Chapter 66: Can't be together anymore
Winter's POV
"You Lose...Kuya."
Nakangisi kong sabi sa kaniya, nanatili lamang siyang nakatitig sa akin na tila hindi siya makapaniwala.
Hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas sa naging reaksiyon niya.
"Hahaha...Halos sa araw - araw nating pagsasanay ay lagi kitang natatalo pero hanggang ngayon ay nagugulat ka pa rin? bwhhaahahahaha."
Sa sinabi kong iyon ay napasimangot siya. Marahil ay napagtanto niyang tama Ang aking sinabi.
Inialis ko ang sandata ko na nakatutok sa kaniya saka nakangising humarap sa kaniya.
"Old Brother, I'm going somewhere so don't find me okay?"
Matapos iyon sabihin ay agad akong tumalikod ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng aking paa ay bigla siyang nagtanong kaya naman napatigil ako.
"Hep! hep! hep! little sis! at saan kana naman pupunta ha?!"
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya, na naman? what does he mean by that? e ngayon lang ako lalabas ng kaharian.
Nakataas kilay ko siyang nilingon muli.
"What do you mean 'na naman'? ngayon pa lang ako lalabas Rain Eagan Arzel."
Naka poker face kong tanong sa kaniya. bigla muli siyang natigilan saka mahinang napakamot sa ulo.
"hehehe...I mean saan ka pupunta?"
Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang naka taas ang kilay ko, maya maya pa ay binaba ko ito.
"oh,"
Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil pag sinagot ko iyon ay magtatanong lang siya ng magtatanong.
Para siyang pulis na nag iimbestiga nakakasura.
Mabilis akong tumalikod saka hindi siya pinansin pa.
"Teka lang lil sis!"
"shut up Old Brother! don't pester me 'cause i won't tell you!"
"Aba't! Hoy Winter! kuya mo pa rin ako! igalang mo naman ako hmmmp!"
Natigilan ako sa sinabi niya, malayo na ang distansiya namin ngunit sapat na iyon para makita namin ang isa't isa.
Humarap ako sa kaniya ng nakangisi saka tinaas ko ang dalawa kong kamay na nakataas ang gitnang daliri.
Nakita ko pa kung paano manlaki ang dalawa niyang singkit na mata kaya naman hindi ko mapigilan na Mapatawa ng mahina.
Akmang aalma siya ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at agad akong nagteleport.
Nagteleport ako papunta sa harap ng Portal patungong apat na kaharian.
Pagkarating ko sa harap ng portal ay kusang Itong bumukas.
Agad napa angat ang gilid ng aking labi saka walang lingon na naglakad palabas.
Mahirap na at baka mahabol ako ng peste kong kuya.
I can't teleport directly Outside of our kingdom. kapag nasa loob ka ng Arzelia Kingdom ay hindi ka makakapagteleport palabas, hanggang portal lang patungo sa labas ang kayang iteleport ng kahit na sino.
Kahit na kaming Arzel ay hindi kaya iyon, sinabihan ako ni kuya, pero hindi ko pa naman nasusubukan.
Pagkalabas ko ng portal ay agad akong nagteleport papunta sa aking patutunguhan.
Napangiti ako ng maliit ng makita ko ang pakay ko.
Lumingon sa akin ang lion na puti at agad siyang umungol.
Napalawak ang ngiti ko ng makitang tumakbo siya papunta sa akin.
Malapit na siya sa akin ng bigla akong magteleport sa likuran niya.
"Hahaha."
Hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas ng makita kong luminga linga siya sa paligid na para bang hinahanap ako.
Sa pagtawa ko ay bigla siyang napalingon.
Bigla niya muli akong sinunggaban at sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakapag teleport pa dahil sa nanghihina ako kakatawa.
Napahiga ako ng inambahan niya ako, tatawa tawa akong tumingin sa kaniya na ngayon ay maamo ng nakatingin sa akin.
niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa namiss ko siya.
"Did you miss me Lien?"
Umungol siya bilang pag sagot, kaya naman kumalas ako sa pagkakayap sa kaniya at hinimas himas ang ulo niya.
"Bakit pumayat ka yata? hindi ka ba nila pinapakain ng ayos?"
Sinuri ko ang katawan niya at nakita ngang pumayat ito.
Wala siyang naging tugon sa halip ay naglalambing niyang ikiniskis ang ulo niya sa Mukha ko.
"Nako Lien ah! hindi mo ako madadala sa paglalambing mo hmp!"
Nagpapa awa naman siyang tumingin sa akin, hahaha. Ang cute niya, nakakainis hindi ko kayang magalit sa kaniya.
