Chapter 5

1050 Words
Chapter 5 Taga ibang mundo? Ano ba ang pinagsasabinng taong to? “Anong ibang mundo pinagsasabi mo? Baka ibig mo sabihin ay ibang lungsod?” Pag klaro ko sa kaniya. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. “Ano ba ang lungsod? Wala kaming ganyan na salita. Ito ay mundo ng Valeria, ang lokasyon natin ay sa edgeville.” Sabi ni Eric at naka tingin sa akin na para akong baliw sa sinabi ko. “Edgeville at Valeria? Ano ba ang pinagsasabi mo dyan. Mabutinpa at sabihan mo nalang ako kung saan dito ang may Airport o kaya Port ng mga barko at nang maka-uwi ako sa amin.” Sabi ko sa kanya. Napakamot nlng siya sa ulo at tinignan ako muli na naguguluhan sa aking sinasabi. “Walang ganyan dito,” sabi nya “Aalis na ako, kung maari ay wag mo nalang akong kausapin. Mas mainam din na pag okay na ang paa mo ay pumunta ka sa Rivendell. Doon ay maraming taga ibang mundo at ang mga tao duon ay hindi lahat galit sa mga katulad n’yo.” Dagdag nyang sabi. Tinignan ko ang kanyang mga mata at tila nagsasabi ito ng totoo. Nasaan ba talaga ako? “Te—teka!” Sambit ko sa kanya nang sya ay patalikod na at paalis. “Hindi ko alam kung saan yang lugar na sinasabi mo. Kung totoong galit o takot ang nga tao sa kagaya ko, hindi nila ako tutulungan,” sabi ko dito. Hinarap nya ako at saka nag buntong-hininga. “Kung lalabas ka sa likod ng nayon ay may daawang daan ka makikita, kumaliwa ka at diretsohin mo lang ito hanggan makikita mo ang studad. Lima hanggang walong araw ang lalakbayin mo sa paglalakad.” Sabi nito. Para naman akong nabingi sa sinabi nya. “Walong araw?!” Halos pasigaw kong sabi sa gulat. “Sshh! Oo, depende kasi yan sayo ilan araw ka aabutin. Pasensya na at wala na akong ibang maitutulong pa,” sabi nito. Ilng segundo pa ay nakarinig kami ng boses ng lalaki. “Eric! Nasaan ka bang bata ka?!” Bulyaw nito sa hangin. “Kailangan ko na umalis,” sabi nito saka patakbong umalis sa harap ko. Paalis na din sana ako sa pwesto ko nang makarinig ako nang nga yapak at nakita ko si Eric muli. “Punta ka sa likod na gate nang edgeville. May matandang babae na nakatira duon na tumutulong sa mga kagaya mo. Yan lang, May the gods be with you,” at pagkasabi nya nuon ay nawala na ito nang parang bula. Matandang babae? Hindi ko man lang natanong ano ang pangalan para masiguro kong siya nga iyong tinutukoy. Naiwan akong naguguluhan sa kalye. Nasa ibang mundo ba talaga ako? Hindi ba ito panaginip? Naglalakad ako na umiika. Habang naglalakad ako sa sentro ng nayon ay napapansin ko ang mga titig sa akon na kulang nalang ay tumagos sa katawan ko sa sama nang tingin nila sa akin. Bakit ba sila galit sa kagaya kong ‘taga ibang mundo’? May naririnig din akong tsismis na hindi ayon sa akin. “May bago na naman napadpad dito,” “Mga salot! Bakit ba pinapayagan pa yan pumasok sa ating lugar?” “Ang kapal naman nang mukha niyang pumasok dito at kumausap sa atin” Nakayuko nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, sino ang malalapitan at kung bakit ako napad-pad dito. Wala akong kakilala at mas lalo nang wala akong pero o matitirhan. Ano ba ang lugar na ito? Sa kalagitnaan nang pag-iisip ay tumunog ang aking tyan. Hindi pa pala ako kumakain simula nang dumating ako dito. Wala akong ka pera pera. Paano ba ako makakain dito sa lugar na ayaw nang lahat na nakakimuha ko ay ayaw sa akin? Paano ba ako makaka-kuha nang lakas dito? Nag-iisa ako sa hindi ko alam na lugar. Sumasakit na ang tyan ko sa gutom. May nakita akong bakery at nag atubiling lumapit dahil sa takot na wala akong mapapala. “Pwede po bang makahingi kahit isang piraso nang tinapay?” Pagmamaka awa ko sa panadero ngunit ako ay nabigo. Nagbago ang ekspresyon nito at kumuha nang pambilo at akmang hahampasin ako kaya minadali kong umalis sa kaniyang puwesto. “Wag kang babalik dito!” Sigaw pa nito sa di kalayuan. Hindi ako tinulungan nang iba at pinag masdan lang. Ganito ba yalaga ang mga tao dito? Walang awa at ang sasama? Ang akala ko sa mga games o anime ay hero ang turing sa mga taga ibang mundo. Pero dito ay halos palabasin na nila ako sa kanilang lugar. Hindi ko na pinansin ang mga masasamang tingin at naglakad nalang paalis sa mga madaming tao na ang ginagawa lamang ay pag-usapan kung gaano nila ka ayaw sa akin. Wala naman sana akong ginawang masama sa kanila para tratuhin ako na parang hayop. Nangingig ang aking kalamnan pati ang aking mga tuhod ay aayaw na sa gutom. Para akong mawawalan nang malay sa pras na ito. Gusto ko lang na sana ay may tumulong sa akin at tiyak tatanawin konitong utang na loob. Wala pang ilang minuto ay napaluhod ako sabay napabitaw sa aking sungkod. May mga bata akong nada anan pero tinawanan lang nila ako. Nagulat nalang ako nang may hapdi at masakit akong naramdaman sa bandang ulo ko at may malamig na likido ang tumulo mula rito. Napahawak ako sa ulo at nang makita ko ang pulang likido na dumadaloy sa ulohan ay tila mawawalan na ako nang malay. Sa ibaba nakita ko ang salarin kung bakit may dugo. Isang matulis na bato na may bahid pa nang dugo ko. Binato ako ng isa sa mga bata ngunit nang tinignan ko sila ay tumatawa lamang ang mga ito. “Bakit…” bulong ko sa hangin hanggang sa naramdaman ko nalang na natba na ako sa lupa. Nakatingin lang ako sanmga batang paalis na tila walang konsensya sa ginawa at nagtatawanan at nag hahabulan pa. “Ano ba ang kasalanan ko?” Halos bulong ko sa hangin. “Ay! Ayeng, tulongan mo ako at may tao!” Narinig kong sigaw nang isang babae ngunit di ko nakita dahil tila ayaw na gumalaw nang aking katawan. “Halika ka at buhatin natin pabalik —“ at iyon na ang narinig ko bago ako nawalan nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD