation when we've decided to join a group of campers. That night when I was fast asleep, Tommy went out of our tent to join a drinking spree. Nang magising ako na wala siya sa tabi ko, lumabas ako at hinanap siya. It wasn't hard to look for him. Because right infront of our tent, I saw him humping with a girl camper. Both were so wasted and so naked. They didn't finish the act when they saw me. Tommy begged for my forgiveness but I remained silent. I didn't have the heart to forgive and forget. I broke up with him when we got home. Nagmakaawa siya at umiyak. He said, nadala lang siya ng alak na nainom. But I closed my eyes, ears and heart to him. That's why when Dad called to tell me his and Papa's decision, I said yes right away. Kung matatanggap ako finally ni Kuya Jarius bilang kapatid, mabuti. Kung hindi naman, mas mabuti para naman may distraction ako at hindi na maisip pa ang mga nangyari sa amin ni Tommy. "Sir. Ay, Zeke pala, andito na tayo sa penthouse." Napawow ako nang makita ko ang titirhan ko. Maganda ang suite. Malaki. Kahit siguro dito rin nakatira si kuya ay hindi kami magkikita ng madalas. "Salamat." I smiled at him. Sabay kaming bumaling sa tunog na galing sa isang tao na nag-alis ng bara sa lalamunan. Sumalubong sa akin si Kuya Jarius na tila masayang-masaya sa pagdating ko. "Sige na, Joel. Ako na ang bahala sa kapatid ko." Nakangiti pa nitong pagtataboy sa kasama ko. "Sige po, Master." Nakangiti ring paalam nito. Sinundan ng tingin ko ang pagtalikod niya at paglabas sa pinto. Nang humarap ako kay kuya ay agad akong napaatras dahil napakalapit na pala ng katawan niya sa akin at halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng mga mukha namin. He smirked at me nang makita niya ang ginawa kong pag-atras. "Welcome to my world, pet. I missed you." May panunuya niyang sabi. Napalunok ako hindi lamang sa mga sinabi niya kundi dahil sa mensaheng nasa kanyang mga mata kundi pati na rin sa kakaiba niyang ngiti. Naroon ang pagbabanta... at ang isang uri ng emosyon na hindi ko mapangalanan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD