bc

HILING (Completed)

book_age16+
646
FOLLOW
1.5K
READ
murder
dark
family
curse
twisted
heavy
mystery
scary
office lady
wife
like
intro-logo
Blurb

May inutil na asawa, baon sa utang at puno ng problema si Magda, nang isang araw ay may napulot siyang lumang diary na tumutupad ng mga kahilingan. Ngunit swerte nga kaya ang dala nito sa kanya o dagdag na suliranin para sa buo niyang pamilya?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
HILING by J.C. Quin Copyright © J.C. Quin 2014 All Rights Reserved   Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.  Credits to Raykosen for the bookcover.   KABANATA 1 “Tanginang buhay ‘to!” ‘yan ang naibulalas ko nang maduming bahay, lamesang walang pagkain at nag-iiyakang mga anak ko ang aking nadatnan. Ni anino ng asawa ko ay wala sa pamamahay namin pero dinig na dinig ko ang malakas na tawanan nila ng kaibigan niya sa likod bahay namin. “Tanginang buhay talaga!” Sino ba namang hindi mapapamura sa ganitong buhay? Ako na nga ang kumakayod para sa pamilya ko dahil lasinggero ang walanghiya kong asawa, sa opisina, bunganga ng boss ko ang bumabati sa ’kin tuwing umaga, tapos pag-uwi ko galing trabaho, ganito pa? Kahit siguro santa ay mapapamura sa ganitong takbo ng buhay. “Mama! Huwaaaahh! Mama gutom na po ako!” iyak sa ’kin ng pitong taong gulang na panganay kong si Julliane. “Mama, si Let-let hindi pa po dumedede. Wala na pong gatas,” dagdag pa niya habang kandong-kandong ang bunsong kapatid na pilit na pinapatahan. “Mama!” sigaw na naman niya. “Putangina! Manahimik kayo! Ang sakit-sakit na ng ulo ko! Pare- pareho lang tayong gutom! Tumahan kayo ng kapatid mo!” Rinding- rindi na nga ako sa iba’t-ibang problema, pati ba naman sa mga bunganga nila? Utang na loob naman! “Mama…” ‘yon lang ang tanging nasabi ni Julliane habang ang bunso ko’y tuloy pa rin sa pag-iyak.  “Tahan!” muli kong sita sa kanila. Dahil sa bulyaw ko, pilit niyang itinikom ang kanyang bibig habang pigil na pigil ang kanyang paghikbi sa takot na rin siguro na kapag lalong nag-init ang ulo ko ay malutong na palo ang matitikman niya. Hindi  ko naman sinasadya kung minsan ay napapalo ko siya. Nagagawa ko lang naman iyon dala ng matinding inis dahil sa sunod-sunod na problemang dumarating sa ’min. Isang taon nang walang trabaho ang asawa kong si Lito dahil ilang beses itong pumasok sa trabaho nang lasing. Kasalukuyan kaming baon sa utang at dalawang buwan nang hindi nakakabayad ng upa sa bahay na tinitirhan namin. Bukod dito, noong nakaraang araw lamang ay nakatanggap naman ako ng disconnection notice sa kuryente at tubig. Sino’ng hindi mapapamura at mag-iinit ang ulo? Ang daming kailangan bayaran pero ako lang ang kumakayod, tapos may asawa pa akong lasenggo! Lecheng buhay ‘to! Hindi ko alam kung ano’ng mabigat na kasalanan ang nagawa ko at gan’to ang pasakit na dinaranas ko ngayon. Bigla akong napatingin sa munting altar namin kung saan may maliit na rebulto ng Birheng Maria at Nazareno. “Tanginang buhay. Nasaan ang Diyos kapag nangangailangan ako?” Matapos iyon ay napagpasyahan ko nang pumunta sa likod-bahay namin at doon ay nadatnan ko ang magaling kong asawang kasalukuyang lumalaklak ng alak. May tatlong bote ng gin sa ibabaw ng lamesa, dalawa roon ay wala nang laman habang ang pangatlo ay nangangalahati na. Kasama ng mga bote ay ang isang mangkok na wala nang laman subalit bakas ang bahid ng pulang sarsa na kung hindi ako nagkakamali ay ang sardinas na iniwan ko sa lamesa kaninang umaga, na ibinilin kong siya nilang ulamin. Inutang ko pa ‘yon kanina sa tindahan kahit na halos murahin  na ‘ko at maiyak sa pagmamakaawa kay Manang Siling, may makain lang sila. Kasama niyang umiinom ang kapitbahay naming si Rodrigo, isa pang inutil, lasenggo at wala ring trabaho. Ang pinag-kaiba lang niya sa asawa ko, binata siya at walang pamilyang dapat buhayin. Palamunin siya ng nanay niyang tindera sa palengke na halos magkanda-kuba na sa pagbebenta ng isda. “Nabalitaan mo ba ‘yung swerteng dumating kay Selya? Aba eh, mag-a-abroad na ‘yung bunsong anak at bukas na ang alis. Samantalang parang nitong mga nakaraang buwan lang eh problemadong- problemado ang pamilya nila. Ka-swerte ‘di ba?” kwento ni Rodrigo. “Oo, swerte! Hindi