Halos nalinis na ni Diana ang buong bahay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mabigyan ng kasagutan ang selos at inis na nararamdaman niya nang pagkagising niya kanina ay nakita niyang yakap-yakap ni Elijah ang mga magazines ni Yvonne. Tuwang-tuwa pa naman sana siya dahil nagising siya sa kama-na siguradong binuhat siya ng binata. Agad din siyang natulog kagabi para makaiwas sa binata dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano ito pakisamahan sa iisang kuwarto. "Ano ka ba, Diana? Tumigil ka nga sa kaka-drama mo." Saway niya sa sarili habang pinupunasan ang mga matang unti-unti ng namamasa. "Baka nakalimutan mo ang totoo mong papel sa buhay niya?" Sa sobrang inis niya sa sarili ay lalo pa niyang pinagod ang kaniyang sarili. Naghanap siya ng puwede pang ayusin o linisin. Nang