Destiny 3

1095 Words
"Who prepared my coffee?" Malakas na tanong ni Hayden sa kanyang mga tauhan. Ang alam n'ya ay ang bagong personal assistant ang inutusan n'yang sabihan ang sekretarya n'ya ipagtempla s'ya pero hindi iyon ang templa ng kape na kadalasang iniinom n'ya. "It's me sir, Skyra had an urgent thing to do that's why I volunteered myself to prepare it." nanginginig man pero buong tapang na inamin ni Celestine ang totoo. Bahala na kung mawalan s'ya ng trabaho sa walang ka-kwenta kwentang dahilan, atleast naging totoo s'ya. Natahimik saglit ang lahat, kompleto pa naman sila ngayon dahil nakabalik na si Nick at Tim galing sa kani kanilang misyon. Tumikhim muna ang boss nila saka sabing, "Then teach her how you did that so she can prepare the same next time." saka mabilis itong pumasok pabalik sa kayang sariling opisina. Halos nabunotan sila lahat ng tinik ng marinig ang sinabi ng kanilang boss. Yun lang naman pala bakit pa kelangan daanin sa takotan. "Uhm, Ms Garcia paano mo nga pala tinimpla ang kape ni boss?" Putol ni Skyra sa nakakabinging katahimikan nilang lahat. Saka na rin nakabawi sina Tim at Nick sa pagkakatulala. Ngayon lang kasi nila nakitang parang natutuliro ang boss nila ng dahil lang sa lasa ng kape. "Tin! May plus points kana nun kay boss ah." Biro ni Nick na unang nakabawi kesa ni Tim. "Ngayon lang yan nag-appreciate si boss, di pa alam kung papaano sabihin na nasarapan sya." Naiiling na dagdag ni Tim na sadyang hininaan ang boses dahil baka marining ng bugnuting amo nila. Kaya natawa tuloy si Celestine at pati na rin ang tatlo. "Kayo talaga, tara Skyra, tuturuan kita basta promise na 'Tin' na lang tawag mo sa 'kin." masayang sabi ng dalaga habang kasamang lumalakad papuntang pantry nila. Napagtimplahan na ng dalaga dati ang binata noong sa school canteen pa lang s'ya na-assign sa dating pinapasukang school nila. Pero saglit lang s'ya 'dun na assigned dahil pinatransfer s'ya sa ibang gawain matapos sadyang pahiyain s'ya ng kanyang step- sister doon na si Monica. Si Monica lang naman ang sikat na cheer leader captain nila at campus belle pa, na sinasabing girlfriend daw umano ng amo n'ya ngayon na dati ring team captain sa school basketball team nila. Dun lang sana laging nakikita ang dating boss n'ya dahil hindi sila pareho ng baitang, mas matanda ito sa kanya ng mahigit tatlong taon. Lage sana n'ya itong ninanakawan ng tingin habang tahimik itong kumakain kasama ang team mates nito at syempre si Monica. Inspired si Celestine na turuan ang kasamang si Skyra sa kung papaano ang pagkuha ng timpla nito. Madali lang naman ang ginawa n'ya kaso halos hindi makuha kuha agad ni Skyra. Kaya nang magtimpla ito ulit, at halos sing sarap na ng ginawa n'ya ay tumigil na sila sa kakatry. Baka maubos pa ang lahat ng kape nila sa pantry, panibagong takutan na naman. Wala ng iba pang pinagawa ang boss ni Celestine. S'ya na lang ang nananatiling nakatunganga habang si Tim at Nick ay may bago na namang ginagawa at ganun din si Skyra. Naging busy ulit sila sa mga sumunod na araw. Isang araw, uwian na ng makatanggap ng notice si Celestine galing boss n'ya na kailangan n'yang maghanda ng pang lima or anim na araw na gamit dahil kasama s'ya nito sa business meeting sa Japan. Hindi mawari ni Celestine ang nararamdaman. Masaya ang dalaga dahil mukhang pinagkatiwalaan na agad s'ya ng boss n'ya. Pero na- iilang din dahil mas makakasama n'ya ito sa pang-araw araw. Pero ganoon naman talaga ang klase ng pinasukan n'yang trabaho, ang laging kabuntot sa boss n'ya kaya agad s'yang nag-reply dito. Sa makawala pa ang alis nila kaya may oras pa s'yang makabili ng mga kulang na gamit. Samantala....... Napaisip si Hayden kung saan nya nakilala ang bagong assistant. Ito pa lang ang ipinasok ng ina n'ya sa kompanya na tutok sa trabaho at hindi nagpapapansin sa kanya. Madali nitong nagawa ang inutos n'yang detalye ng magiging kasosyo nila. Hindi rin halos mukhang maghuhubad na ang kasuotan nito taliwas sa mga nagdaang mga ipinakilala ng mommy n'ya. Hindi nakakabawas sa ganda nito at ka sexyhan ang pagiging simply ng dalaga. "Mom." tawag ni Hayden sa kabilang linya na agad namang sumagot. "Hello baby, need me?" Malambing na bati ng ina. Mukhang may nakatagong saya sa boses nito. "Nothing mom. I'll just call you back anyway." nahihirapan si Hayden kung paano tanongin ang ina kung paano nakilala ang bagong assistant. Baka kasi mag-over think na naman ito. May pagkapilya pa naman ng ina n'ya kaya di nalang tinuloy ang gusto sana n'yang itanong. "Okay iho, call me back if you want to tell something" makahulugang sagot ng ina. O di ba, overthinker talaga ang ina n'ya kahit kelan. "Tim!" tawag ng binata sa intercom na agad namang dumating ang assistant. "Check her details", maikling utos n'ya sa kanyang assistant na agad namang nakuha kung ano ang ibig sabihin. He's not interested in her, he is just curious. Pagtatanggol ng binata sa sariling isipan. Napatayo bigla ang binata ng malasahan ang kape na matagal na n'yang huling nalasahan. Hindi n'ya maintindihan kung papaanong nagka ganito ang lasa nito gayong ibang iba naman ang lasa nito sa nakasanayan na n'ya. Kaya pinatawag agad n'ya ang sekretayang nagtimpla nito. "Sir Williams sorry po sir pero hindi po ako ang nagtimpla kanina ng kape n'yo kasi tinatapos ko yung pinapahabol n'yong memo." Takot na turan ng sekretarya n'ya. Ganoon ba ka nakakatakot ang aura n'ya kaya kahit simpleng tanong lang ay para nang maihi ang kausap nito?. "Then who?!" Mas lalo tuloy umiksi ang leeg ng kanyang secretary sa taas ng boses n'ya. "I'll find it out outside sir". Halos hindi magkanda ugaga na sagot ng sekretarya at mabilis na lumabas ng opisina ng binata na sinundan naman ni Hayden ng mahahahabang hakbang. Imbis na ang takot na sekretarya ang magtanong sa kanyang kasamahan ay inunahan ito ni Hayden. "Who prepared my coffee?" halos dumagondong na tanong nito. Napabalikwas ng tayo si Celestine. Kitang kita ang pagkabigla nito sa magagandang bilog na mata ng dalaga. Ang bagong assistant n'ya pala ang gumawa ng kape kanina. Kaya imbis na magpakita ng galak ay medyo pagalit na inutos dito na turuan ang sekretarya n'ya kung papaano ang paghalo at pagtimpla ng ganoong lasa saka mabilis na bumalik sa sariling opisina. Kahit anong mangyari ay ayaw n'yang ipakita rito na napapa-impress s'ya sa mga ginagawa ng dalaga. 'Ego Hayden ego.' Tsk tsk tsk reklamo ng utak n'ya. Sumasakit tuloy ang ulo n'ya sa nangyari at natuklasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD