"Baby wag ka nang umiyak...Okay? Tahan na."Sabi sa akin ni Kuya habang hinihimas niya ang likod ko at pinipilit na patigilin ako sa pag iyak. "Tsaka di ba mas maganda na toh? Baka isang sign na din toh para sayo na dapat sa company ka na talaga mag-work. Doon ka na lang, makakasama mo kami ni Dad at mababantayan kita. Tutal dun ka naman talaga nababagay. Actually, ikaw naman talaga dapat ang nag aasikaso ng kompanya kesa ako."sabi ni kuya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang lalong umiyak dahil dun. Sa mga sinasabi niya kasi, pakiramdam ko ay hindi ko na talaga makikita pa si Castiel. Na hindi na talaga ako makakabalik sa kompanya ni Castiel. "Kuya ayoko talaga sa kompanya natin magtrabaho. "Sabi ko. "Pero baby wala ka na talagang magagawa about sa desisyon ng boss mo. Ang mga