Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ni Castiel. Napalunok ako ng laway nang makita ko agad ang mga mata niya na sumalubong sa akin. Dahan-dahan kong isinara yung pinto tsaka tuluyan nang pumasok. "Good morning Sir Castiel. "Sabi ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa'kin pero walang mababakas na emosyon sa mukha niya. "Dinalhan kita ng prutas at ilang mga pagkain, nagugutom ka na ba? "Tanong ko sa kanya pero nanatili siyang walang imik. Isa-isa ko na lang nilabas ang mga prutas na nakalagay sa paper bag na dala ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin n kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya tsaka simpleng ngumiti. Nakatingin lang naman siya sa akin ng diretso kaya agad akong napaiwas sa kanya. "Nalama