BILANG anak ay kailangan kong suportahan si Papa. Magkakasama kaming umalis para mag-file ng candidacy for governor. Alam kong magkikita kami ni Xavier dahil pagpa-file na rin ito ng candidacy nito for governor. Ngayon ay nagkakausap na kami sa telepono kung kaya alam ko kung ano ang gagawin niya. Hindi ko naman tinatanong sa kanya pero siya na mismo ang nagkukusang magreport sa akin kaya naman bihis na bihis ako ng araw na yun. Alam ko naman kasi na kasama niya si Olive kung kaya hindi ko kailangan magpatalo sa babaeng iyon. Sa mga mata ni Xavier ay gusto kong higitan si Olive, ng sa ganun ay makita niya na mas lamang pa rin ako. Hindi naman ako ipokrita para hindi isipin na sana ay magbago ang isipan ni Xavier at huwag ng pakasalan pa si Olive. Syempre umaasa pa rin ako na magdalawang i