Kabanata 8

2017 Words
Hindi ko alam kung ano ang sinabi ng tumawag kay Draco sa kabilang linya. Pagkatapos ng tawag ay pinagmasdan ko lang ito na mahigpit ang pagkakahawak sa cell phone. Bakas ang mga ugat nito sa kamay. Umiigting ang panga habang seryoso ang mga matang nakatitig sa akin. His blue eyes. It sent shivers through my naked soul. Ano kaya ang iniisip nito? May kinalaman kaya ako kung bakit nag-iba ang awra nito? Bahagyang iginalaw ni Draco ang ulo. Ngumisi nang muling bumalik ang mga mata sa akin. That look on his face, I knew it would not give any good. Mas lalo akong kinabahan. Gusto kong malaman kung ano ang nasa isip nito? Gusto ko itong tanungin. My curiosity was killing me, though I was scared too. "Anika!" Malakas na sigaw ni Draco ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. It startled me. No, Shane. Huwag kang gumawa ng pagsisisihan mo sa huli! I shook my head slightly. Tama. Hindi dapat ako gumawa ng mga bagay na alam kong hindi makakabuti sa sitwasyon ko ngayon. From the look of it, it seemed like Draco was not please though there was smug on his face. Alam kong may hindi magandang nangyari. Malakas ang kutob ko. "Calm down, Draco," Anika interrupted. Natuon ang tingin ni Draco rito maging ako. She looked stressed. Kita ko ang takot at pangamba sa mga mata nito. Pareho kung paano ako tingnan ng mga bata sa Siagao kapag alam nilang may mga armado na namang pumasok sa kanilang lugar. "Bring Shane to casa tonight." Napatda ako sa narinig at muling binalingan si Draco ng tingin. Ano'ng sinasabi niyang casa? "You can't do that, Draco. We're in trouble and yet—" Natigil si Anika sa pagsasalita nang itaas ni Draco ang kaliwang kamay. He looked at her deadly. "You looked tense, Anika." Iginalaw nito ang ulo. Naglakad nang bahagya at inabot ang ubas na nasa ibabaw ng mesa. Kinain nito iyon habang sa akin nakatingin. May nakakalokong ngisi. "We won't let Logan get what he want. No one can take away Shane if she's with me." Nagulantang ako sa sinabi ni Draco. Ibig sabihin may naghahanap sa akin? Lihim akong nagdasal na sana ay mahanap na kaagad ako nina Clark o kung sinumang naghahanap sa akin. Hindi ko na gusto ang manatili pa rito. In fact, I was scared as hell but I chose to stay calm. Kung hindi ako sanay sa Siagao kung gaano kagulo ang maliit na bario, malamang, nag-break down na ako sa mga nangyayari. "She can't go with you! Draco you're impossible!" Boses ni Anika ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I looked at her. Galit siya base sa klase ng tingin niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata habang nakaturo ang isang daliri sa puwesto ko. "She will cause you trouble. Let Bugart take her and his men. They can watch her carefully." Mahinahon na ito nang balingan si Draco. Mas lalo akong nagngitngit. Baliw ba ang babaeng ito? Ano'ng trouble ang sinasabi niya? Sino ba sa amin ang gumawa nang masama? Ako ba? Sila lang naman itong kinuha ako nang walang paalam. Sila ang totoong trouble at hindi ako. I saw Draco shook his head. "No. She'll stay with me." His words was said with finality. It was cold as ice, but it sent shivers to me once more. Damn! Wala ba itong balak na pakawalan na lang ako? Am I that important to him? Nababaliw na ako sa kaiisip sa dahilan nito. Walang nagawa si Anika kundi ang sundin si Draco. She took me to my room and undressed me forcefully. Galit na galit ito sa akin, at hindi ako bulag kung bakit. Clearly, she liked Draco. "You're not even pretty to capture any man's attention," she said while giving me a piece of gold silk dress. Nayayamot na ibinagsak niya iyon sa aking paanan. "Fix yourself before I hurt you." Tinulak niya ako sa braso gamit ang kaliwa niyang kamay. Masakit. Alam kong magpapasa iyon sa aking balat. My anger boiled towards her. Namumuro na talaga ang babaeng ito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tiningnan ito nang masama. "If you hate me that much then why can't you leave me here. Or better, why can't you just f*****g release me!" I snapped. "Bobo ka rin, eh!" I had enough. Sobra na ang mga ginagawa niya sa akin. Anika glared at me like she was ready to eat me alive. "How dare you to—" A knock on the door made her stop. Maging ako ay natuon doon ang atensiyon. "Wear that gown, b***h. Don't make Draco wait." Tumalikod si Anika sa akin at nagtungo sa pinto. I sighed. Pinulot ang nagusot na gown at tinungo ang banyo para magbihis. It fitted my body perfectly, emphasizing my every curve. Bilang isang boluntaryong doktor, hindi ako sanay na magsuot ng ganitong klaseng damit. Hindi rin ako madalas na lumabas at makihalubilo kahit pa noong nakabase pa ako sa Metro. I usually wore jeans and loose shirts for weekdays and casual clothes for occasions, that was why seeing myself in front of the mirror while wearing this expensive gown made me conscious and uncomfortable. Lumabas akong hinihila ang laylayan ng gown dahil tumataas ito kapag kumikilos ako. Anika gave me a disapproving look while handling me a pair of expensive heels. s**t! Kailangan ba kapag naka-gown ay naka-heels din? Required ba talaga iyon? "Take it!" Kinuha ko ang heels para matahimik na si Anika. Naglakad kahit nahihirapan. Mas mataas kasi iyon kaysa inaasahan ko. Hindi rin ako sanay kaya sa malas ay natapilok ako. Pinagtawanan ni Anika at kinutya. Katulad nang ginawa nito kanina ay iniwan akong nahihirapan. Nauna ito sa akin na lamabas, mabuti na lang at may tumulong sa akin na makatayo nang makitang nakaupo ako sa marmol na sahig. Nagngingitngit ang aking kalooban. Sa buong buhay ko hindi ko pa naramdaman ang ganitong inis. I was always calm and organize. Ayaw kong nagmamadali o minamadali. Though my motto was time is gold, I did not let myself being pressured to it. Lahat ay kalkulado ko at naaayon sa aking gusto, pero ngayon. . . Hindi ko man lang kayang isipin ang mga bagay-bagay. Si Anika ang naghatid sa akin sa isang nakaparadang itim na limousine sa labas ng mansion na pag-aari ni Draco ayon sa nakausap kong isa sa mga tauhan nito. Madilim ang paligid ngunit dahil sa nagkalat na lamppost sa bawat gilid ng isang mahabang pathway ay kita ko pa rin ang isang malawak na hardin na may fountain sa gitna na nagpapalit ng ilaw. Ngunit hindi iyon ang kumuha ng atensiyon ko, kundi ang isiping saan kami pupunta. "You look beautiful, Shane." Draco's voice startled me. Doon ko lang napagtanto na nasa kabilang bahagi siya ng malawak na limousine. "Si bellissima." (Yes, beautiful) Draco wore an all black suit with ties. Naka-man bun ang buhok nitong mahaba sa likod. Kung mas intimidating ito kanina sa pormal na suot ay mas dumoble pa ngayon. He looked scary and lethal. Klase ng anyo na kahuhumalingan ng mga babae ngunit pangingilagan ng mga kulang ang lakas ng loob. I looked at him. Lumunok nang ilang beses para palisin ang bara ng aking lalamunan. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya? Do I need to talk to him back? Think, Shane! pagkausap ko sa sarili. "You don't have to say those things. I know what you want from me. Those flowery words won't work," wika ko sa wakas. Natahimik si Draco. I heard him tsked but I didn't budge. Para ano? Wala na naman akong iba pang sasabihin dito. Nagsimulang umandar ang sasakyan. The scented smell lingered my nose. It was a mixture of lemon and lavender. It was soothing and somehow relaxing. Banayad sa paghinga, ngunit alam kong hindi dapat ako maging pabaya at magtiwala. Being with these unknown person meant danger. I should never let my guard down. Alam kong anumang sandali ay may masama silang balak sa akin. Tahimik akong napabuga ng hininga. Itinuon ko na lamang sa labas ng sasakyan ang mga mata. I was thinking about Clark and my family. Alam kong hindi sila titigil hanggat hindi ako nahahanap. Alam kong makikita nila ako. I knew and hoped it would happen soon. Pumasok ang sasakyan sa isang mataas na building at tumigil sa isang madilim na parking lot. Akala ko doon na kami lalabas ngunit bigla na lamang bumukas ang isang madilim na bahagi ng gusali. Muling umandar ang sasakyan at pumasok doon. Pababa, base sa motion na nililikha nito. Hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko lalo na nang tumigil ang sasakyan at isang napakaliwanag na lugar ang bumungad sa akin pagkalabas. Draco opened the door for me and clasped his arm with mine. Gusto kong tanggalin iyon ngunit hindi ko magawa dahil natatakot din ako na kung gagawin ko iyon ay baka mawala ako. Masyadong malawak at magarbo ang lugar na halos katakutan ko ang kumurap.  "Welcome to Casa Muller, Shane. The biggest and the most luxurious casino in the whole Sicily," bulong ni Draco sa gilid ng aking tainga. "This is my haven," dagdag nito. Pinagmasdan ko ang paligid. All was made with luxury. May pasilyo kung saan daraan ang sasakyan para sa exit. May fountain sa gitna ng bulwagan at malaking double door sa harapan. Iyon marahil ang entrance base na rin sa iilang nakaitim na lalaking malalaki ang katawan na may suot na black suit habang may earpiece sa tainga. Anong klaseng lugar kaya itong Casa Muller? Tulad kaya sa mga napapanood kong palabas o sa mga nababasa kong nobela na may p*****n at sakitan? Barilan? I shook my head. Ayaw kong isipin kung ganoon nga. Ayaw kong mas lalong matakot kahit kanina pa hindi matahimik ang puso ko sa malakas na pagkabog. May humintong sasakyan sa aming likuran. Nilingon ko iyon at nakita ang nayayamot na mukha ni Anika habang pababa ito, kasama ang iba pang tauhan ni Draco—sina Bugart ang nakausap ko kanina. She instantly gave me her death glare. Umismid at nagpatuloy sa paglalakad patungo kay Draco. Hindi tulad kanina, isang red sleeveless silk gown na ang suot nito na may mahabang slit sa gilid ng hita. Fully makeup pa rin ngunit mas bumagay na rito ang hitsura, mas pormal. As a woman, I could say that she was stunning. Mala-Angelina Jolie ang hitsura at nakakaakit sa mata ng sinumang kalalakihan. "How do I look, Draco?" bungad kaagad ni Anika. "You're late," sagot ni Draco. "For five minutes, really, Draco?" Sinulyapan ako ni Anika at sinimangutan. "Pazzo bastardo." (Crazy bastard) Nauna itong maglakad papasok. Naiwan kami ni Draco. "Let's go, Shane." Nagpatianod ako nang magsimulang maglakad si Draco papasok. Humugot nang malalim na paghinga. I needed to stay calm and relax. I needed to observe everything I see and be alert at the same time. Sa sitwasyon ko ngayon, para itong buhay at kamatayan ko ang nakataya. Wala akong puwedeng pagkatiwalaan o maasahan kundi ang sarili ko lang. Hindi pa man kami nakakapasok nang tuluyan ay hinarang kami ni Bugart. He walked closely to Draco and whispered something. Gusto kong marinig ang sinabi nito ngunit malabo dahil sa distansiya. Nagkasya na lamang akong magmasid pa sa lugar dahil pakiramdam ko bumalik ang pakiramdam na may nakatitig sa akin, pamilyar na titig. "Secure the area. Look for the security. No one would dare to ruin my underground subasta tonight." Si Draco na may halong galit ang boses. Mas humigpit din ang pagkakahawak ng kamay nito sa aking braso. "f**k, Logan, if he will ruin my business." Sumenyas si Bugart sa mga tauhan nitong nasa kanilang likuran. May sinabi sa lenggwaheng italyano na hindi ko maintindihan. Kapagkuwan ay umalis din ito at ang mga kasama. Nagpatuloy naman si Draco sa paglalakad at ako. Nasa likuran namin ang iba pa nitong tauhan. Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakapasok nang namatay ang lahat ng ilaw sa paligid. I panicked. Ako na mismo ang humawak sa braso ni Draco. Narinig ko rin ang mura nito. s**t! Ano ang nangyari? @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD