Lunes Bago pa ang nalalapit na company outing ay pumasok si Celestine ng opisina na may dalang isang milyong kaba. Kaba dahil hindi n'ya alam kung paano s'ya tratohin ng boss n'ya. O baka naman wala lang ito para sa gwapong n'yang boss ang nangyari at s'ya lang talaga ang hindi maka move on dito. "Good morning Tin". Bati agad ni Skyra sa kanya na ginantihan naman ng ngiti ng dalaga. "Good morning, andyan na ba si boss?" Mahinang tanong n'ya sa sekretarya habang dahan dahang tinungo ang sariling mesa. "Yup, kanina pa, mas nauna pa nga sa min." Sagot nito na ibig sabihin mas nauna din kesa kina Tim at Nick. "Workaholic naman." Ganti n'ya habang pumipwesto na sa sariling mesa. Buong umaga na nag-antay si Celestine na tawagin sa intercom ang pangalan n'ya para sa utos ng boss kaso bigo