❣︎ URSULA/2030 ❣︎ "Bakit?" tanong niya sa akin. Tila iba yata ang ibig niyang sabihin sa kaniyang naging katanungan. "Sino ba 'yong tumawag?" tanong niyang muli, "Jowa mo ba?" "Anong jo-jowa?" balik kong tanong sa kaniya. "Ah, oo nga pala, tagabukid ka," malayo niyang sagot, "Kasintahan." "Ganoon ba? Oo, kasintahan ko iyong tumawag." Isang makahulugang tingin ang itinapon niya sa akin. At gaya ng aking inaasahan, hindi ko na naman maipaliwanag kung ano man ang nais ipahiwatig ng kaniyang mga mata. "Bakit?" muli niyang tanong. Talagang iba ang ipinapahiwatig ng kaniyang katanungan, "Anong bakit, Rael?" "Bakit s'ya?" Naguguluhan na ako sa mga katanungan niya, "Anong bakit siya?" "Anong nagustuhan mo sa kan'ya?" Isang tanong na naman galing sa kaniya. "Bakit ganiyan k