Naglalakad na ako pabalik sa mismong cottage at naririnig ko pa ang lakas ng tugtugan na nagmumula doon kahit medyo malayo pa ang distansya ko. Binato ko lang sa kung saan yung bote ng alak nang maubos ko na ang laman noon. Hanggang sa makarating na nga ako doon at agad nila akong pinaupo katabi ni Matt kung saan kaharap ko si Breigh na mukhang lasing na dahil namumula na ang mukha niya. "Sir inom po tayo. "Sabi ni Lovely tsaka inabutan niya ako ng bagong bote ng alak na siya mismo ang nagbukas. Aabutin ko na sana yun ng biglang si Breigh ang marahas na umagaw nun mula sa'kin. Napatigil sina Matt at Lovely sa ginawa ni Breigh habang ako naman ay seryosong nakatingin lang sa kanya. "Uyy Breigh, ano ba?"angal ni Lovely sa kanya at medyo dinagil pa siya ng konti pero diretso lang siya