"DAD, no! I don't want to!" tutol ni Zarina ng marinig ang sinabi ng kanyang ama na si Zandro. Umiling-iling din siya habang nakatitig rito. "Please...no."
"That's my final decision, Zarina."
Napanguso siya. Gusto din niyang ipadyak ang mga paa pero pinigilan niya ang sarili. "Dad, why do I need to have a bodyguard? Wala naman akong natatanggap na treat. Even you, Dad!" maktol niya. Tutol kasi siya sa gustong mangyari ng ama sa kanya. Her father wants her to have a bodyguard. At ang rason ng ama ay para daw mabantayan ang mga pinaggagawa niya habang wala ito. May business conference kasi ang Daddy niya sa Hongkong. At aabutin iyon ng isang linggo. Isasama nito Mommy niya. Pagkatapos kasi ng conference nito at magko-crossed country ang mga ito patungo sa England para magbakasyon.
Abala nga siya sa pagmumuni-muni sa kanyang kwarto no'ng ipatawag siya ng ama. Akala niya kung ano ang sasabihin nito sa kanya kung bakit siya nito pinatawag. Iyon pala ay gusto lang nitong ipaalam ang tungkol sa pagkuha nito ng bodyguard para bantayan siya. Heck? Ano siya teenager na kailangan bantayan?
"Because your pain in the ass, Zarina," sagot nito sa kanya. Ouch! "Your already 25 years old pero daig mo pa ang isang teenager kung umasta," pagpapatuloy na wika ng ama.
Oh? Kaya pala kumuha ang ama ng bodyguard niya dahil ang tingin nito sa kanya ay isa pa ring teenager. She mentally grinned.
"Dad, we only live once. Kaya dapat enjoy natin ang life," hindi naman niya napigilan ang ikomento iyon rito.
"So, pag-e-enjoy ang tawag mo sa pinaggagawa mo nitong nakaraang linggo?" tanong ng ama na nakakunot ang noo. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita ng unahan siya ng ama. "So, nag-enjoy ka ba sa kulungan no'ng mahuli kayo ng kaibigan mo ng mga pulis dahil sa ilegal na pakikipagkarera?"
Kinagat naman ni Zarina ang ibabang labi ng marinig niya ang sinabi ng ama. That was one heck experience for her and for her bestfriend--Brooke. Kasama niya ito ng mahuli sila ng pulis dahil sa ilegal na pakikipagkarera. May nagyaya kasi sa kanila na sumali sa isang karera. At dahil sila iyong tipo na game na game sa lahat ng bagay ay sumali sila sa karera. At hindi naman nila inaasahan na mahuhuli sila ng pulis. Sa pagkahuli nga nila ng mga pulis ay na-experience nila ni Brooke na magpalipas ng buong gabi sa kulungan.
"Pag-e-enjoy din ba ang tawag mo sa nangyari sa 'yo noong nakaraang gabi? Someone put a drug on your drinks no'ng nasa club kayo. At kung hindi lang dahil sa lalaking tumulong sa 'yo ay baka may nangyari na sa 'yong masama."
Hindi matandaan ni Zarina ang sinasabi ng ama na tumulong at naghatid sa kanya sa bahay nila no'ng gabing iyon. Epekto siguro ng drugs na nainom niya kung bakit wala siyang matandaan. Nalaman lang niya kinabukasan sa mga magulang ang tungkol sa lalaking tumulong sa kanya.
"So, ganoon ba ang new definition mo ng pag-e-enjoy? Muntik ka ng napapahamak."
"It's part of life, Dad. Hindi iyon maiiwasan."
"Maiiwasan mo ang mga pangyayaring iyon kung mananatili ka lang sa bahay. O, hindi kaya ay tulungan mo ang Kuya Zander mo sa pagmamanage ng business natin."
"Managing business is not my cup of tea, Dad." sabi niya sa ama. Nang matapos siya sa kolehiyo ay pinipilit na siya ng ama na tulungan ang Kuya Zander niya sa pagmamanage ng business nila. Pero kahit na anong pilit nito ay hindi niya ito sinusunod. Duh? Ayaw niyang maburo sa apat na sulok ng opisina.
"Anong gusto mong gawin sa buhay, Zarina. Mag-enjoy na lang hanggang sa magsawa ka?"
Ngumuso lang naman siya habang nakatitig siya sa ama. "But still, Dad. Ayoko ng may bodyguard."
"Buo na ang desisyon ko, Zarina. Sa ayaw at sa gusto mo ay magkakaroon ka ng bodyguard."
Lalong humaba ang nguso ni Zarina. Mukhang hindi na nga magbabago ang desisyon ng ama. Mayamaya ay nakarinig sila ng mahinang katok mula sa labas ng pinto ng kinaroroonan nilang library. Bumukas iyon at sumungaw ang isa sa mga kasambahay nila na si Manang Lita.
"Ser nandito na po si Ser Andrew," imporma nito sa Ama niya.
"Okay. Papasukin mo na siya," sabi ng ama.
Nakangusong itinaas ni Zarina ang kamay at pinagmasdan ang bagong manicure na mga kuko. Hindi pa siya pwedeng umalis kasi hindi pa tapos ang meeting nila ng Daddy niya.
"Good morning, Sir."
Inalis ni Zarina ang titig sa mga kuko ng marinig niya ang baritonong boses na iyon. Bigla din siyang na curious kung kaninong boses iyon. Nag-angat siya ng tingin at hinanap ang pinanggalingan ng boses.
And she almost gasped nang makita ang isang gwapo at matangkad na lalaki na nakatayo sa likod niya. Sa tantiya niya ay nasa anim na talampakan ang height nito. Gwapo talaga ang lalaki. May pagkakahawig nga ito sa international model na si Sean O'pry. Mas gwapo lang ang lalaki sa nasabing model. At mas may dating.
The guy is so hot, he's dayum hot.
At mukhang naramdaman ng lalaki na nakatingin siya rito dahil sumulyap ito sa kanya. Napansin niya ang pagtaas ng dulo ng labi nito nang mahuli siya nitong nakatingin siya rito.
At kahit hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula ang pisngi niya pero pilit pa rin niyang sinasalubong ang titig nito. Mayamaya ay bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig siya rito.
His face is a bit familiar to her. Hindi lang niya maalala kung saan at kung kailan niya ito nakita. Ipinilig na lang niya ang ulo.
"Good morning too, Andrew." narinig naman niyang bati ng ama.
So, Andrew ang pangalan ng gwapong lalaki. Pati tunog ng pangalan nito ay gwapo. Hindi niya napigilan ang mapangiti.
"Oh, by the way, Andrew. Gusto kitang pasalamatan muli sa paghatid sa anak ko ng safe sa bahay no'ng nakaraang gabi."
Kunot ang noong napatingin siya sa Daddy niya. "Ano ang ibig niyong sabihin, Dad?" hindi niya napigilan sumingit. Bigla din kasi siyang na-curious.
"Hindi mo ba naalala si Andrew, Zarina?" tanong ng ama. Umiling naman siya bilang sagot. "Siya iyong sinasabi ko sa 'yong lalaking tumulong sa 'yo no'ng may naglagay ng drug sa inumin mo. Siya din ang naghatid sa 'yo rito sa bahay."
"O," tanging bulalas niya. So, kaya pala pamilyar ang mukha nito. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Andrew. At parang may sumipa sa kanyang sikmura nang mapansin niya matiim itong nakatitig sa kanya. His eyes were darker. Napalunok siya ng makailang ulit.
Bakit ganito ito makatitig sa kanya?
"How are you, Zarina?" husky ang boses na tanong ni Andrew sa kanya.
"You have a lovely breast."
And I want to taste them."
Napakurap-kurap ng mga mata si Zarina nang biglang sumulpot sa kanyang isipan ang naging panaginip niya kaninang umaga.
Sa panaginip niya may estrangherong lalaking kahalikan niya. Hindi lang simpleng halik ang pinagsaluhan nilang dalawa ng lalaki sa panaginip niya. May touch-touch din sa body.
At alam ni Zarina na hindi lang iyon isang panaginip. Alam niyang totoong nangyari iyon. Paano niya nasabi? Dahil sa mga pulang marka sa leeg niya at sa magkabilang dibdib niya. Alam niyang hindi lang simpleng marka ang mga iyon. Those marks is a hickeys.
"Are you okay, Zarina?"
Napatitig siya kay Andrew. Bakit naging kaboses nito ang lalaki sa panaginip niya?
Ipinilig na lang ni Zarina ang ulo. Pagkatapos niyon ay tumikhim din siya. "Okay lang naman ako," sagot niya rito."
Hindi naman na nagbigay ng komento si Andrew. Sa halip ay tumitig lang ito sa kanya. Napakagat siya ng ibabang labi.
"Zarina," tawag sa kanya ng Daddy niya.
"Yes, Dad?"
"I want you to meet, Andrew Billamore. Dahil siya ang magiging bodyguard mo." imporma ng ama sa kanya.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Zarina na tumingin siya kay Andrew.
A lopsided smile formed on his lips when their eyes met.
**************
"OKAY lang iyan, Zarina. At least hindi ka grounded," wika sa kanya ng kaibigang si Brooke ng minsang tawagan niya ito para ipaalam ang naging desisyon ng ama na kuhanan siya ng bodyguard. "Na sa 'yo pa rin ang cellphone mo, laptop mo, atm at credit card mo. At makakalabas ka pa ng bahay kung gusto mo," dagdag pa na wika nito. "Hindi ka mabuburo sa apat na sulok ng kwarto mo."
Alam niya kung saan hinuhugot ng kaibigan ang sinabi nito. No'ng malaman kasi ng ama ni Brooke na si Tito Brian na nakipagkarera sila ng ilegal at no'ng malaman ni Tito Brian na nahuli sila ng mga pulis ay grounded si Brooke. Isang linggo itong hindi nagparamdam sa kanya dahil kinonfiscate ni Tito Brian ang gamit nitong cellphone. Pati laptop ay kinuha ng ama nito. At hindi rin ito pwedeng lumabas ng bahay.
"Mas gugustuhin ko pang grounded ng isang linggo kaysa may bodyguard, Brooke. At least sa pagiging grounded may expiration," maktol niya rito. "Aabot lang iyon ng isang linggo o dalawa. Eh, ang pagkakaroon ng bodyguard? Hindi mo alam kung kailan mag-e-expire."
She heard Brooke chuckled over the phone. "Point taken," natatawang wika pa rin ni Brooke. Hindi naman niya napigilan ang mapasimangot. "Pero pwede din namang mag-expire ang pagiging bodyguard, Zarina," wika ni Brooke mayamaya sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Gumawa ka ng paraan para ma-expire ang bodyguard na kinuha ni Tito Zandro para sa 'yo," sagot nito. "Gumawa ka ng paraan para sumuko ang bodyguard mo at siya na mismo ang kusang umalis sa pagiging bodyguard mo. Pahirapan mo hanggang sumuko."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Zarina sa sinabi ng kaibigan. Bakit hindi niya iyon naisip? "You're right, Brooke," wika niya sa kaibigan.
"Of course. I'm always right," natatawang wika ni Brooke mula sa kabilang linya.
"Thank you for your wonderful suggestion, Brooke," pasasalamat niya rito.
"Maliit na bagay Zarina. Pero mas maganda kung ilibre mo ako sa paborito kong restaurant." natatawang wika nito.
Ngumisi siya. "Sure, sure. Pero saka na lang kita ililibre kapag nadispatya ko na ang bodyguard ko."
"Goodluck to you, girl."
************
PINATUNOG ni Zarina ang mga labi nang matapos niya iyong pahiran ng pulang lipstick.
Ngayon araw mag-uumpisang mag-trabaho si Andrew bilang bodyguard niya. At sa unang araw nito ay uumpisahan niya ang kanyang plano. At sisiguraduhin niya na sa unang araw nito ay mahihirapan ito.
A playful smile curves on her lips.
