NAKATAAS ang isang kilay ni Zarina na tumingin siya sa dalawang saleslady na kanina pa nagbubulungan sa gilid niya. At lalong tumaas ang kilay niya nang makitang nakatitig ang mga ito kay Andrew.
"Ang gwapo naman niya," narinig niyang wika ng isang saleslady.
"Oo nga," sang-ayon pa ng isa. "Mukha siyang model."
Inalis niya ang tingin rito at inilipat niya iyon kay Andrew na nakatayo lang sa tabi habang hinihintay siya. He was totally oblivious sa mga babaeng nagpapantasya rito.
Well, hindi naman niya masisisi ang mga ito. Gwapo naman talaga si Andrew. Kahit na simple lang ang suot nito ay agaw pansin pa rin ang angking kagwapuhan at kagisigan nito. Nakasuot lang ito ng puting V-neck shirt at pantalon. Mukha nga itong hindi bodyguard at mas mukha pa itong isang modelo.
"Baka model siya. Lapitan natin at magpa-authograph tayo," suhestiyon ng isang saleslady.
"Sige, sige," sang- ayon naman ng kasama nito. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ang noo.
Akmang lalapit na ang mga ito kay Andrew ng tawagin niya ang atensiyon ng mga ito. She couldn't explain pero ayaw niyang lapitan ng mga ito si Andrew.
"Excuse me," wika niya sa dalawa. Sabay na lumingon ang dalawang saleslady sa kanya.
"Ano po iyon, Ma'am?" magalang na bati ng isang saleslady.
"Pwedeng patingin ng medium size nito," sabi niya sabay pakita sa hawak niyang dress. Lumapit naman ito sa kanya at kinuha ang hawak niya.
"Okay po, Ma'am. Saglit lang po," sabi nito. Pagkatapos niyon ay umalis ito para kumuha ng medium size na gusto niyang tingnan.
Habang hinihintay niya ang pagbalik nito ay tumingin siya kay Andrew. At bahagya siyang nagulat nang makitang nakatingin ito sa kanya. Hindi lang simpleng tingin, kundi titig na titig. Iyong bang tipong pati kaluluwa niya ay tinititigan nito. Para na namang may sumipa sa kanyang tiyan.
Iniwas na lang ni Zarina ang tingin rito at ipinukos ang atensiyon sa mga dress na nakasuot sa mga manequin. At mayamaya napaigtad siya ng marinig niya ang boses ni Andrew.
"Tapos ka na ba?" tanong nito sa kanya.
She breath in and out to calm herself.
Focus, Zarina. Mag-focus ka sa plano mo, wika niya sa sarili.
She breath in and out again. And then she force herself to look Andrew straight in the eyes.
"Nope," sagot niya na sinabayan niya ng pag-iling. "Marami pa akong gustong bilhin," dagdag na wika niya. "Hindi pa ko nakakabili ng new shoes ko, new bag, and perfume."
Sumulyap ito sa push cart na nasa tabi nito. Halos mapuno na ang mga iyon ng pinamili niyang mga dress. "May balak ka bang bilhin ang lahat nang nandito sa Mall?"
She made a low laugh. "Saka na kapag mayaman na mayaman na mayaman na ako," sagot niya sabay kindat rito.
Tinitigan lang naman siya ni Andrew. Nginitian naman niya ito nang matamis.
Mayamaya ay lumapit na sa kanya ang saleslady na dala ang hinihiningi niya. "Ma'am ito na po iyong medium size no'ng dress," wika nito sa kanya sabay abot sa dress. Kinuha naman niya iyon.
"Thank you," pasasalamat niya rito. Sumulyap siya kay Andrew na ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious sa hitsura niya.
Tumikhim siya. Pagkatapos niyon ay itinaas niya ang hawak na dress. "What do you think about this dress, Andrew? Maganda ba?" nakangusong tanong niya kay Andrew. Sa halip na tumingin ito sa dress na hawak niya ay napansin niyang tumitig ito sa labi niya. Napalunok siya ng makailang ulit nang makita ang paggalaw ng adams apple nito. Nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan. Ipinilig na lang niya ang ulo.
Tumikhim ito. Inalis na nito ang tingin sa labi niya at inilipat na nito iyon sa dress na hawak niya.
Kumunot ang noo nito. "Wala bang mas maikli pa diyan?" tanong nito, binigyan diin pa ang salitang maikli. Mahihimigan din sa boses nito ang pagiging sarcastic.
Saglit niyang nilingon ang saleslady na nasa tabi nila. Pagkatapos ay binalik niya ulit ang tingin kay Andrew. She smiled at him mischevously. "Uhm, Miss may mas maikli ba kayo nito?" sabi niya, in-empahasize din niya ang salitang maikli.
"Po?"
"Mas gusto kasi nitong kasama ko iyong mas maikli. Pagbigyan natin," kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang matawa sa nakitang reaksiyon nito. Lalo kasing nagsalubong ang mga kilay nito. Sa sobrang pagkakasalubong ay nag-isang linya iyon. Pero aaminin niya, kahit na magkasalubong ang nga kilay nito ay gwapo pa rin ito. Wala pa ring pinagbago. Nasaan ang hustisya?
Akmang bubuka ang bibig nito para magsalita nang mapatigil ito ng mag-ring ang cellphone nito. Inilabas nito iyon sa bulsa ng suot nitong pantalon.
"Excuse me. I'll just take this call," paalam nito sa kanya bago ito bahagyang lumayo sa kanila.
"Boyfriend mo po, Ma'am?" tumingin siya sa saleslady ng marinig niya ang tanong nito.
Nginitian lang niya ito. She did not confirm nor denied.
"Bagay po kayo, Ma'am. Gwapo siya at maganda po kayo."
Nginitian niya ulit ang babae. Mayamaya ay lumapit na si Andrew sa kanya. Mukhang tapos na itong makipag-usap kung sino mang kausap nito sa cellphone.
"Okay na ba?"
Umiling siya dahilan para magsalubong ang mga kilay nito. "Not yet. Hindi ko pa napi-fit ang iba diyan," sabi niya sabay turo sa dress na nakalagay sa push cart. "At ipi-fit ko pa ito kung tama ba ang sukat sa katawan ko," sabi niya. Pagkatapos niyon ay inutusan niya itong itulak ang pushcart niya patungo sa fitting room sa boutique kung nasaan silang dalawa.
Nang nasa tapat na sila ng fitting room ay kinuha niya iyong mga dress na isusukat niya. Pagkatapos niyon ay bumaling siya kay Andrew. "Wait me here," sabi niya rito bago siya pumasok sa fitting room. Nilock niya ang pinto. Hindi siya kumilos para isukat ang mga dress na hawak niya. Nakangisi lang siya habang nakatitig siya sa sariling repleksiyon sa salamin.
Matapos ang ilang minuto ay binuksan niya ang pinto ng fitting room. Sumilip siya do'n.
"Andrew," tawag niya sa atensiyon nito.
"What?" tanong nito nang magtama ang paningin nila.
"It's not my size. Pwede bang kunin mo iyong medium size nito?" sabi niya sabay abot rito ng hawak niyang isang haltered dress. Kinuha naman nito ang inaabot niya rito at umalis para sundin ang sinabi niya. Hindi naman nagtagal ay bumalik din ito bitbit ang medium size na pinapakuha niya.
"Here," sabi nito sabay abot sa kanya ng haltered dress.
Tinanggap naman niya iyon. "Thanks," pasasalamat niya. "Uhm, ito din pala. Medyo maluwag nang kunti sa akin. Pwede bang kuhanan mo ako ng small size nito," sabi niya sabay abot rito ng isang long dress rito.
Bahagyang kumunot ang noo nito. Pero sinunod naman nito ang inuutos niya rito. Pagbalik nito ay agad niyang inabot ang tatlong dress na hawak niya.
Lalong kumunot ang noo nito ng tingnan nito ang mga iyon. "It's not your size again. At ipapakuha mo na naman sa akin ang tamang sukat mo?" ani Andrew. "Am I right?"
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang mapangiti. "No. It's my size pero hindi bagay sa akin, eh. Ibalik mo na lang kung saan ko kinuha."
Andrew glared at her. She just smiled at him.
One point, Zarina.
-----
"THANK you for shopping, Ma'am. Come again," pasasalamat ng cashier kay Zarina ng ibalik nito sa kanya ang credit card niya.
Isang ngiti lang naman ang isinagot niya rito. Pagkatapos niyon ay tumingin siya kay Andrew. Lihim siyang napangiti nang makita niyang hindi na mapinta ang mukha nito. Actually, kanina pa hindi maipinta ang mukha nito.
