Pabalik-balik lang ako sa paglalakad dito sa may comfort room ng kompanya dahil kanina pa ako hindi mapakali simula nang sabihin ni Castiel na magdi-dinner kami. Totoo kaya yun? I mean, bakit all this time ay ngayon niya lang ako niyaya na mag-dinner diba? Dahil lang ba talaga toh sa team building na mangyayari? Pero on the other hand, bakit ba ako ganito mag-react? Eh matagal ko kaya tong hinintay-- kaya dapat go lang ako. Inayos ko muna yung powder ko tsaka konting lipstick bago ako tuluyang lumabas na. Mag a-alas siyete na ng gabi ka naman may ilan ng empleyado ang umuuwi. Umakyat na ako at nakasalubong ko si Lovely. "Hindi ka pa ba uuwi? "Tanong niya sa'kin. "Oo nga. Sabay na tayong bumaba. "Sabi naman ni Matt at lumapit na rin siya sa pwesto ko. "Ahh ehh, marami kasi ako