UPANG makaiwas a tensyon na nagaganap sa loob ay nagpaalam na muna akong magbabanyo. Hindi ko kasi alam kung sino ang kakampihan ko. Isa pa naiilang ako kay Xavier at Olive. Lihim din akong naiinis kay Olive dahil sa mga sinasabi nito na akala mo ay kung sino. Ilang beses akong huminga ng malalim nang bumukas ang pinto ng banyo. Nagulat pa ako ng makita ko si Xavier. “Hinahanap kita sa labas,” wika pa nito. “Baka may makakita sayo,” sagot ko. Napansin kong ni-lock niya ang pinto ng banyo. “Isa pa nandyan ang mag-ina mo sa labas." "Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako na magalit ka dahil sa naging bangayan namin ng Papa mo kanina. Gusto ko lang magpaliwanag." "Hindi mo naman kailangan magpaliwag dahil alam kong ganito talaga ang pulitika. Sanayan nalang," wika ko pa. "At tungkol s