Miguri’s Point of view Halos hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan dahil sa malagkit na titig na ibinibigay sa akin ng mga lalaki sa paligid ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit ito pa ang naisipan kong isuot. Parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil di yata’t nasasapawan ko na si tita Shirlie. “Miguri, okay ka lang? Napansin ko kasi na kanina ka pa hindi komportable diyan sa kinauu-puan mo. May problema ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni tita Shirlie, lumapit siya sa akin at saka umupo sa bakanteng upuan na nasa kaliwang bahagi ko. “Ayos lang ako, hindi kasi ako sanay sa maraming atensyon at isa pa, ito ang unang pagkakataon na dumalo ako sa mga ganitong okasyon. Kaya marahil ay naninibago lang ako.” Nakangiti kong sagot, ngunit napansin ko na kanina pa nakatitig sa akin s