Saan ka galing?” Matigas kong tanong sa magaling kong asawa na kasalukuyang hahalik sa aking pisngi. Alas siyete na ng umaga ito umuwi at kasalukuyan kaming mag-ina na kumakain ng almusal nang bigla itong dumating. “Sa opisina na ako nagpa-lipas ng gabi, marami kasing trabaho ngayon sa kumpanya.” Tipid niyang sagot bago ako nito tinalikuran at akmang lalabas na ito ng dining room ngunit natigil siya sa paghakbang. Nagtataka na humarap siya sa akin ng ibato ko ang pinggan na walang laman sa gilid nito. Halos mapatalon naman sa gulat ang mga kasambahay maging ang aking anak ay umiyak dahil sa matinding takot. “S**t! Ano ba Shirlie, may bata sa harap mo!” Matigas niyang sabi bago sumenyas sa mga katulong na dalhin si Micha sa kwarto nito. Dahil sa matinding galit ay halos wala na akong pak