Chapter 11

1176 Words
Akio POV Mula ng hindi na sya nag reply ay hindi na ko mapalagay. Hindi ako naka tulog. Gusto ko syang itext pero anong sasabihin ko? Ako na ang nakikipag hiwalay sa kanya. Hindi ko sya masisisi kung lalayuan nya ako. Lalayuan???? Hindi ko yata kakayanin. Mag hapon kong hinintay na magtext sya pero kahit isang mensahe ay wala akong natanggap. Kahit anong gawin ko, lagi na lang syang nasa isip ko. Napasok nya na ng tuluyan ang puso ko. Hindi ako mapalagay kaya pinuntahan ko sya sa apartment kung saan sya tumutuloy. Pero wala sya ngayon dun. Tinext ko sya pero di nag reply. Alam kong nabasa nya ang text ko. P*t*ng*na paano kung umalis na sya dito? Kung lumayo na sya.? Alam ko kung saan sya nakatira sa Bulacan pero paano kung wala sya dun. Lumipas pa ang ilang oras at nakita kong dumating na sya. Marami syang dalang plastic bags... Hindi ko mapigilan ang pagka sabik ko sa kanya. Kaya naman niyakap ko sya na nakatalikod sa akin... " Mrs. Kuo hindi ko pala kaya. I'm sorry. I love you." Naiyak ako sa likod nya. Alam kong nagulat sya base na rin sa reaksyon ng katawan nya. Ako na rin mismo ang nagtanggal ng pagkakayakap ko sa kanya. Inalok nya akong pumasok at pinagluto nya pa ako ng hapunan. Natuwa ako dahil mukha namang wala syang balak na layuan ako. After ng dinner ay pinaalis nya na ako. Naligo na sya pero wala akong balak umalis kaya di ko namalayan na nakatulog pala ako na nakaupo. Naramdaman ko nalang na may humalik sa pisngi ko. Pag dilat ko ay madilim na ang paligid may konting liwanag na nanggagaling sa kwarto na tiyak kong kanya dahil nag-iisa lang naman. Hindi nya na rin ako pinauwi ng gabing yun. -------------- " Dude anong nangyari are you okay???" Bumalik na ako sa bansang Japan. May nangyaring gulo sa Company ko dun kaya kinailangan kong bumalik agad para harapin ang problema tinext ko lang si Catley, hindi na rin kami nagkita pa. May mga investors na nag pull out ng kanilang shares dahil nawalan sila ng tiwala sa akin. almost half year din akong nawala kaya medyo bumaba ang sales namin. Nawalan kami ng communication ni Catley dahil sa nangyari. " Genkidesu ( I'm fine)." sagot ko sa kanya. " Kamusta kayo ni Miss Heaven knows?" tanong ulit ni Troy. " Wala na akong balita sa kanya." sagot ko. " Bumalik ka sa Pilipinas ayain mo bumalik dito sa Japan." " Ginawa ko na. Ayaw nya." " Dapat pala binuntis mo para walang kawala." Natahimik ako sa sinabi nya. " By the way may party kanila Vincent, kailangan nating pumunta." tinapik nya lang ang balikat ko saka sya umalis. " Hi Sir How are you? Baka gusto mong paligayahin kita." pang-aakit pa sa akin ni Shely. Wala kaming relasyon pero sya ang nagbibigay ng pangangailangan ko dati pagdating sa kamunduhan. Pero syempre nung hindi ko pa nakilala si Catley. " No thanks. Cancelled all my appointments today. Masama talaga ang pakiramdam ko." saka ko sya iniwan sa Opisina. Na mi-miss ko na si Catley... Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas... Pag-uwi ko ng bahay ay naligo at nagpalit lang ako ng damit at nag tungo na sa party ni Vincent. Naabutan ko si Caila na nag-iinom. " Hi! Kamusta??? Nakita ko yung kinababaliwan nyo ni Vincent na babae. Hindi naman maganda. Hahaha." pang-aasar nya pa sa akin. " Akin sya wag mo syang siraan sa akin." Kumuha ako ng alak at nagsalin sa baso at saka ininom. " May asawa na yun, hindi na virgin. Napagsawaan na ng iba, may dalawa pang anak. Anong ka gusto gusto dun???" " I don't know! But I love her." Nagsalin ulit ako ng alak at uminom. " Love mo na???? Bakit hindi na lang ako???" Lasing na ata si Caila. Bigla nya na lang akong hinalikan... May nangyari sa amin... Virgin pa si Caila ng may mangyari sa amin. P*ta dahil sa kalasingan may ginalaw akong babae, hindi lang basta babae kundi best friend ko pa. Dapat ko na talagang kalimutan si Catley. Kailangan kong panagutan tong nangyari sa amin ni Caila. Dahil sa nangyari ay inaya ko si Caila na mag pakasal na kami. Na guiguilty kasi ako sa nangyari. Hindi ko sya mahal pero alam kong may pananagutan na ako sa kanya. Pumayag naman sya. Gusto ko sanang humarap sa pamilya nya kaya lang ay hindi pa daw sya handa. Malaki kasi ang problema ng kapatid nya that time. 2 Months later " Hi Mr. CEO!!!!" Niyakap nya ako. "Na miss kita." Sabi nya pa. " Catley?" " Na surprise ba kita?" sabi nya pa. " I'm sorry Catley pero magpapakasal na ako." Nakita ko ang pagka gulat sa mukha nya. " Talaga ba? Kaya ba ako pinilit na isama ni Troy dito? Pa-ra sa closure?" Tumulo na ang luha nya. F*ck di ko sya gustong saktan. " I'm sorry." " Dalawang buwan pa lang na magkalayo tayo. Madali lang sayong ipagpalit ako." " I'm sorry." gustong gusto ko syang yakapin pero baka mas umasa pa sya kaya hindi ko ginawa. Pinunasan nya ang luha nya. " Ayo-s lang. Sige aalis na ako." paalam nya sa akin. Anong nangyari sa akin. Mali na naman tong pinili kong saktan, nasasaktan din tong puso ko ngayon. Vincent POV Umayon sa akin lahat ng plano ko. Si Caila lang pala ang magpapahiwalay kay Akio at Ley. Sana noon ko pa sinabi kay Caila ang tungkol sa kinababaliwan ng best friend nya. Alam kong matagal ng may gusto si Caila kay Akio kaya yun ang ginamit ko para sya na mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay ang dalawa. Ako rin ang nag-utos kay Troy na dalhin si Ley dito sa Japan. " Huwag ka ng umiyak Ley narito naman ako." Tumingin sa akin si Ley. " I'm sorry Vince pero ayokong ipaako sayo tong ipinagbubuntis ko." Nagulat ako sa inamin nya sa akin. Nabuntis pala siya ni Akio. G*gong yun mapapatay ko talaga sya. " Bukas uuwi na akong Pilipinas. Salamat Vince sa pagpapatuloy sa akin. Please wag mong sirain ang marriage mo. Napaka buti ni Ayi sayo sa tingin nya palang sayo ay alam kong mahal na mahal ka nya. Hindi ko alam kung paano nya nakita si Ayi o paano sila nagkakilala. Ang alam ko lang ay gusto ko si Ley at kaya kong iwan si Ayi para sa kanya. Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi nya. Siguro nga tama sya. Gustong gusto ko si Ley pero alam kong si Akio na ang nag mamay-ari na ng kanyang puso... Ako na mismo ang nag hatid kay Ley sa Pilipinas. Hindi ko sasabihin kay Akio ang tungkol sa magiging anak nila ni Catley bilang ganti ko na rin sa kanya.... Umalis na rin sa trabaho si Ley ang balita ko ay natagpuan nya na yung kakambal nya at doon muna sya titira sa Isla na pinamana sa kanila ng kanyang Lolo. Mula nun ay wala na akong naging balita sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD