“Ma!” Nang makita siya ng inang si Beth ay sinugod siya nito ng yakap at humagulhol sa kaniyang balikat. Ganon din ang kaniyang kapatid. “How’s Lolo?” Ito na kasi ang pangalawang beses na inatake sa puso ang Lolo niya dahil may family history na sila sa ganong sakit, kasama na ang Papa niya at great grandfather-ang una ay noong inabot nila ang kahihiyan dahil sa pagtakas ng kaniyang bride. Ipinagpasalamat niya noon na walang nangyaring masama dito dahil kung nagkataon ay baka kung ano na ang nagawa niya kay Yvonne.
“Nasa ICU pa siya at kasalukuyang inooperahan ng mga doctor. Kinailangan niyang i-undergo sa heart bypass. Buti naman at umuwi ka.”
“I don’t know if I am now ready to face everything about my past. Pero hindi ko kayo kayang tiisin, Ma. Ano ba talaga ang nangyari bakit inatake na naman siya?”
“Hindi ko rin alam, anak. Basta napansin ko lang na simula nong umalis ka ay parang naging malungkutin na ang Lolo mo.” Lalo tuloy siyang nakonsensiya dahil sa kaniya ay ilang beses nang muntik mapahamak ang pinakamamahal na Lolo.
Maya-maya’y lumabas na ang doctor na nag-opera sa kaniyang abuelo.“He’s stable now but I advise him to rest and keep away from stress. But don’t worry, he’ll be fine as long as you give him proper medication and care.” Wika ng kanilang family doctor na si Dr. Esmilla. Nakahinga sila ng maluwag dahil sa magandang balita na iyon.
“Thank you, Doc.”
Isang araw ng nakalabas ng ICU ang matanda bago pero hindi pa rin ito nagkakamalay.
Lumabas muna siya ng ospital at nagpahangin nang biglang sumagi sa kaniyang naisip ang nangyari sa kaniya kahapon habang papunta na siya sa ospital. Gusto sana niyang sisihin ang taxing sinakyan niya mula sa airport dahil bigla itong nasiraan kaya hindi na siya naihatid dito sa ospital. Hindi na rin kasi siya nagpasundo sa driver nila.
Subalit mas nananaig ang galit niya sa isang tomboy na nag-alok sa kaniya kanina ng diyaryo na isa pa lang magnanakaw. Ito pa ang may ganang magalit nang hindi niya pagbilhan. Naiinis na nga siya sa kakulitan nito kanina eh dahil nagmamadali pa man din siya at matagal na rin niyang iniwasan ang magbasa ng diyaryo simula nong mangyari sa kaniya ang isang kahihiya noon. At ayon sa tinderong nakausap niya kanina at nakakita sa buong pangyayari ay may dalawa daw itong kasamahan. Sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan ang tatlong iyon oras na makita niya. Lalo na ang tomboy na iyon.
Naghihithit siya ng sigarilyo nang tumawag si Jethro. Hindi niya napigilang ikuwento dito ang kamalasang inabot niya.
“Bullshit! Kapag minamalas ka nga naman, pare!” Galit na bulalas ni Elijah pagkatapos niyang mag-kuwento. “Hindi ko maitindihan kung bakit may mga taong nabubuhay sa bulsa ng iba. Ang layo talaga ng Pilipinas kaysa diyan sa Sinagapore. Ngayon lang ako ulit nakauwi pero nadale agad ako.At ang nakakatawa pa don ay babae pa ang snatcher. No, tomboy pala.”
Mapaklang tumawa ang kaibigan niya. “Kahit pala diyan sa Makati na pulos mayayaman ang mga nakatira ay may mga ganyan pa rin palang tao.”
“If she’s not a member of syndicate, for sure taga-squatter ang tomboy na ‘yon. Kaya dapat lang talaga na ipa-demolish ang mga squatters area dito sa Makati. They deserve to live on the streets.”
“Just forget about it. Kaya mo naman yatang palitan ang mga laman nong wallet mo.”
“You know that it’s not about money. Naiinis lang ako dahil first time sa’kin mangyari ‘to. ”
“Hayaan mo na ‘yon. Ang mahalaga ay hindi ka napahamak.” Patuloy na pampakalma sa kaniya ng kaibigan.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayoko ng dagdagan pa ang stress ko because of that damn lesbian.”
Saktong naibaba na niya ang telepono nang tawagin siya ni Alicia dahil nagising na daw ang kaniyang lolo.
Pagdating niya sa loob ay naabutan niyang kausap nito ang ina niya at si Alicia. Nabasa niya ang katuwaan sa mukha ng matanda nag makita siya.
“How are you, Lolo?” Nag-aalangan niyang tanong. Hindi ito sumagot. “Kamusta na po ang pakiramdam niyo?”
“I was supposed to ask you that, apo.”
Lumapit siya dito at hinagkan ito sa noo. “Stop bothering about me, Lolo. I’m perfectly fine.”
“I’m so glad to see you again and to hear that you’re okay now. I've been so worried about you.” Maluha-luhang saad ng matanda. Alam nilang lahat kung gaano siya nito kamahal dahil siya daw ang nagmana lahat ng katangian ng yumao nitong kaisa-isang anak na Papa Robert niya. Minsan nga ay binibiro siya ng bunsong kapatid na si Alicia na nagseselos na daw ito pero alam naman niyang nagbibiro lamang ang kapatid.
