Kabanata 7

1848 Words
Dedicated to: Jaja Abiog and Jobelle_gregorio08 K! Thank you for reminding me to update. Mwah!♥️ Shane POV Sicily, Italy Tiningnan ko nang mariin ang lalaking nagngangalang Draco. He was smirking. Gusto ko tuloy siyang lapitan at saktan sa ginawa niya sa akin. But I knew it wasn't ideal. Kailangan kong umaktong normal sa harapan niya. I needed to know what he meant in everything he said earlier. "Who are you?" I asked while my eyes bore unto his. He walked closer to me while his eyes stared at me intently. Ramdam ko ang kakaibang awra niya habang papalapit. He screamed death. His eyes were blazing with fire that it seemed like it was burning through your soul. And he has that effect on me. I felt scared and insure while looking at him and his expression. Ibang-iba sa naramdaman ko kanina nang hindi ko pa siya nakikita. "Draco Muller, mi amore. Sei così bella. Logan would be so jealous of me right now," (You're so beautiful) he spoke. Though he was smiling I could still feel his intense. "Got your tongue, mi amore?" I couldn't react. What am I suppose to do? "Non spaventarla, Draco," (Don't scare her, Draco) Anika interrupted. She walked closer to me and pulled me beside her. "Isn't she pretty?" Alam kong sinusubukan niyang baguhin ang usapan. Draco did not leave his eyes on me. "Perfect for my revenge." Then he turned to Anika. "Bring her to the hall. I'm waiting." He walked out after. Humugot ako nang malalim na paghinga. Tila nauupos na kandila na napaupo pabalik sa silya. Ngunit hindi pa man lumalapat ang pang-upo ko roon ay hinablot naman ako ni Anika. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, napangiwi ako dahil doon. Pumalag at nagreklamo. Pero wala siyang pakialam. Tinitigan niya lamang ako nang mariin na tila ba isa akong subject na puwedeng pag-eksperementuhan. "Stand up and move quickly. Draco is waiting for you!" maarteng wika niya sa akin. Inayos niya din ang laylayan ng suot kong ruffled crop top. Nakasimangot ito. "Puwede ba magdahan-dahan ka naman!" "What?!" Sinubukan kong hilahin ang sariling braso pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. "Can you please be a little careful?" "I don't have time for that b***h!" At mas lalo niya akong kinaladkad palabas. I felt like crying. All my life I have never experienced this kind of cruelty. Though my mother had her rules and my father was strict, they did not come to the point that they would hurt us physically nor verbally. Naaalala ko pa noon nang makabuntis ang nakatatanda kong kapatid na lalaki habang graduating sa kursong engineering. Pinaluhod siya ni dad sa asin habang nakaharap sa altar ng kalahating araw habang pinagsasabihan. Iyon ang isa sa mga rason kung bakit malaki ang takot ko na sumuway sa aking mga magulang. Nirerespeto ko sila dahil alam kong alam nila ang tama at mali para sa aming magkakapatid. At ngayon, hindi ko lubos maisip na ang taong mananakit sa akin ay isang estranghero. "Will you slow down? You're hurting me," I shrieked. Anika stopped. She turned her back at me. "I don't care!" She walked out. Pinagmasdan ko na lang ito habang papalayo. Mabilis ang mga hakbang nito na siyang naging dahilan kung bakit naging maingay ang tahimik na hallway. I followed her after. But I did not miss to notice how extravagant the place was. Its wall was made with black and white wall painting design. Walang kahit anong disenyo na humalo roon. Walang gamit o kahit painting man lang bilang dekorasyon. All was plain and quiet. Isang nakakatakot na lugar na halatang matagal nang naitayo at napanatili lamang ang orihinal na estruktura. A typical vibe of a Victorian era. "Bugart!" I stopped walking when Anika, who was in front of me stopped. She looked at the man standing beside a double wooden door in front of her. His name was probably, Bugart. "C'è Draco dentro?" (Is Draco inside?") she asked. Tumango ang lalaking kausap nito. "Ti stava aspettando. Cosa ti ha fatto perdere così tanto tempo?" (He's been waiting for you. What took you so long?) the man asked before he took a glimpse of me. Bigla akong kinabahan sa klase ng tingin nito. Base sa suot nitong coat and tie na may gintong badge sa dibdib, mas nakatataas ito kumpara sa iba pa nitong kasama na naroon din sa gilid ng pinto at nakatayo. Lahat sila ay may suot na earphones sa tainga, ngunit tanging ang lalaki lamang ang may sumbrero sa ulo. Hinanap ko rin ang mga lalaking dumukot sa akin sa mga naroon ngunit hindi ko sila makita. O baka naman, nasa Pilipinas pa rin ang mga ito? Hindi ko alam. But I was hoping our path would not cross for I couldn't promise not to hurt them for what they did to me. "Is she the new guest?" the man spoke. It bothered me. Anong guest ang pinagsasabi nito? Mukha ba akong naimbitahan dito sa kung saang lupalop ng Italy? Na-kidnap ako, for heaven's sake! Anika turned her back on me. Nakataas ang kilay at nagsabi, "Blame it to this girl. She's so clumsy and slow." Ang arte. Gusto ko tuloy siyang sabunutan. "Let's go, b***h!" wika niya pa at hinaklit na naman ang kamay ko. Walang modo talaga ang babaeng ito. Pinagbuksan kami ni Bugart. Hindi man lamang ako kumurap nang makita ko ang malawak na hall na halos kasinlaki na ng payak na bahay ng mga Filipino. The design was the same as the hallway, but it was more intricate with huge crystal chandelier at the center of the roof. Iyon ang nagsisilbing liwanag sa lugar dahil sa maliliit na ilaw nito. The open fireplace was blazing. Kasing init ng mga matang bughaw na nakatingin sa akin. Nakaupo ang may-ari niyon sa gitna ng isang napakahabang kulay ginto na lamesa. He was eyeing me. Katulad kung paano niya ako titigan kanina sa loob ng silid. He was as if burning through my soul that even the coldness I felt from my expose skin vanished quickly. Tumayo si Draco. Nang makalapit ay ipinaghila niya ako ng upuan. "Sit down, Shane." I gave him a serious stare before obeying. Kung may magagawa lang ako gusto ko nang tumakas sa lugar na ito. Draco seemed please. Narinig ko pa ang mahina nitong tawa. Did he laugh because of my vulnerability? If he only knew how I am holding myself not to slap him, maybe he would never dare. Dahil sa totoo lang, hindi ako natutuwa. Narinig ko ang pagtunog ng isang bell. Naglabasan ang mga tagasilbi na hindi ko alam kung saan nanggaling. Luminga ako para tingnan si Anika, ngunit hindi ko na ito makita. Ni hindi man lamang ito nagsalita nang maihatid ako. Nasaan na siya? Ibig bang sabihin ay ako at si Draco lang ang magsasalo sa hapagkainan. Yes. It was maybe a dinner or a breakfast. I actually don't know. Hindi ko rin kasi alam kung ano na ang oras. Ni hindi ko nga nakitaan ang bahay na ito ng isang lumang wall clock tulad ng mga nakikita ko sa mga old movies na Victorian era ang setting. Wala. All were vague to me right now. Ang alam ko lang ay si Draco ang nagpa-kidnap sa akin dahil sa konektado ako sa lalaking nagngangalang Logan, na hindi ko rin naman kilala. "Please, be seated." Naupo ako. Tiningnan ang bawat tagasilbi. They were all wearing black and white long sleeve paired with pants. Ang mga mata ay nakatuon lamang sa ginagawa. Na para bang maging ang magtaas ng tingin ay hindi puwedeng gawin dahil kapag nagkamali ay buhay ang kapalit. Siguro nararamdaman din nila ang nararamdaman ko. The unfathomable awkwardness. "Eat, Shane." It was Draco. He was now seated beside me. Ni hindi ko man lang naramdaman iyon. It was as if he was trained to move like thin air. Na kung hindi ako mag-iingat maaari niya akong patayin kahit kailan niya gusto. Lihim akong humugot nang malalim na paghinga. There was no room for me to act stupidly this time. Kung halang ang kaluluwa ni Anika, ano pa kaya itong lalaking kaharap ko? Sigurado akong sa likod nang payapa at gwapo nitong mukha ay nagtatago ang isang demonyo. Kumain ako nang tahimik. Sinunod ang lahat ng mga sinabi ni Draco si akin. He kept on talking something I couldn't understand. Inalalayan niya pa ako sa pagkain na para bang natural na niyang ginagawa iyon. I knew he was toying me. At hindi ako magpapabilog sa lalaking ito. "Why are you not eating? You don't like the food? Tell me," Draco commented. Napansin siguro nitong kanina pa ako tumigil sa pagkain. Isang subo lang ang nagawa ko dahil kahit gutom hindi ko kayang lunukin ang pagkain. Natatakot ako, pero Nagpupuyos ang galit sa puso ko. "Tell me, what do you need from me? I don't know you. You don't know me. I don't even know that man named Logan. So, why am I here?" Seryoso ako habang nakatitig dito. Siguro naman sasagutin niya ako nang maayos. Tumigil si Draco sa pagkain. Inilapag ang kubyertos sa mesa at tumitig din sa akin nang mariin. Para bang tinatantiya ang bawat sasabihin. Then a creepy smile appeared on his lips. "I need you." Tatlong salita. Napakasimple kung tutuusin. But when Draco said it, pakiramdam ko niyanig niya ang tanging kinakapitan kong lakas ng loob. Bigla akong nanghina, pati ang aking mga tuhod ay nawalan din ng lakas. Nanginig. Naikuyom ko na lamang ang mga kamay dahil sa nakitang determinasyon sa mga mata nito. It was as if telling me that he was the end of me. Na walang ibang magsasalba sa akin kundi siya lang kung kailan niya itatakda. "N-No. . ." Hindi ko halos maibuka ang sariling bibig. Ano'ng gagawin mo Shane? "Draco. . . emergenza," (emergency) Anika was now standing beside Draco. Nalipat naman ang tingin ni Draco rito. Nanghihinang pinakawalan ko ang naipong hangin sa aking baga. Unconsciously I was holding my breath a while ago while talking at Draco. "Make sure it's important, Anika," narinig kong wika ni Draco. "Logan." Tumayo si Draco. Marahas, dahilan kung bakit natumba ang gintong silya. "Tell me what's happening." Natuon kay Draco ang tingin ko. "They're looking for you." Anika took her phone out. She gave it to Draco. "Gideon. Cosa sta succedendo?" (What is happening) Draco asked. Natawa ito nang mahina. "So, he's tracing me right now." Mas lalong lumakas ang tawa ni Draco. Nababaliw na ba ang lalaking ito? "Too bad he won't find me and the woman," he added. Mas lalong nagregodon ang puso ko nang tumitig ito sa akin. s**t! Ano ang iniisip niya? Ako ba ang babaeng tinutukoy niya? At sino ang naghahanap sa akin? Si Clark? I was occupied with thoughts. Alam kong imposible pero muli akong nabuhayan ng loob. My eyes started to become mushy. Piping dasal ko na sana ay mahanap na ako kaagad ni Clark. Dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang magtagal sa lugar na ito bilang isang preso. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD