TUMULO ang aking luha habang nakatitig ako sa walang malay na si Xavier. Kitang-kita ko ang kanyang mukha na duguan samantalang kapwa kami nakatali ang mga kamay. Hindi ko man lang magawang tulungan ang lalaki. Nanginginig ang aking katawan sa labis na takot. Dalawa lamang kami ni Xavier na binihag ng mga taong hindi ko kilala. Tinangay rin nila ang truck na maraming pagkain at mga gamot na pinamimigay namin kanina. Nag-aalala ako na baka hindi nakaligtas ang mga kasama ko kanina lalo na at sunod-sunod ang putok at pagsabog na nangyari. Pinagmasdan ko ang lugar kung saan kami ikinulong ni Xavier. Tanging maliit na ilawan lamang na nakasabit ang nagsisilbing liwanag namin sa maliit na silid na aming kinalalagyan. Kagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. "Xavier," mahi