Inipit niya ang ilang hiblang tumatabing sa kanyang mukha sa likod ng kanyang tainga. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang bag na nakalapag sa ibabaw ng kama niya at lumabas siya ng kwarto. Dere-deretso siyang naglakad palabas ng bahay nila.
Pagkalabas ay hinanap ng mata niya ang bodyguard niya. Nakita naman niya itong nakatayo malapit sa may garden nila.
"Andrew!" tawag niya sa atensiyon nito. Lumingon naman ito sa dereksiyon niya. Nang makita siya nito ay naglakad ito palapit sa kanya.
At habang naglalakad ito ay hindi nito inaalis ang titig sa kanya. Zarina couldn't explain to herself why she couldn't take her eyes off him, too. Para kasing may magnetikong naghihila sa kanya para makipagtitigan rito.
Nang makalapit si Andrew sa kanya ay agad niyang inabot rito ang hawak na remote control key ng kotse niya. Bumaba naman ang tingin nito sa hawak niya. "Pupunta tayo ng Mall. At wala ako sa mood na mag-drive. And since bodyguard kita ay ikaw na lang ang mag-drive," wika niya rito. Tinaasan niya ito ng isang kilay ng hindi pa ito kumikilos. Pero mayamaya ay kinuha rin nito ang remote control key na inaabot niya. May naramdaman din siyang kakaiba ng hindi sinasadyang nagdikit ang mga kamay nilang dalawa. Pero hindi na lang niya iyon pinagtuunan ng pansin. Tumalikod siya rito at naunang naglakad patungo sa kotse niya. Huminto naman siya sa tapat ng passenger seat para hintayin si Andrew na pagbuksan siya ng pinto. He opened the door for her. Walang salitang pumasok siya do'n. Tumaas naman ang isang kilay niya nang makitang iiling ito ng isarado nito ang pinto. Umibis si Andrew patungo sa driver side at sumakay ito ro'n. Then he start the engine.
Zarina crossed her arms above her shoulder. "How old are you, Andrew?" biglang tanong niya. Tinaasan niya ito ng isang kilay ng tumingin ito sa rearview mirror para tingnan siya.
"Bakit mo itinatanong?"
Lalong tumaas ang isang kilay niya. "Bakit? Bawal ba magtanong?" wika niya. "Hindi naman siguro masama kung kilalanin kita. After all...you're my bodyguard," dagdag niya sabay kibit balikat.
"I'm thirty years old," simpleng sagot nito.
Tumango-tango naman siya. "May pamilya ka na ba?" sunod na tanong niya.
"I'm single and available."
Tumaas ang sulok ng labi niya sa sagot nito. So, wala itong pamilya at girlfriend. Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng kasiyahan sa isiping walang pamilya at girlfriend si Andrew?
Seriously, Zarina? Are you attracted to your bodyguard? tanong ng bahagi ng isipan. Natigilan naman siya sa tanong na iyon ng isipin? Is she attracted to him?
Ipinilig na lang niya ang ulo. Tumikhim din siya. "May mga magulang at kapatid ka pang sinusuportahan?"
"Yeah." tipid na sagot nito habang ang atensiyon ay nasa pagmamaneho.
"Magkano ang sahod na binibigay sa 'yo ng Daddy ko?" sunod na tanong niya.
"Sapat na para masuportahan ko ang magulang at mga kapatid ko."
"Dadagdagan ko ang binibigay ng Daddy ko sa 'yo. Just work for me," sabi niya. Tumaas ang isang kilay nito ng tumingin ito sa rearview mirror para tingnan siya. Ipinaliwanag naman niya rito kung ano ang gusto niyang mangyari. Pupunta siya sa mga gusto niyang puntahan. Gagawin niya ang mga dati niyang ginagawa basta hindi siya nito ire-report sa Daddy niya.
Umaasa si Zarina na tatanggapin nito ang offer niya. Her offer was so tempting. But she was disappointed sa naging sagot nito.
"Sorry pero hindi ako interesado. At loyal ako sa Daddy mo."
Napasimangot siya sa sagot nito.
******