Maya-maya ay dumating si Aldrin at ang pamangkin ng kaniyang Lolo na si Tita Juliana-anak ito ng yumaong kapatid ng matanda na si Lola Irenea. Nagulat ito parehas nang makita siya pero nilagpasan lang siya ng dalawa saka humalik sa matanda.
“It’s nice to see you again, Kuya Elijah.” Wika ni Aldrin nang lapitan siya nito. Mas matanda siya dito ng dalawang taon. Mabait naman ang pinsan niyang ito-responsible din pagdating sa hotel-kaso masiyado lamang itong babaero.
Tumango lamang siya. At kahit hindi man magsalita ang kaniyang Tita Juliana ay alam niyang hindi nito nagustuhan ang kaniyang pagbabalik. Alam niya kung gaano nito kagustong makaupo ang anak sa hotel bilang CEO.
Ilang sandali pang nanatili doon ang mag-ina hanggang sa magpaalam na ang mga ito nang muling pagpahingain ng doctor si Lolo Dominico.
Dalawang araw pa ang lumipas nang maiwan silang dalawa ng kaniyang Lolo Dominico sa kuwarto nito sa ospital nang masinsinan siya nitong kinausap.
“Alam mo naman siguro ang kalagayan ko, apo. Patanda na ako ng patanda.” Pag-uumpisa nito. “I might be leaving soon..”
“Lo, please don’t say that..”
Matipid na ngumiti ang otsenta anyos na matanda. “I’m not afraid to die. Dahil alam kong sa wakas ay magkikita na rin kami ni Panchita.” Tukoy nito sa esposa. “But before I close my eyes, there is something I want you to do, as Montano and as a real man.”
Napapilig si Elijah ng kaniyang ulo. “What do you mean, Lo?”
“Noong umalis ka at iniwan mo ang hotel ay alam mong hindi ako nagalit sa’yo kahit pa alam kong ikakabagsak ito ng negosyo natin. Because I just wanted you to be okay. At nong mga panahong kinailangan ng hotel ng taong mag-aalaga dito ay si Aldrin ang nandoon. He never disappointed me, not even when I asked him to take over your position. He has devoted his whole life to our hotel. Your cousin is very dedicated to his job just as you are. Nakikita ko at nararamdaman ko ang pagmamahal sa hotel. But I know that the time would come na babalik ka.” Hinagilap ng matanda ang kaniyang kamay saka mahigpit na hinawakan. “You know how much I love and you’ll be always my favorite one. But I don’t want to be unfair to Aldrin. I love him, too, and I don’t want him to be hurt.”
Hindi pa man natatapos ni Lolo Dominico ang gustong sabihin ay nahuhulaan na niya ang gusto nitong mangyari.
“Do you want me to finally give up my position in the hotel and leave it to Aldrin?”
Umiling si Lolo Dominico. “It would be too unfair to you, apo, who has been the face and the head of our hotel for many years now. Pero hindi ko rin binabalewala ang dalawang taong paghihirap ni Aldrin sa kompanya. You both deserve the position. Pero alam niyong hindi puwede ‘yon. Kaya nag-isip ako ng paraan na maging fair sa inyong dalawa. Actually, I’ve been thinking of this for a very long time.”
“And what is that, Lolo?”
“Ibibigay ko ang hotel sa taong unang makakapagbigay sa’kin ng apo.”
Biglang napaunat ng upo si Elijah sa narinig. Gusto niyang isiping nagbibiro lang ito ngunit alam niyang kahit kailan ay hindi ginawang biro ng matanda ang pamamahala sa hotel.
“Gusto ko rin kasing makita ang apo ko na maaaring magmana sa Montano hotel bago ako mawala sa mundong ito, Elijah.”
“Huwag niyo na po kasing isipin ang ganiyang bagay. Ang lakas-lakas niyo pa nga eh.”
“I’m also doing this for you. Baka panahon na rin para ibangon mo ang pride mo na sinira ng Yvonne na ‘yon. It’s time for you to show the world that you’ve already moved on.” Punong-puno ng simpatiya ang boses nito.
Naisip ng binata na may punto ang abuelo. Pero paano at saan siya mag-uumpisa para sa bagay na iyon? Oo, tuluyan na nga niyang nakalimutan si Yvonne. At oo din, gustong-gusto na niyang makabalik sa hotel. Ngunit ang tanong: gugustuhin din kaya niya ang magmahal pa ulit?
“I will also inform Aldrin about this. And I want you to know that I am serious about this offer.” Pormal na pagtatapos ng lolo niya. “Get married and I’ll give you back the position.”
Kilala niyang final kung magsalita ang matanda kaya hindi na niya puwedeng baliin o kuwestiyunin ang naging desisyon nito. After all, alam din naman niyang kahit papaano ay may habol na rin sa kumpanya ang pinsan niya. At hindi niya itinatanggi ang paghihirap nito sa mga obligasyong iniwan niya noon. Dahil naging maganda pa rin naman ang takbo ng hotel kahit nawala siya.