Pagkarating ni Hayden sa kanilang mansion ay agad tinungo nito ang sariling kwarto. Nabubulabog ang nanahimik n'yang isipan ng dahil sa maganda n'yang assistant. Muntikan na n'yang patayin ang european businessman na si Johanson Yale dahil sa kamuntikan na nitong magahasa ang tauhan n'ya. Nanggagalaiti pa rin s'ya sa galit sa tuwing naalala n'ya ang nangyari. Ang lakas ng loob ng mga ito na kantihin ang tauhan n'ya habang kasama n'ya ito. Lalo pa at si Celestine ito. Galit din s'ya dahil wala man lang planong magdemanda ang dalaga para sana maturuan ng leksyon ang manyakis na lalaking yun. Naputol ang pagmuni muni ng binata dahil sa katok ng pintuan n'ya. Pinatawag si Hayden ng mommy n'ya para makapaghaponan ito. Tahimik lang kumakain ang binata at mabilis lang din itong pumanhik. Wa