Chapter 16 “Hi! At last, I found you, Felicity.” Hindi makagalaw si Bliss sa pagkakatayo niya habang nasa harapan niya si Vincenzo na malawak ang ngiting nakatingin sa kaniya. Labis ang gulat ni Bliss sa pagtawag nito sa kaniya sa ikalawa niyang pangalan na hindi niya na ginagamit at mas hindi mapaniwalaan ni Bliss ay kung paano nito na siya si Felicity na kababata nito. Dahil sa reflexes at pagka-gulat ni Bliss ay akma niyang isasara ang pintuan ng mabilis itong harangan ni Vincenzo na bahagyang nagulat sa gagawin ni Bliss na napansin niya na ang sa mukha ni Bliss ang pagka-gulat ng dahil sa pagdating niya. “Hey? Did I scared you?”nag-aalalang tanong ni Vincenzo kay Bliss na bahagya nitong ikina-iwas na tingin sa kaniya. “P-paano mo nalaman ang apartment ko?”mahin