"Fine...Tsk hahaha."
Sumakay ako sa kaniya at sa hindi inaasahan ay mabilis siyang tumakbo.
Halos matumba at mawalan ako ng balanse dahil sa mabilis niyang pagtakbo.
"Woah! woah! woah! easy Lien...Fuck!"
Hindi ko mapigilan ang mapamura ng makita ko ang lawa sa harapan ko, huli na ng mapagtanto ko ang nais niyang gawin.
Inayos ko ang sarili at sinubukang balansehin ang katawan akmang hahablutin ko na ang balahibo ng biglang tumigil si Lien na parang nag preno.
Hindi ko inaasahan iyon kaya naman napalipad ako patungo sa lawa.
Lumubog ako sa malamig na tubig. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko na nasa ilalim na ako.
Fuck...I didn't expect him to do that s**t! he caught me off guard!
Damn these Lion grrr!
Agad akong umahon sa pagkakalubog ko sa tubig, inihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha.
Saka marahang nagmulat ng mata, masamang tingin ang binungad ko kay Lien kaso agad rin akong natigilan ng makita kong si Jayron, Sean at Ian ang bumungad sa akin.
Kusang umangat ang isa kong kilay, kailan pa sila nakarating diyan? tsk!
Lumangoy ako papunta sa kanila at sa pag-ahon ko ay dalawang kamay ang nag aalok sa akin para umangat sa tubig.
nagtakha pa ako ngunit inabot ko rin ang magkabila kong kamay sa kaliwa ay si Sean at sa kanan ay si Jayron.
Pag ka angat ko sa tubig ay basang basa ang damit ko, tumutulo pa ito, nagulat na lamang ako ng yakapin ako ni Ian.
Magtatanong na sana ako ng inunahan niya akong magsalita.
"Shhh...huwag ka ng magreklamo para sa iyo rin ito, kung hindi kita yayakapin ay makikita nila ang dibdib mo, bakat ang katawan mo, kaya magtigil ka riyan!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, saka ko lang napagtanto na binalot niya ako ng towel.
"tsk! hahahaha...I told you."
"Ian!"
"What?"
"Ehem."
Aalma na sana ako ng may dalawang tumkhim, natigilan ako at napalingon sa kanila.
Nakataas kilay ko silang tinignan, problema nila? tsk!
Nagteleport ako sa loob ng Tree house, dahil nakayakap sa akin si Ian ay nakasama siya.
Inilibot ko ang aking paningin at saka napansin na ang laki n ng pinagbago ng Tree house na ito.
Sabagay, at matagal tagal narin akong wala at hindi nakakapunta rito.
makintab ang sahig at kulay Puti ang pintura ng dingding, magaganda na ang gamit rito na tiyak kong galing ito sa kani kanilang kaharian.
Naglakad ako papasok at nadatnan kong kumakain ang lahat si Fariella, si Clerry, si Eron at si rockey ay kumakain sa lamesa.
Tahimik lang sila at tila walang ganang Kumain gayong mukhang masasarap naman ang pagkain.
Lumapit ako sa kanila at saka umupo sa gitnang upuan na nasa pagitan nina Clerry at Fariella.
Hindi pa nila ako nililingon kaya malamang na ganiyana ng reaksiyon nila.
Sumandok ako ng isang kutsarang kanin saka ng isang ulam na hindi pamilyar sa akin ngunit nakakatakam sa aking paningin.
Bago ako sumubo ay tumikhim ako ng malakas.
"Ehem."
Sinubo ko ang isang kutsara saka dire diretsong lumunok, ramdam ko na napantingin sila sa akin ngunit hindi ko sila binigyang pansin.
"kyaaahhhh!"
"Winter!"
"Ate!"
"Ate Winter!"
Napangisi ako ng kaunti ng sabay sabay silang sumigaw at napabulalas ng hindi makapaniwala.
Sa hindi inaasahan ay agad silang tumayo at yumakap sa akin ng mahigpit.
Dahilan para mabulunan ako. Uubo ubo akong dumampot ng baso.
"Hala..."
"Ayan kase niyayakap niyo ng mahigpit e alam niyo namang nakain."
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita at doon ay nakita namin si Jayron na nakasandal sa hamba ng pintuan.
Sinalinan ako ng tubig ni Sean sa baso na kaagad ko namang ininom.
Matapos inumin ay sunod-sunod akong napaubo, ramdam ko na hinimpas ng mahina ni Clerry ang aking likuran.
"Winter...How have you been?"
Napalunok ako bago sumagot.
