BREIGH's POV "Ano bang meron at talagang pinagluto mo pa kami ng pagkain? "Tanong ni Dad habang hinihintay niya yung pagkain niya na ako ang naghahanda. Nandito lang kami ngayon sa loob ng office ni Dad, malaki ito kaya may sarili itong mini dining table sa loob. "Oo nga, sabi mo kanina may good news ka na sasabihin sa'min ni Dad. "Sabi pa ni Kuya habang kinakain na niya yung lumpiang gulay. Inabot ko muna kay Dad yung pagkain niya tsaka ako sumandal sa inuupuan ko at huminga ng malalim. "Maybe, this is not really a good news for the both you but--- still I claimed it as a good news. Ahmmm. May trabaho na ulit ako, pinapabalik na ako ni Castiel bukas sa Kompanya niya. "Sabi ko at agad kong tiningnan ang kanilang mga ekspresyon. Si Dad mukhang nalungkot samantalang si Kuya naman ay