HINDI ko akalain na makikita ko si Gean sa medical mission ng mga ito. Nasa iisang lugar lang kami habang namimigay ng food packs samantalang ang team naman ni Gean ay kaharap lamang lamang namin. Maraming nakapilang pasyente ang mga ito at maging sa team nila ay mahaba rin ang pila. Nasa liblib ng Santa Monica kami pumunta dahil iyon ang report sa akin. May mga kasama naman ako pero ang tingin ko ay nasa kabilang team lalo na at hindi ko makita si Gean sa dami ng tao. “Sino ang mga kasama ng anak ni Governor Calixto?” tanong ko kay Banjo na kasama ko sa team ko. Napapagod na ang mukha ko sa kakangiti ay kaka-kamay sa mga tao. “Ang kilala ko lang ay si Dr. Wilson pero ang batang doctor ay hindi ko kilala,” wika pa ni Banjo. Iyon nga sana ang gusto kong malaman dahil may napansin akobg b