Eight thirty ng umaga araw ng Martes, kasalukuyang nasa hapagkainan si Smith at abalâ sa binabasa niyang tabloid. Sa kaliwang bahagi nito ay ang kanyang anak na si Micha na kasalukuyang inaasikaso ng kanyang Yaya sa pagkain ng cereals nito. Binasag ng pagdating ni Shirlie ang katahimikan ng mag-ama, naupo siya sa kanang bahagi ng kanyang asawa. Mula sa newspaper na binabasa ni Smith ay lumipat ang kanyang mga mata sa mukha ng kanyang asawa na ngayon ay kasalukuyang humihigop sa kanyang mainit na kape. "Aren't you going to work today?" Nagtataka na tanong ni Smith sa kanyang asawa ng mapansin na tanging white tube at maong shorts ang suot nito. Habang nakalugay ang mahaba niyang buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha kaya hindi lubusang makita ni Smith ang mukha ni Shirlie. “