"I'm sorry, honey.."
Iyon ang huling katagang narinig ni Elijah say girlfriend na si Yvonne bago nito tuluyang ibinaba ang telepono. Dalawang taon na rin mahigit ang nakalipas simula nong hindi siya nito siputin sa araw ng kanilang sa kasal. Sa anumang dahilan, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam.
Isang ramp model si Yvonne. Nakilala niya ito nang minsang umattend sila ni Jethro ng birthday party ng isa nilang kaibigan na si Rex. Napapanuod na niya ito noon pa man sa tv at nababasa sa mga magazines pero hindi niya akalaing ganon pala ito kaganda sa personal.
Kaya nong ipinakilala sila sa isa't-isa ni Wena-kaibigan ni Yvonne at girlfriend naman ni Rex-ay agad siyang na-attract dito. He grab those opportunity to stay closer with her. Niligawan niya ito at hindi naman siya nabigo dahil after five months ay sinagot siya ng dalaga.
Aminado siya na bibihira lang silang magkita dalawa dahil sa parehas nilang hectic schedules,lalo na ito na laging nasa ibang bansa para sa mga shows. Pero hindi iyon naging hadlang para sa pagmamahalan nila na umabot na ng dalawang taon.
Mahal na mahal niya ang dalaga at alam niyang ganon din ito sa kaniya kaya hindi niya maintindihan kung paano siya nito nagawang talikuran. Sobra siyang nadurog sa ginawa nito-hindi lang ang kaniyang puso kundi maging ang pride niya bilang isang Montano na isa sa mga tinitingala sa lipunan.
Dahil sa sobrang kahihiyan at sakit na idinulot nito sa kaniya ay iniwanan niya ang kaniyang obligasyon sa Montano Hotel bilang CEO at nagmukmok dito sa Singapore. Hindi niya rin kasi niya kinaya ang kahihiyang inabot ng kanilang pamilya.Pinagtawanan sila at pinag-piyestahan sa media. Iniwan din niya ang kaniyang Mama Beth at kapatid na si Alicia.
Ang kaniyang ama naman na anak ni Lolo Dominico ay sampung taon ng patay dahil sa heart attack. Buti na lang at napakabait ng Lolo niya na inintindi nito ang damdamin niya kaysa sa kaniyang obligasyon bilang CEO.
Madalas naman siyang tawagan ng kaniyang ina na naintindihan siya sa kaniyang pinagdadaanan- kaya nalaman din niyang ang hotel ay kasalukuyang ipinagkakatiwala ng lolo niya kay Aldrin Samillano na second cousin niya at dating COO o Chief Operations officer nong nasa hotel pa siya.
Ang Montano Hotel ay isa sa pinakamalaki at expensive hotel sa Makati na pinaghirapang itayo noon ng kaniyang lolo at yumaong esposa na si Lola Panchita. Dahil nag-iisang lalaki sa pamilya kung kaya sa kaniya ipinamana ni Lolo Dominico ang hotel simula nong mamatay ang Papa niya at mag-retiro ang matanda.
Gan' on kalaki ang isinakripisyo niya dahil lamang sa pang-iiwan sa kaniya ni Yvonne. Pero ngayon batid na niya sa kaniyang puso na ang pagmamahal niyang iyon sa dalaga ay napalitan na ng galit sa kaniyang puso.
"Bakit hindi na naman maipinta 'yang pagmumukha mo?" Tanong ng matalik na kaibigan ni Elijah na si Jethro.
Dito na ito naka-base sa Singapore dahil may family business din dito ang pamilya ng kaibigan. Sa bahay rin siya nito kasalukuyang nakatira at tulad niya sa edad nitong thirty-two ay binata pa rin ito.
Simula pa lamang noong college siya ay magkaibigan na silang dalawa. Actually, tatlo silang magkakabarkada. Si Rex kasi ay hindi nila gaanong nakakasama dahil masiyado itong adventurous kaya hindi nila lagi mahagilap.
Silang tatlo ay magkaklase noon sa kursong Business Administration at dahil pulos mayayaman at guwapo kung kaya nagkasundo sila. Pero sa barkada ay silang dalawa ni Jethro ang mas malapit sa isa't-isa.
"I'm just thinking if it is the right time to go home."
"Bakit hindi ka sumama sa'kin pag-uwi ng Pilipinas next week for my one month vacation leave?"
N'ong huli silang mag-usap ng ina sa telepono ay kinumbinse na rin siya nitong umuwi dahil nag-alala na ito sa kaniya at ang kaniyang kapatid. Panay na rin daw ang tanong ng kaniyang lolo kung kailan siya babalik.
Mapait na napailing ang binata. "Kaya ko na kayang harapin ang mga taong patuloy na pinagtatawanan ang kahihiyang inabot ko at hindi ko naman sinadya? All I have done is to loved that b***h woman."
"Don't worry, pare. Hindi lang naman sa'yo nangyari ang ganitong sitwasyon. At saka di ba sabi naman ng Mama mo ay wala na rin silang nababasa o naririnig na news tungkol sa pangyayaring iyon?"
"Kasi wala ako don."
Sandaling tumigil si Jethro sa pagtungga ng alak. "Bakit ba kasi hindi mo na lang sundin 'yong madalas kong ipayo sa'yo?"
"To find other woman and fall in love again? Tapos ano? Sasaktan at iiwan lang din ako sa ere like what Yvonne did to me?" Puno sa galit na sagot ni Elijah.
"Hindi naman kasi lahat ng babae ay katulad ni Yvonne eh. Madami pa diyan. You're the man that every woman's dreaming of. Kaya hindi ka mahihirapang palitan siya."
Napahigpit ang paghawak niya sa kopita. "Matagal ko na siyang binura sa puso ko. Talagang hindi ko lang kaya ang magmahal pa ulit."
Maya-maya ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Mula sa screen ay nakita niyang ang twenty year-old na si Alicia ng tumatawag.
"Alicia my baby sister. How are you?" Subalit hindi sumasagot pero humihikbi lang. "Sis, what happened?" At maya-maya sa pamamagitan ng pag-iyak nito ay nasabi din nito sa kaniya sa wakas ang problema. "What?" Bulalas niya nang sabihin nitong na-stroke daw ang kaniyang Lolo Dominico at isinugod ito sa ospital. "He'll be fine so stop crying, okey?" Aniya na pilit pinapatahan ang kapatid.
Ang Mama naman niya ang kumausap sa kaniya. "We need you here, son. Your Lolo is in crirical condition." Pagkatapos nilang mag-usap ng ina at ibaba ang telepono ay nanlulumo siyang sumandal sa upuan. Ito na marahil ang tamang oras para umuwi siya ng Pilipinas para alalayan naman ang kaniyang pamilya.
LADY J.