mga malas na tulad n’yo! Tangina kayong dalawa, mga batugan, walang kwenta!” sigaw ko sa sobrang galit ko. Dahil doon ay pareho silang napalingon sa akin. “O, mahal nadyan ka na pala...” Tumayo ang asawa ko at pagewang-gewang na lumakad palapit sa ‘kin. “Huwag mo akong ma-mahal-mahal d’yan, Lito!” sigaw ko habang dinuduro siya. “Lasing ka na naman at ‘yung sardinas na dapat para sa mga anak ko, ginawa n’yo lang pulutan!” mangiyak-ngiyak ko pang sigaw sa kanya. Inilipat ko naman ang tingin ko kay Rodrigo, “Ikaw Rodrigo, umalis ka rito sa pamamahay ko! Puntahan mo ‘yung nanay mong nagkakanda-kuba na sa pagtatrabaho mapalamon ka lang! Habang ikaw amoy alak, ‘yung nanay mo halos kumapit na sa katawan ang lansa ng mga isdang araw-araw niyang kasama! Wala kayong mga awa! Mga inutil na, wala pang konsensya! Tangina talaga!” “Pare, alis na ‘ko. Ang hot ng asawa mo…” nakangising sabi ni Rodrigo. “Tangina mo! Lumayas ka sa harapan ko!” sigaw ko habang hawak ang bote ng gin na nadampot ko na sa sobrang pagkabwisit sa kanila. Galit na galit na ‘ko tapos nakuha pa niyang magbiro? Pasalamat siya ‘di ko inihambalos itong bote sa kanya, pero ‘yon talaga ang gusto kong gawin, nagpigil lang ako. Tuluyan nang umalis si Rodrigo at sa gilid ng bahay namin siya dumaan. “Mahal ang init naman ng ulo…” Langong-lango na sa alak si Lito at halos lamunin na niya ang mga salitang sinasabi niya. “Oo! Mainit talaga ang ulo ko, at nagpupuyos sa galit ang kalooban ko! Hindi ka man lang naawa sa mga anak mo! Inuna mo pa ‘yang bisyo mo kaysa unahin ang kumakalam na sikmura nila. Anong klaseng ama ka?” Tinalikuran ko siya at naglakad papasok ng bahay. Siya naman ay pilit na sumunod sa ‘kin. Kung hindi dahil sa bisyo ni Lito, hindi naman kami magkakaganito. Hindi gan’to ang buhay namin noong hindi pa siya nalululong sa alak. Ayoko na! Sawang-sawa na ‘ko sa ganitong klase ng pamumuhay namin. Pagpasok ko ng bahay, kinuha ko agad si Let-let mula kay Julliane at inakay ko naman siya papanhik sa kwarto naming mag-asawa. Inilapag ko muna sa kama si Let-let at saka ko kinuha ang pinaka-malaking bag na mayroon ako at isinilid doon ang ilan sa mga damit ko, mga uniporme sa trabaho at ilan pang mahahalagang gamit. Pagkatapos noon ay binuhat ko uli si Let-let at saka ako pumunta sa kwarto nila at ganoon din ang ginawa ko. Isinilid ko sa bag ang ilan sa mga damit nila na kakasya pa sa bag ko. “Mama, aalis po ba tayo? Saan po tayo pupunta?” tanong ng panganay ko habang nakatingin sa mga damit nilang inilalagay ko sa bag. “Oo, aalis tayo. Doon muna tayo sa Tiya Susan,” sagot ko. Nangingilid na ang luha ko pero pilit kong pinipigilan ang pagpatak noon. “Ano’ng ginagawa mo? Saan mo dadalhin ang mga anak ko?” Akalain mong nakuha pang umakyat nitong magaling kong asawa sa kabila ng kalasingan niya. At ang lakas din ng loob niyang tawaging anak sina Julliane at Let-let gayong wala naman siyang kwentang ama. Sarili lang niya ang iniisip niya. Wala siyang pakialam kahit halos hindi na makahinga sa kaiiyak si Let-let at hindi na malaman ni Julliane ang gagawin sa sobrang gutom na nararamdaman nilang magkapatid. “Aalis ako, at isasama ko ang mga bata,” matigas kong sagot. “Hindi kayo aalis!” Lumapit sa ‘kin si Lito at pilit na hinahatak ang bag na dala ko pero dahil sa sobrang kalasingan, natumba agad siya nang itulak ko. Sa puntong iyon ay nagsimula na namang magsi-iyak ang mga anak ko. Dahil doon ay sinamantala ko ang pagkakatumba ni Lito. Isinarado ko agad ang bag at binuhat ang bunso kong si Let-let. Dali-dali ko namang inakay ang panganay kong si Julliane pababa ng hagdan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Lito sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon hanggang sa makalabas kami ng bahay. Nang mga oras na iyon, ang buong akala ko ay makakatakas na ako sa impiyernong buhay ko sa bahay na iyon. Pero hindi pala, dahil panibagong probelama na naman ang paparating.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Senorita

read
13.1K
bc

More Than Just A Lap Dance

read
93.8K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.6K
bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.1K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook