“Uy! Bakit mo ipinaalam?” biglang kinabahan si Maro. Bumalik sa sarili si Neo. “Hindi iyon,” sabi nito saka umiling-iling. “Ipinaalam ko lang na nagkasakit ka dahil sa paliligo mo sa ulan.” Mistulang nabunutan naman ng tinik si Maro. Napabuntong-hininga nito. “Akala ko naman-” “Sa tingin mo ba magagawa kong ipaalam iyon sa kanya?” tanong kaagad ni Neo. Hindi nakasagot si Maro. Nakatingin lamang siya kay Neo. “Anyway, Okay lang naman siya dun. Nag-aalala rin siya sayo dahil nagkasakit ka,” pag-iiba ni Neo sa usapan. Napatango-tango si Maro. “Alagaan mo ang sarili mo. Paano na lang kung lumipat na kami ni Mika sa dream house namin at maiwan ka dito,” sabi ni Neo na ikinagulat ni Maro. “Ha?” ang nasambit ni Maro. Hindi nagsalita si Neo. Bumaba ang tingin nito. Napatitig si Maro ka