Napanganga si Hayden saglit saka maagap na nakabawi ito sa pagkakatulala. Hindi n'ya agad napansin na may tao palang nakasunod sa likuran ng ama n'ya. She seems familiar. Ang layo ng mukha nito sa naka-attached na image sa kanyang Curriculum Vitae. He admit na mas maganda ito sa personal kahit simple pa rin ang porma at halos wala man lang make-up.
Hindi man nagpahalata ang binata pero hindi ito nakaligtas sa matatalas na mata ng ama. Kaya napangiti ito ng palihim.
"So see you around son. You can call me anytime if you need anything." sabi ng ama na may kasama pang kindat saka umalis ng opisina n'ya.
"Good morning Mr. Williams". pormal na bati ng dalaga sa kanya.
"Good morning." tipid na sagot ng binata saka may tinawagan sandali sa intercom.
Knock, knock knock...
"Come in." ani ng binata.
"Nick, meet Celestine Garcia, she is the new addition to your group, brief her all the things she needs to know, especially the dos and don'ts." Yun lang at tinalikuran na sila nito at pumunta sa mesa n'ya.
"Right away sir Hade". sagot ni Nick at agad na iginiya ang bagong kasamahan sa labas ng opisina ng CEO.
May sarili kasi silang receiving area, para ito sa secretary ng boss nila, at meron din silang sariling table para sa mga personal assistants bago makapasok sa mismong opisina ng CEO.
Pinagtulungang tinuruan ni Nick at Tim ang bagong kasama. Dapat din masanay ito sa striktong boss. They informed her na napaka clean freak ng boss nila so kung ayaw nito na may konting kalat or messy ang mga documents na i-hahand over sa kanya. Perfectionist ito, lalo na sa mga details na i-rereport dito.
Bago sila naging efficient ay dumaan din sila sa matinding training.
Kinakabahan tuloy si Celestine Garcia kahit magaling s'ya sa mga bagay na to. Her experiences taught her well kaya madali na lang para sa kanya ang mga kailangan gawin. Ang dapat na lang n'yang pag-aralan ay kung papaano habaan ang pasensya sa sa medyo tahimik at striktong boss.
Kung hindi lang siguro magkaibigan dati ang papa n'ya at ang mommy ng boss n'ya ay t'yak s'yang hindi makakapasok sa kompanyang ito. Lalo na sa pagiging executive personal assistant ng kilalang CEO.
She will certainly make his papa proud. Laging nasa honor roll si Celestine sa isang International school noon na pinapasukan din ng magkakapatid na Williams kung saan pumasok s'ya bilang working scholar.
Nerd ang dating n'ya habang nag-aaral kaya wala masyadong pumapansin sa kanya noon. Mabait ang ama n'ya pero simula nung nagpakasal itong muli sa mayaman ny'ang madrasta ay nawalan na ito ng karapatan na magdesisyon sa bahay nila.
Kaya kailangan n'yang supportahan ang sarili para matustusan ang mga pangangailan at gamot ng ama.
Matapos ang mahaba- habang briefing ng dalawang kasamahan ni Celestine ay uwian na. Nakakapagod na kahit briefing pa lang. Ang daming dapat tandaan.
Kinabukasan...
Kakarating lang ni Celestine sa opisina ng ipatawag agad s'ya. Maaga naman s'yang dumating pero mas maaga pa rin ang boss n'ya at ang secretary nito.
"Ms. Garcia, sir Hayden is looking for you." saad ni Tim na nagmamadali ring umalis dahil meron ding pinapatapos na trabaho dito ang kanilang boss.
"Thanks Tim, anyway, just call me Tin" sagot naman ng dalaga habang papasok na ito sa opisina ng boss n'ya at tanging tango na lang ang sagot ng kausap.
Knock knock
"Yes Mr. Williams." kinakabahang bungad ng dalaga sa nakakahipnotismong kagwapohan ng boss.
