LEE’s POV Tinakid ko lang yung seat belt ni Breigh dahil naka tulog na siya dito sa loob ng kotse matapos ko siyang paunahin dito dahil kinausap ko pa si Mama. Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha niya dahil para siyang anghel habang natutulog—kung sabagay, para nga siyang anghel kasi tinulungan niya ako na mahanap si Mama at tinulungan niya pa ako. “Sir.” Mabilis akong lumayo kay Breigh dahil sa isang lalaki na niglang sumulpot sa may gilid ko. Shit! Nakakahiya! Baka kung akalain niya ay may ginagawa akong masama kay Breigh. Tuluyan ko na siyang hinarap kahit nahihiya talaga ako. “Ba—bakit po?”tanong ko. Ngumiti naman muna siya sa akin bago sumagot. “Dito po ang daan pabalik sa kabayanan. Hindi po kasi kayo pwedeng bumalik diyan dahil baka may maka salubong kayo na ibang kotse