Chapter 14

2530 Words

14 Forest Shawnna Gaile Arcinue (Warning: Medyo SPG) Hindi pa man kami nakakaparada ay bigla nang napahinto si Tanda dahil sa bagay na tumama sa unahan ng kotse niya. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko pero parang ulo iyon. Lumabas kami para malaman kung totoo nga ba ang nakita ko o guni-guni ko lang. Halos masuka naman si Tanda nang makumpiram ang hinuha ko. Napatakip na lang siya sa bibig at ilong gamit ang likod ng palad niya, at bahagyang umatras. Tama, isang ulo lang ito at walang katawan. Wala ng sumisirit na dugo mula sa pinagkakapitan ng leeg at ng nawawala nitong katawan. Hula ko ay ubos na ang dugo niya sa ulo. Bukas ang bibig niya na para bang sumisigaw ng tulong bago siya bawian ng buhay. Hindi ko alam kung lalaki o babae ang nagmamay-ari nito ngunit maikli ang buhok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD