Chapter 4

1126 Words
Chapter 4 Nagising ako sa malakas na kaluskos, ingay at tunog ng hayop— teka! Bakit may naririnig akong mga hayop sa kwarto ko? Isa isa kong binuka ang aking mga mata at kinusot-kusog ito sabay stretch ng aking mga kamay at paa ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa baba, sa paanan ko. “Arg, aray ano ba yan.” Mahinang bulong ko sabay bangon. Naguguluhan ako sa mga nakikita ko. “T-Teka…” mahina ko g sampit sa sarili. Napatingin ako sa aking inuupan sabay tingin din sa kamay kung saan nakahawak ako ng mga tuyong dahon. Kinupkop ko ito sa kanan kong kamay sabay lapit nito sa mga mata ko. “Totoo ng dahon ito…” sabi ko pa muli sa sarili. I frantically scanned the scene. Napalingo ako sa kaliwa at kanan at napa tingin nalang sa taas. Bigla ko naman na alala ang mga nangyari kahapon. Nung nagising ako sa malawak na lugar at napadpad sa isang village. Oo nga pala, na tumba di pala ako at pilay. Napatingin naman ako sa paa ko na namamaga at nag-iiba na ang kulay. “Hindi… hindi pala ito panahinip.” Bulong ko sa hangin Dahan-dahan akong tumayo kahit masakit ang aking paanan. Dito pala ako natulog sa isang kamalig na may mga hayop din na nakatira kagaya ng mga kabayo at kambig. Mabaho din dito dahil sa amoy ng hayop at sa dumi nila. Pero wala naman akong magagawa kundi magpasilong dito dahil wala akong matutulugan. Dinampot ko ang dahon na kinuha ko kahapon na sinabi ni Eric sa akin ay gamot. Nilagay ko ito sa pilay ko at may nakita akong kakarampot na tela sabay lagay at tali nito sa paanan ko para madikit din ang dahong gamot. Baka mas madaling ma okay ulit ang paa ko dito. Pilit kong inala kung bakit ako napadpad dito and it struck me, dahil iyon sa ads na laging lumalabas sa screen ko. Ano nga yun… A journey? A journey to valeria, ganon. Ano ba ang valeria? Hindi naman ata ito ang tawag sa village na ito dahil maliit lang dito ang lugar pero malawak ang lupain… Dahil lang pinindot ko iyon ay napadpad na ako dito? Bakit ako? “Argh!” Sabi ko. Ang sakit pa kasi e lakad. Dinampot ko din ang aking ginawang sungkod kahapon. Kung hindi ito panaginip, kailangan kong malaman paano makabalik sa amin. Ibang parte ata ito ng mundo, nasa abroad siguro ako at baka may tumulong sa akin upang maka uwi. Hindi ko din alam kung may eroplano dito o kaya barko na babyahe patungo sa amin. Para din kasing sa sinaunang panahon ang lugar na to, walang ni isang disenyo sa modernong gamit. Hindi kaya ay nasangkot ako sa human trafficking? Napa awang pa ang baba ko sa naisip. Baka hinahanap na ako ngayon ng mga kumidnap sa akin! Pero teka— paano ba ako makikidnap eh palagibnaman kasi ako sa bahay lang… it doesn’t make any sense naman kasi na ang dahilan na padpad ako dito sa lugar nato ay dahil sa ads. Pero baka panaginip ito, yung sinasabi nila na dream within a dream! Baka kailangan ko pang gumising ng paulit ulit! Pero normal lang ba na makaramdam ng ganito ka sakit sa panaginip? “Aargghh!” Sabi ko sa sarili sabay g**o sa buhok ko at napakamot nalang. Nababaliw na ako kaka-isip! Nag simula na akong maglakad ng dahan-dahan at nag tingin-tingin sa paligid at baka makita ako ng maya-ari. Nang makita kong walang tao ay lumabas na ako at saka naglakad patungo sa nayon. Saan kaya ako makakapag tanong kung saan dito ang airport o kaya ay pantalan. Pero alam ko din na kailangan ko ng pera para maka sakay. Wala nga akong kakala dito at yung Eric lang. “Mas mabuting hanapin ko si Eric at siya ang pagtanongan.” Sabi ko sa sarili Napunta ako sa sentro ng nayon at nakita ang daanan na pinasukan ko kahapon. Sa may kaliwa naman ay yung puno kung saan ako umupo. Maraming dumadaan sa akin at ang mga tao ay kanya kanya lamang sa kanilang mga gawain. “Excuse me po,” sabi ko sa mga dumadaan sa harapan ko “Teka po ma’am,” tawag ko muli sa dumaan pero tinignan lang ako nito ng masama at nagpatuloy lumakad. Bakit ba parang ang sama ng ugali ng mga tao rito? Naglakad ako sa kabilang pwesto sabay tawag ng mga dumadaan. Gusto ko sanang makipag-usap at mag tanong kung anong bansa ito pero pareho nila akong hindi kinakausap at dinededma lamang. Ang pag tingin nila sa akin ay para nga bang nangdidiri at ayaw lumapit sa akin. I unconsciously smelled myself at napatingin sa suot. Hindi naman ako mabaho at hindi naman ako medyo madumi tignan. Hindi kaya at isang taong grasa ang tingin nila sa akin? Inikot ko ang akong paningin ng mahagip sa kaliwang bahagi ang isang taong pamilyar. Lumingon ako sankanya at tama nga ang hinala ko! Si Eric yun. He was pushing a cart on the way to a small shop. Dun siya tumigil sa nagbebenta ng prutas at mga gulay. Minadali kong lumakad kahit masakit ang paa ko. Gusto kong makausap siya dahil walang ibang tao na kumakausap sa akin at baka mabaliw pa ako. “Eric!” Sigaw ko upang makuha ang kanyamg atensyon. “Eric! Oy!” Tawag ko sa kanyang muli. Napatigil naman ito sa paglalagay ng mga prutas galing sa kart sabay tingin sa akin. Para naman itong nagulat dahil nag iba ang kanyang expression ng makita ako. Parang nagdalawang isip pa ito kung kakausapin ako o hindi. “Pssst!” Sabi ko habang naglalakad na naka akay sa sarili. Sinenyasan ko pa siyang lumapit sa akin. Para naman itong napilitan at mabilis na lumapit sa akin sabay hila sa medyo walang ka tao-taong lugar. “Aray! Bakit naman ang sakit mo mang hila? Kita mo bang pilay ako?” Sabi ko dito na pagalit. “Bakit mo pa ako kinakausap? Tinukungan na kita kahapon,” sabi nito na tila kinakabahan. “Mag tatanong lang sana ako. Kailangan ko din ng kausap dahil ayaw ako kausapin ng ibang tao, ikaw lang.” Pag explain ko sa kanya. “Hindi tayo pwede makita ni tatay na kinakausap kita dahil nagalit siya sa akin kahapon,” sagot nito habang lumingo at tila nagmamasid sa ibang tao at hindi mapakali. “Bakit? Balit ba ako iniiwasa ng mga tao dito?” Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga ito bago nagsalita. “Hindi kami kumakausap dito sa mga taga ibang mundo, takot ang mga tao sa mga taga ibang mundo.” At ang sinabi nyang yon ay mas nagdagdag ng aking problema at tila hindi nakakapaniwala. Taga ibang mundo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD