Chapter 10

1332 Words
Akio POV "Hi po." Kaway pa ni Catley sa mga ito. " Sige Mr. CEO. Aalis na ako." saka nya tinungo ang pinto at lumabas na. " What's that????" sigaw na tanong sa akin ni Vincent. " Nothing." sagot ko saka ako nag labas ng yosi. Honestly kinabahan ako. Nahuli kami sa akto. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito lulusutan. " Nothing????" sinugod ako ni Vincent at sinuntok. " Dude... I told you noong una pa lang, sa akin lang si Ley..." Frustrated na sabi nya. Napaupo pa sya sa sahig at yumuko. " I know pero may asawa ka. Mahal na mahal ka." sagot ko habang pinupunasan ang dugo pumutok kong labi. Ang sakit manuntok nitong lalaking to. " Hindi ko sya mahal. Ang mahal ko si Ley. Nang makita ko kayong naghahalikan nasaktan ako." " Dude I'm sorry." " Hiwalayan mo sya." utos nya sa akin. Para ko na ring kapatid si Vincent. Nahihirapan rin akong makita syang miserable. " Okay!" Inaya nila akong mag-inuman. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko dahil sa text pero binalewala ko. Alam kong si Catley ang nag text, sya lang kasi ang mahilig mag message sa akin. " Dude... I think kailangan mo ng replyan yang si Miss Heaven knows para tumigil na kaka text sayo. Sabihin mo ng break na kayo." bulong sa akin ni Troy. Tinungga ko naman yung natitirang laman ng beer na iniinom ko. Kaya ko ba talaga??? Parang ang hirap. Mahal ko na nga talaga si Catley. Binasa ko muna lahat ng text nya... Mrs. Kuo: Nagalit sya sayo??? Gusto mo ako na ang kumausap sa kanya?? Mahal na mahal kita Mr. CEO. Wag mo sana akong iiwan ng dahil sa sinabi nya lang. Busy ka? Sige text mo nalang ako kapag di ka na busy. Nasa apartment na ko. Ingat sa pag-uwi. Anong ginagawa mo? Kumain ka na??? Miss na kita. Good night. Pagtingin ko sa oras ng text nya 12:40 am madaling araw na pero gising pa sya. Nag reply na lang din ako. Me: I'm sorry kailangan na nating maghiwalay. Naghintay pa ako kung mag reply sya pero wala akong natanggap.... Catley POV Nahiya ako dahil may naka saksi ng halikan namin ni Akio. Mahal ko na rin talaga sya. Hindi ko kayang di kami nagpapansinan. Hindi ko kaya, kaya nga ako na ang mismong nagpunta sa Opisina nya. At nagka bati naman kami kaya lang mukhang magkaka problema na naman kami. Nagpaalam lang ako sa kanila at umalis. Pero ang isip ko ay na kay Akio lang. Ipinagtapat nya sa akin na may gusto si Vincent sa akin. Pero sinabi ko naman na ayaw ko kaya di nya na rin pinilit na ilakad sa akin. Sya kasi talaga ang gusto ko na. Mula kanina ay di na ko tinext ni Akio. Madalas sya ang unang nagtetext sa akin. Pero ngayon wala akong natanggap galing sa kanya. Kaya ako na ang unang nag text. Me: Nagalit sya sayo??? Gusto mo ako na ang kumausap sa kanya?? Wala akong reply na natanggap. Sunod na text ko. Me:Mahal na mahal kita Mr. CEO. Wala pa rin akong natanggap. Hindi kaya kinausap na naman sya ni Vince tungkol sa akin??? Me: Wag mo sana akong iiwan ng dahil sa sinabi nya lang. Me: Busy ka? Sige text mo nalang ako kapag di ka na busy. Baka nga busy lang talaga sya. Tiningnan ko yung oras sa phone ko office hours pa kaya siguro walang reply. After work ko tinext ko ulit sya Me: Nasa apartment na ko. Ingat sa pag-uwi. Wala pa ring reply kaya naman nag text ulit ako pagkatapos kong maghapunan. Me: Anong ginagawa mo? Kumain ka na??? Hayst nakakapagod ring magtext ng wala kang nakukuhang reply. Me: Miss na kita. Hanggang sa matutulog na ako ay Wala pa Rin akong natatanggap na reply galing sa kanya. Me: Good night. Hindi naman agad ako nakatulog sa kakaisip sa kanya. Hanggang sa narinig kong may nag text. Excited pa akong buksan ang message nya. Mr. Ko: I'm sorry kailangan na nating maghiwalay. Nalusaw ang ngiti sa aking labi. Heto na naman ang sakit. Mukhang magkakasakitan lang talaga kami kapag pinagpatuloy ko pa. (Kinabukasan) Day off ko kaya balak kong mag libot. Hindi ko na nireplyan si Akio. Hindi na muna ako makikipag kita sa kanya. Narito ako ngayon sa isang park para mag libot kasalukuyan akong kumakain ng cotton candy. Mahirap mamasyal na iisa lang pero sanay na rin naman ako. Next week balak kong dalawin ang dalawa kong anak. Mamimili ako mamaya ng mga ipapasalubong sa kanila. Miss ko na yung dalawang anak ko. Mr. Ko: Catley where are you. Narito ako sa labas ng apartment mo. Hindi ko sya ni replyan. Nakiki paghiwalay na sya sa akin di ba? Bakit kailangan ko pang makipag-usap sa kanya. Inabot ako ng gabi sa pamimili. Ang dami kasi, tiyak matutuwa ang mga bata nito. Bubuksan ko na ang pinto ng apartment ko ng biglang may yumakap sa akin. Halos ma tuod ako sa kinatatayuan ko. Amoy pa lang kilalang kilala ko na sya. " Mrs. Kuo hindi ko pala kaya. I'm sorry. I love you." Umiiyak sya sa likod ko??? Ang laki laki nitong iyakin. Hinayaan ko muna sya sa likod ko. Mahal ko rin naman sya eh pero hindi ko rin naman maiwasang magtampo, madali nya lang kasi akong bitawan at makipaghiwalay sa akin kapag ginusto nya. " Tama na! Halika pumasok ka muna ipagluluto kita ng hapunan..." kaswal na sabi ko sa kanya. Bumitaw na rin naman sya sa akin, kaya nauna na akong pumasok. Binuksan ko nalang din ang pinto para makapasok rin sya... Nag-umpisa na akong magluto. Pinaupo ko muna sya sa sala medyo matatagalan kasi tong lulutuin ko. Gusto ko kasing mag sinigang na baboy ngayon. Mukhang uulan pa naman. Nakita ko syang nakatingin lang sa akin. Hindi ko na kasi nilagyan ng dibisyon tong kusina kaya naman kitang kita nya ako mula sa sala ko. Nginitian ko naman sya. Bakas sa gwapo nyang mukha ang puyat at pagod. Naawa tuloy ako sa kanya... " Mr. CEO halika na dito kumain na tayo." Mabuti nalang talaga at may binili akong tatlong mono block chair atleast kapag may bisita ako dito ay may uupuan rin sila. Sinandukan ko sya ng kanin sa rice cooker. Saka ako nag salin ng sabaw sa mangkok para sa aming dalawa. Nakita kong nakatitig lang sya sa akin. " Kumain ka na habang mainit na." Sabi ko sa kanya. Nag-umpisa na rin akong kumain. Nakita ko naman na kumain na rin sya... " Masarap." sabay higop nya pa ng sabaw. Natuwa naman ako sa sinabi nya. Natapos na kaming kumain at ako na ang nagligpit. " Mr. CEO gabi na. Umuwi ka na para makapaghinga ka na rin, paki lock na rin yung pinto kapag umalis ka ." Pumasok na ako sa banyo ko para maka ligo na rin. Hindi ko hinintay pa ang sagot nya. Palabas ko ay nagulat ako dahil nakaupo pa rin sya sa sala at nakapikit. Halla nakatulog pa ata sya. " Mr. CEO???" Hindi man lang sya natinag sa pagkakapikit. Nakatulog nga talaga sya. Pumasok muna ako sa kwarto ko para kumuha ng extra unan at kumot. Siguro dito na muna sya matulog. Hayaan ko na muna sya sa sala. Pinatay ko nalang din ang ilaw para maka tulog sya. Alam kong di sya sanay sa liwanag kapag natutulog. Pinahiga ko muna sya, malaki naman tong nabili kong sofa sakto lang para sa laki nya, saka ko sya hinalikan sa pisngi. Good night mahal ko. " I love you more Catley." sabay hila nya sa akin pahiga. Nagulat pa ako dahil sa ginawa nya. Hinawakan nya ang mukha ko. " Hindi ko kayang ma punta ka kay Vincent. Bahala na kung magalit sya pero akin ka lang." " Hinding hindi kita ipapaubaya sa kanya..." Ipinikit ko nalang ang aking mata ng dumampi na sa labi ko ang malambot nyang labi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD