Sa kalagitnaan ng tirik na araw ay naglalakad ang isang dalagita na high school student. May suot siyang backpack sa likod habang sa kanang braso ay kip-kip ang ilang mabigat na libro.
Nakangiti ito na para bang nananaginip ng gising habang patuloy na binabagtas ang daan patawid sa kabilang kalsada.
Sa isang iglap ay pumailanlang ang nakabibinging busina ng isang kotse kaya biglang napalingon ang dalagita sa direksyon nito. Dagling naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi at biglang napalitan ito ng takot ng makita niya ang isang paparating na sasakyan patungo sa kanyang direksyon.
Walang humpay sa pagpapakawala ng malakas na busina ang driver nito ngunit dahil sa nilamon na ng matinding takot ang dalagita ay natulos siya sa kanyang kinatatayuan at hindi na niya maihakbang ang kanyang mga paa.
Makapigil hininga ang bawat segundo na lumilipas habang mariin na nakapikit ang mga mata ng dalagita na wari moy hinihintay na lang kung kailan sasalpôk sa kanyang payat na katawan ang paparating na sasakyan.
“Ayyyy!” Narinig niyang sigawan ng mga ilang tao sa kanyang paligid kasunod ang biglang pagdambâ ng isang lalaki sa kanyang katawan na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Ang sanay kamatayan na inaasahan niya ay hindi nangyari dahil sa pagligtas sa kanya ng isang binata.
Dahan-dahang iminulat ng dalagita ang kanyang mga mata at ganun na lang ang labis na pagkamangha niya ng tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng isang binata.
Ang kaninang takot na nararamdaman nito ay dagling naglaho at napalitan ito ng isang matamis na ngiti.
“Are you okay, Sweetie?” Anya ng baritonong tinig nito, bakas ang matinding pag-aalala sa kanyang tinig habang sinisipat ang buong katawan niya kung napilayan ba siya o nagalusan.
“You're my savior!” Wala sa sariling sambit ng dalagita habang nakatitig ang inosenteng mga mata sa seryosong mukha ng binata.
“May masakit ba sa iyo? Tell me.” Muling tanong ng binata habang tinutulungan siyang makatayo nito ng maayos.
“Hm, hm, nang makita kita biglang naglaho ang sakit kaya wala ng masakit.” Nakangiting sagot ng dalagita ng hindi inaalis ang tingin sa gwapong mukha nito. Biglang tumawa ang binata na labis na ikinamangha naman ng dalagita dahil lalo itong naging gwapo sa kanyang paningin.
“So naughty, next time mag-ingat ka ha, are you sure na walang masakit sayo?” Naninigurado pa na tanong ng binata. Nabahala ang dalagita ng maramdaman niya na mukhang aalis na ito kaya mabilis niyang pinagana ang utak.
“A-Ang paa ko, tama, masakit ang paa ko.” May pag-aatubili na sagot ng dalagita bago mabilis na umarte na tila nasasaktan. Napangiti naman ang binata na para bang natutuwa sa bawat reaksyon ng magandang mukha ng batang babae dahil alam niya na umaarte lang ito. Umiiling na tumalikod siya sa dalagita bago itinukod sa semento ang isang tuhod nito. Nagtataka naman ang mukha ng batang babae habang nakamasid sa binatang nakatalikod na sa kanya.
“Masakit ang paa mo di ba? Bilis sumakay ka sa likod ko.” Masuyong utos ng binata kaya naman biglang nagliwanag ang mukha nito at nagmamadali na sumakay sa likod ng binata.
“T-Teka hindi ako makahinga...” reklamo ng binata dahil sa higpit ng pagkakayakap ng kanyang mga braso sa leeg nito.
“Ay, sorry!” Anya bago niluwagan ang yakap sa leeg nito saka ibinaon ang kanyang mukha sa batok ng binata. Natigilan ang lalaki ng maramdaman ang mainit na hininga ng dalagita na tumatama sa kanyang batok dahil may hatid kilabot ito sa kanyang buong sistema.
“Mr.” Anya ng dalagita.
“Hmm?” Sagot naman ng binata na patuloy na naglalakad habang pasân sa likod ang batang babae.
“Bakit ang bango mo?” Inosenteng tanong ng dalagita na siyang kinatawa ng binatang may buhat sa kanya.
“Bakit tumatawa ka eh hindi naman joke ‘yun?” Anya ng walang muwang na dalagita at mas lalo pa niyang idinikit ang katawan sa likod ng lalaki dahil gusto niya ang init ng katawan nito. Para tuloy siyang isang sisiw na nangangailangan ng limlim ng isang inahing manok.
“Nothing, malayo pa ba ang bahay mo?” Tanong ng binata,
“Malapit na konti na lang.” nakangiting sagot ng dalagita kaya nagpatuloy lang sa paglalakad ang binata. Halos namumula na ang kutis nito dahil sa sinag ng araw halatang mayaman ang binata.
“Hep! Para!” Masiglang sabi ng dalaga kaya nakangiting huminto sa paglalakad ang binata.
“Anong pangalan mo?” Tanong niya sa dalagita pagkatapos niya itong maibaba.
“Miguri, ikaw?.” Nakangiting sagot ng dalagita habang ang mga mata nito ay nagniningning na nakatingin sa mukha ng binata.
“Smith,” tipid na sagot nito habang nakasquat sa harap ni Miguri. Ang sumunod na ginawa ni Miguri ay labis na kinagulat ni Smith nang halikan siya nito sa pisngi.
“Salamat, Mr. Smith.” Nakangiting wika ni Miguri bago nito tinalikuran si Smith. Nagtaka naman si Smith kung bakit tinahak ni Miguri ang daan pabalik na kanilang pinanggalingan. Saka lang niya narealized na naisahan pala siya ng dalagita. Lumampas na pala sila sa bahay nito at medyo malayo rin ang kanyang nilakad. Mula sa malayo ay kumakaway pa sa kanya ang makulit na si Miguri kaya itinaas niya ang kamay at kumaway pabalik dito ng hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi.
———————————-
“Babe, saan ka ba galing? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Bakit pawisan ka?” Tanong sa akin ni Shirlie ng makita ako nitong kapapasok lang sa pintuan, halata ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.
“Wala, naglalakad-lakad lang sa paligid, alam mo naman na fifteen years na akong hindi naka-kauwi ng Isabela.” Nakangiting sagot ni Smith bago lumapit sa kanyang nobya at humalik sa labi nito.
“Naghanda ako ng meryenda, pagkatapos mong mag palit ng damit ay sumunod ka sa akin sa kusina.” Malambing na bilin niya sa akin isang matamis na ngiti ang naging tugon ko bago ko siya tinalikuran.
Tinungo ko ang hagdan at pumanhik sa dati kong kwarto. Dito ako lumaki sa Mansion na matatagpuan sa Isabela De Luzon, nilisan ko lang ang bahay na ito ng ipagkatiwala sa akin ni Papa ang aming mga negosyo. Dala ng katandaan ay hindi na niya kayang hawakan ang kumpanya kaya ako na ngayon ang namamahala nito. Sa sobrang abala ko sa aming mga negosyo ay nawalan na ako ng panahon sa aking sarili kaya sa edad na thirty five ay hindi pa rin ako nag-aasawa. Mabuti na lang ay mabait ang nobya ko dahil sa tagal na naming magkasintahan na halos umabot na ng seven years ay nanatili pa rin siya sa aking tabi.
Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto ay kaagad akong naghubad ng aking mga damit at pumasok sa loob ng banyo upang maligo.
Habang nakapikit ay biglang lumitaw sa aking balintataw ang imahe ng makulit na dalagita na nakilala ko kanina lang.
Napakaganda ng batang ‘yun at masyado siyang masayahin, medyo pilya nga lang. Nakakalungkot lang isipin na parang anak ko na ang batang ‘yun.
Bigla akong natigilan sa itinatakbo ng utak ko at nakadama ako ng guilt para sa nobya ko. Mabait si Shirlie at para na kaming mag-asawa kulang na lang talaga ay kasal sa aming dalawa. Ang totoo niyan ay nagpaplano na akong yayain siya ng kasal pagbalik ko galing Japan. Dahil may three days business trip ako next week gusto ko munang tapusin ‘yun para makapag-concentrate ako sa aking nobya.
Umuwi lang kami sa Isabela upang pabigyan ang kahilingan ni Papa na dito sa Mansion ganapin ang ika-35th birthday ko.
——————————————
Hindi maalis-alis ang magandang ngiti sa mga labi ni Miguri habang nagsasangag siya sa kawali ng isang dakot na bigas. Gagawin niya itong kape para sa nanay niyang may sakit. Pagkatapos hipan ang ilang gatong sa ilalim ng kawali ay kumuha na siya ng tubig. Sinuri muna niyang mabuti kong itim na ang lahat ng bigas bago ito nilagyan ng katamtamang dami ng tubig.
Wala siyang pera pambili ng kape kaya ganito na lang ang kanyang ginagawa. Sunod niyang niluto ay itlog at dalawang pirasong tuyo na natira pa kahapon. Sa murang edad ng dalagitang si Miguri ay namulat na siya sa matinding kahirapan. Pagdating ng Sabado at Linggo ay namamasukan siya bilang isang kasambahay upang may pambili siya ng kaunting pagkain para sa kanilang mag-ina.
Simula ng magkasakit ang kanyang ina na si Loraine ay siya na ang sumalo ng lahat ng reponsibilidad. Maaga siyang naulila sa ama at tanging ang kanyang ina lang ang katuwang niya sa buhay. Wala siyang kilala kahit na isang kamag-anak nila na labis na ipinagtataka ng dalagita.
“Nay, kumain po muna kayo bago uminom ng gamot.” Anya sa kanyang ina, tinulungan niya itong makatayo ngunit hindi na talaga kaya ng katawan nito ang bumangon. Kinuha ni Miguri ang dalawang unan at pinagpatong ito sa ulunan ng kanyang ina.
“A-anak, gusto ko na sundin mo ang nais kong mangyari, pumunta ka sa baranggay at makiusap ka na magpadaa sila dito ng isang social worker.” Nakikiusap na utos ng kanyang ina habang inaayos ni Miguri ang higa nito upang makakain ng maayos.
“Sige po, pagkatapos po ninyong kumain ay lalakad po ako.” Magalang na sagot ni Miguri at sinimulan na nitong pakainin ang kanyang ina. Nang matapos ay kaagad na sinunod ni Miguri ang utos ng ina. Isinarado muna niyang mabuti ang maliit na pinto na gawa sa kawayan bago siya umalis ng bahay.
Ilang sandali lang ay bumalik si Miguri na may kasamang dalawang babae na taga social worker. Naiwan si Miguri sa labas ng bahay ayon sa kagustuhan ng kanyang ina.
“Aling Loraine, kumusta po ang pakiramdam n’yo?” Nag-aalala ng isang maedad na babae bagot ito umupo sa kawayang bangko na nasa tabi ng higaan ng Ginang.
“Nararamdaman ko na anumang oras ay maaari ng bawiin ng may kapal ang buhay ko. L-labis akong nag-aalala sa kalagayan ng aking a-anak.” Nahihirapan niyang paliwanag sa mga taga-social worker na matamang nakikinig sa kanyang mga sinasabi.
“Ano po ang nais ninyong mangyari?” Malumanay na tanong ng isa sa kanila. Kumilos ang isang kamay ni Aling Loraine at mula sa ilalim ng banig nito ay inilabas ang isang puting sobre na may kalumaan na.
“P-pakiusap... nais ko na sa oras na ako ay pumanaw, hanapin n’yo ang taong ito at ibigay n’yo sa kanya ang aking anak. S-siya lang ang taong alam ko na poprotekta sa karapatan ng aking anak.” Naluluha niyang pakiusap bago nito ibinigay ang sobre sa mga taga social worker.
“Makakaasa po kayo na susundin namin ang iyong bilin at sisiguraduhin ang kaligtasan ng inyong anak na si Miguri.” Nangangakong wika ng mga taga social worker. Nagtataka na hinatid ng tingin ni Miguri ang mga taga-social worker at ng mawala na ito sa kanyang paningin ay saka pa lang siya pumasok sa loob ng bahay.
Kahit hindi sabihin ng kanyang ina kung ano ang dahilan ng pagpunta dito ng mga social worker ay batid niya na may hindi magandang nangyayari sa kalusugan ng kanyang ina. Sa totoo lang ay lihim niya itong dinadamdam at halos gabi-gabi siyang tumatangis dahil sa matinding pagkahabag para sa kanyang ina. Hindi lamang niya ito ipinapahalata sa ina at nagkukunwari siyang masaya sa harap nito.