"Baka may nakalimutan ka pang bilhin?"sarkastikong tanong nito sa kanya.
Kumibot-kibot naman ang kanyang labi. "As of now, wala na. Pero kapag may naalala akong bibilhin. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa 'yo," sabi niya.
Hindi naman ito sumagot. Sa halip ay nakatitig lang ito sa kanya.
"Let's go na," yakag na niya rito.
"Finally," bulong nito pero umabot naman sa pandinig niya. Lihim siyang napangisi. Kung alam mo lang, Andrew. I'm not yet done.
Inutusan niya si Andrew na kunin ang mga pinamili niya. "Hindi ako na-inform, hindi lang pala bodyguard ang magiging trabaho ko. Magiging personal alalay mo din pala ako."
She made a low laugh. "Huwag mo namang sabihin personal alalay. Ang pangit pakinggan. Personal assistant na lang mas maganda pang pakinggan," sabi niya kay Andrew.
Iiling-iling lang si Andrew. Nagpatiuna na siyang naglakad mabilis naman itong sumunod sa kanya.
Napahinto si Zarina sa paglalakad nang may madaanan siyang nail arts shop. Napatingin siya sa kuko niyang kulay pink. Kaka-manicure lang niya no'ng isang araw pero gusto na naman niyang magpa-manicure.
May ngiti sa labi na sumulyap siya kay Andrew. At mukhang may ideya na ito sa gusto niyang gawin dahil nakakunot na ang noo nito.
"Huwag mong sabihin sa akin na may balak kang pumunta diyan?" nakakunot pa rin ang noo na wika nito sabay turo sa nail art shop.
"Don't worry, Andrew," sabi niya. Lihim siyang napangiti nang makita ang relief na bumakas sa mukha nito. "Hindi ko sasabihin sa 'yo na balak kung pumunta diyan," pagpapatuloy na wika niya. Hindi na niya ito hinintay na magsalita. Sa halip ay naglakad siya papasok sa naturang shop.
"Good morning, Ma'am." bati sa kanya ng staff na naroon pagkapasok niya.
"Morning," ganting bati niya
Sumulyap siya sa glass door ng nasabing shop ng bumukas iyon at pumasok do'n si Andrew na hindi na naman mapinta ang mukha.
He looked so pissed. And she like it. The more he pissed the more chances na sumuko ito bilang bodyguard niya. At kapag sumuko ito wala na siyang bantay. Magagawa na niya ang mga gusto niyang gawin na hindi nag-aalala na malaman iyon ng Daddy niya.
"Good morning, Sir," bati ng staff kay Andrew.
Isang tango lang naman ang isinagot ni Andrew rito.
"He's with me," imporma niya sa staff.
"Okay, Ma'am." sagot nito. Pagkatapos niyon ay sinulyapan niya si Andrew.
"Maupo ka muna diyan sa sofa, Andrew habang hinihintay mong matapos ang ipapagawa ko," sabi niya rito. Walang namang imik na umupo si Andrew sa sofa. Inilapag din nito ang mga hawak nitong mga paper bag.
"Ano pong ipapagawa niyo, Ma'am." mayamaya ay tanong ng staff. "Manicure or pedicure,?"
"Both," sagot niya.
"Okay, Ma'am," sabi nito. Pagkatapos niyon ay iginiya siya nito na maupo.
Nang maupo siya ay sinimulan na nitong i-manicure siya. At habang mina-manicure siya nito ay panakanakang tumitingin siya kay Andrew.
Pero sa halip na makita niyang muli ang mukha nitong hindi maipinta dahil sa asar at inis sa kanya ay mukhang relax na relax ito habang nakaupo sa sofa. Nakapikit ang mga mata nito. Nakakrus din ang mga braso nito sa ibabaw ng dibdib nito. Dahil sa nakakrus na mga braso nito ay nakita niya ang pag-flex no'n. May nakita din siyang maliit na tattoo malapit sa siko nito. At dahil nakapikit ang mga mata nito ay malaya niyang natitigan ang lalaki.
At mukhang naramdaman nito na may nakatitig rito dahil bigla itong nagmulat ng mga mata at huli-huli siya nitong pinagmamasdan siya nito. Inalis niya ang tingin rito nang makita ang pag-angat ng dulo ng labi nito.
At kahit hindi nakatingin si Zarina sa salamin ay alam niyang pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya.
------