"Hmmm, ayos lang..."
Balewala kong tanong, dahil sa totoo lang ay wala akong gana. Nawalan ako ng gana bigla.
Ayoko kase pag usapan ang nakaraang nangyari dahil sariwa pa sa akin iyon, ayokong maalala.
At ayokong makarinig ng kahit ano na na bagay na may kaugnayan sa nangyari.
"Ate, namiss kita."
Naglalambing na sambit ni Fariella, biglang bumalik ang gaan sa aking dibdib, mabuti na lamang at narito so Fariella.
Niyakap niya ako at hindi ko mapigilan na mapangiti. niyakap ko siya pabalik.
"kamusta ang aking kapatid?"
"Ayos naman ako ate, kaso namimiss kita."
"Don't worry...Isasama kita."
"Talaga po?"
"Hmmm..."
"Yehey! saan naman tayo pupunta ate?"
"Sa magandang palasyo."
Bigla naman silang nagtakha, dahil wala silang alam bukod kina Jayron, Sean at Ian na nakarating na roon ay wala na silang alam pa.
"Basta...Makakarating ka rin doon, mag-ayos ka na ng gamit mamaya, isasama kita."
"Yehey!"
lulukso lukso siyang naglakad paalis, sinundan ko pa siya ng tingin at sa hindi inaasahan ay nagtama ang aming mata ni Clerry.
malungkot akong ngumiti sa kaniya.
"And you too Clerry, even Eron and Rocky, Isasama ko kayo. Iwanan niyo muna itong Tree House, mas ligtas kayo roon. At isa pa, delikado na ngayon sa lahat ng kaharian."
"What do you mean Winter?"
"I don't know but, I heard humors about what is happening in Four Kingdom, narito ako para alamin iyon. Dinaanan ko lamang kayo para sabihan na maghanda at isasama ko kayo sa palasyo."
"Saang palasyo ang iyong tinutukoy ate winter?"
"Oo nga winter, you've said yourself that it's too dangerous outside."
"Silly hahaha...Hindi niyo pa pala alamna may Ika limang Kaharian?"
Bigla ay nanlaki ang mata nila, nakarinig ako ng nabasag na baso at napalingon ako kay Fariella na ngayon ay umiinom pala at mukhang nabitawan ang baso dahil sa narinig.
"W-what?!"
"Ano ang ibig mong sabihin Ate Winter?"
Bigla ay tinignan ko ng matalim sina Jayron, Sean at Ian. Wala man lang ba silang sinabi sa mga ito?
Nakumpirma Ko na wala nga dahil sa sabay sabay nilang pagkamot sa ulo.
Hindi ko mapigilan ang mapa poker Face dahil sa inasta nila, anak ng teteng naman oo. Tsk!
Napahinga ako ng malalim ng sabay sabay ako tinignan nina Clerry na may nagtatakhang mukha.
"Fine....Ganito kase iyon."
Sinimulan kong ikwento lahat about sa Arzelia Kingdom yung nangyari kay Uncle at Kay King Aerion.
Lahat lahat ng kaganapan ay kwinento ko, hindi ko mapigilan ang mapaluhang muli ng magsimula akong magkuwento tungkol sa aking tiyo.
Matapos mag kuwento sy napayuko na lamang ako, nandito pa rin yung sakit sa aking dibdib.
Hindi pa rin ako nakaka move on, at hindi ako magiging okay pa hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya para kay Uncle.
I want revenge and i won't be at ease if i didn't fulfill my desire.
"And until now...Pinipilit kong maging okay kaso minsan hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak muli sa tuwing maaalaa ko na wala na si uncle."
"A-ano bang ginawa niya bakit siya pinatay? sa pagkaka alam ko kase ay sila ang may kasalanan sa amin at hindi kami o si uncle, pero walang awa pa rin nila silang pinatay."
bigla akong niyakap ni Clerry at Fariella.
"Shhh, Ate...I'ts okay nandito pa naman kami at hindi kita iiwanan."
"Don't worry Winter, I'm always here...Sasamahan at dadamayan kita."
Napapikit ako sa sinabi nila, mabuti na lamang at nandito sila.
Kumalas ako sa pagkakayakap nila sa akin, dahil sa bukod sa basa ako ay kailangan kong matapos ang aking pakay rito.
"Siya nga pala, mag ayos na kayo ng gamit at isasama ko kayo roon, hintayin niyo lamang ako at magmamanman ako. Kailangan kong alamin ang lagay ng akademya maging ang lagay ng iba't ibang kaharian. Bigyan ninyo ako ng apat na araw, matapos iyon ay isasama ko kayo pabalik."
"Sandali ate Winter, Ano ang gagawin mo?"
"Wag kang mag alala Eron, ako ay magmamanman lamang. Aalamin ko lamang ang lagay ng bawat Kaharian, uunahin kona ang Akademya ngayon. Nais kong malaman kung ano na nga ba ang kalagayan ng Akademya at tila hindi na nakabalik si Autumn, inutusan ko kase iyo at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabalik."
"Ah ganoon po ba?"
"Hmmm..."
"Sige, magbibihis na ako at ako ay aalis na."
Hindi kona sila pinagsalita pa at dire diretso akong naglakad palayo.
Pumasok ako sa dati kong silid at agad iyong isinara.
Napasandal pa ako sa pintuan at marahang napapikit. Huminga ako ng malalim saka dumilat ng mata.
"Ay putangina!"
Nagulat ako ng mabungaran ko si Sean sa mismong harap ko.
*dugdug dugdug
Napahawak ako sa aking dibdib ng bigla iyong tumibok ng mabilis. Nandito na naman ng epekto niya sa akin, kahit kailan ay hindi iyon nawala.
Ngunit hindi ako puwede maging marupok at magpakita ng interes at psgmamahal sa kaniya kung hindi ay manghihina ako o mas maari pang mawala ang aking kapangyarihan.
Iyon ang hindi puwedeng mangyari, kaya naman agad kong inalis ang lahat ng emosiyon ko sa aking mukha.
Hindi niya puwedeng malaman na may epekto pa rin siya sa akin.
"What the hell are you doing here?"
Poker Face kong tanong, natigilan naman siya sa paraan ng aking pagsasalita.
"Winter..."
"What?"
Agaran kong sagot, dahil kung hindi ay baka bumigay ako at iyon ang hindi puwedeng mangyari.
"I love you."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya, ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Damn Sean! Damn you! what the f**k are you saying?! f**k!
Ramdam ko ang pagdaan ng emosiyon sa aking mata ngunit dali dali ko iyong inalis.
"I don't love you anymore...Please, Forget about me, maraming babae riyan na mas deserving. Hindi ako, baka mapatay ko pa ang tiyo mo sa sobrang galit ko sa kaniya."
"Winter let me explain m---"
"I don't need your Explanation 'cause in the first Place I have known of it. I knew about your plan, I just didn't give a shit."
"Winter..."
"Shut it Sean...I said we're over so tigilan mo na ako."
Kitang kita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya, nanghina ang aking tuhod hindi ko ito kayang masaksihan.
Kaya naman inilihis ko ang aking paningin at saka pilit dinilat ang mata upang hindi tumulo ang aking luha.
"H-hindi mo na ba ako mahal?"
Napakagat labi ako sa naging tanong niya, of course! I do love you Idiot!
"No."
Napayuko siya at doon lang ako nagkaron ng lakas para lingunin siyang muli.
"W-wala na ba talaga akong pag-asa? com'n I think I deserved a second chance, Look baby, I didn't mean to did those thi---"
"Stop it sean, I told you It's a No! so Accept it! kahit anong mangyari hinding hindi na kita bibigyan ng chance!"
'dahil mas gugustuhin ko na makita kang buhay habang nasasaktan ka kaysa mamatay ka ng dahil sa akin. May sumpa ako, at ayokong madamay ka'
gusto ko sanang sabihin ngunit wala na akong lakas pa.
Hindi kona napigilan ang mapa iyak, ang dami ko ng sakripisyo at hindi ako papayag na mawalan ng saysay ang mga iyon dahil lang sa kaniya, I'm sorry but i need to choose my Self first...I'm sorry for being Selfish.
Pinahid ko ang luhang tumulo saka muling hinarap siya.
"Forget about me, please give up on me. We can't be together anymore"
Saka ko siya tinalikuran ngunit nahila niya ako sa aking pulso at hinila palapit, magrereklamo na sana ako ng bigla niya akong hinalikan.
Bigla akong natigilan at parang naka glue ang katawan ko at hindi ako makagalaw, siguro kung dati ito nangyari ay malamang na hahalik ako pabalik.
Kaso hindi e, kaya naman nagpumiglas ako at pilit inilayo ang sarili sa kaniya, nagtagumpay naman ako.
Mabilis ko siyang sinampal.
"How dare you..."
Matapos sabihin iyon ay nagteleport ako sa lawa. doon ay nakita ko si Lien kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit.
At doon ay hindi ko napigilan ang umiyak.
To be continued...
ⓒ "Kayeyukot"