Dati na itong gwapo, pero mas pinatindi pa yata ng panahon.
"I want you to work on this." sabay turo nito sa isang documento na nasa ibabaw ng mesa.
"I need the complete details before 4:00 pm today." saad ng kanyang boss na hindi man lang sumusulyap sa kanya.
"Okay Mr. Williams". saka kinuha ang sinasabing dokumento nito.
"Anything else Mr. Williams?" dagdag ni Celestine na sadyang tinanong pa ang boss para matingnan lang s'ya nito sa mata, na pinagsisisihan din n'ya agad.
Dahil ang nakakahimatay na tulis ng titig nito ang ipinukol sa kanya.
"You may go." sagot ng binata na agad ring binalik sa monitor ang paningin nito.
Bakit kasi naisipan pa n'yang kulitin ang boss, alam na man n'yang dati pa ay matipid na ito sa salita at walang interes sa mga babae. Sulyap lang naman ang hinihingi n'ya sana.
"Okay Mr Williams" saka lumabas at sinimulan ang madaliang utos ng boss.
Madali natapos ni Celestine ang pinagawa ng boss dahil dati na rin n'ya itong gawain sa nakaraang pinapasukan. Good thing at naka-save pa rin sa phone n'ya ang mga contacts na kilangan tawagan saka sakali.
Muling kumatok si Celestine sa opisina ng boss saka pumasok ng marinig ang go signal nito.
"Mr. Williams, everything is here." saka nilapag n'ya ang mga kelangan na information ng boss. Makailang beses n'ya itong inayos para masigurong kompleto at malinis tingnan.
"Thanks." matipid na namang sagot nito habang tiningnan ang oras sa relo.
Nasa bandang 2:00 pm pa kaya maaga s'ya ng dalawang oras sa itinakda nito.
Thanks lang? Wala man lang pakunswelo d'yan sir? Naghuhurimentadong isipan ng dalaga. Hindi naman madali ang pinagawa nito kong hindi bihasa nito ang napag-utosan.
"Anything else Mr. Williams". Andyan ka nanaman Celestine, gustong gusto mo talagang makita ang magagandang mata ng boss.
"Nothing else." agad na sagot nito habang sersyosong sinusuri ang kanyang pinasa na dokumento.
Kaya tatalikod na sana si Celestine ng biglang magsalita ito ulit.
"Ahm, kindly tell my secretary to prepare my coffee, thanks. ani nito na saglit lang s'yang tiningnan.
"Alright Mr. Williams." sagot ni Celestine saka pinuntahan ang sekretarya ng boss kaso nagmamadali itong lumabas dahil may kelangan itong ihabol sa ibaba.
Si Celestine na lang ang nagkusang magtimpla ng kape ng boss n'ya, baka mapagalitan pa s'ya nito kung bakit natagalan ang kape nito.
Madaling inilapag ni Celestine ang coffee ng amo at mabilisang lumabas habang ang binata ay wala pa sa lamesa n'ya.
Mukhang pumasok pa ito sa loob ng private bedroom kaya hindi n'ya nakita habang bitbit ang kape nito.
Pagkarating ng sekretarya ng boss n'ya ay nakatanggap agad ito ng tawag. Saka para itong bibitayin sa takot na nagmamadaling pumasok sa opisina ng boss nila.
'My God please hindi naman siguro dahil sa kape kaya parang nabulyawan ang sekretarya nito?' Nagtatakang napaisip si Celestine.
Halos mahulog ang dalaga sa kinauupoan n'ya ng mabilis bumukas ang pintuan ng boss at iniluwa nito ang sekretaryang parang namumutla sa takot ang mukha nito habang nakasunod naman ang gwapong boss n'ya na hindi n'ya mahulaan ang pinta ng mukha nito.
'Lagot na, ng dahil sa kape lang mawawalan na yata ako ng trabaho nito.'
Tahimik na hula ni Celestine sa sarili n'ya.