Chapter 17 Nasa biyahe na si Bliss papasok sa flower shop dahil maaga siyang nagising at nagdecide na pumasok na kahit kulang ang naging tulog niya matapos ang pag-uusap nila ni Trace. Mas naglalaro sa isipan niya ang mga napag-usapan nila ni Trace kasya sa napag-usapan nila ni Vincenzo at kung ano ang mangyayari sa kaniya sa pagpasok niya sa shop ng mag-ina. Hindi mawala sa isipan ni Bliss ang pag-sabi niya at pag-amin niya kay Trace na gusto niya na ito, na gusto niyang tumulong upang malaman ni Trace kung anong nararamdaman nito sa kaniya. May part na natatakot at kinakabahan si Bliss sa sinabi niya kay Trace, natatakot siya na baka ang pagka interest na nararamdaman ni Trace sa kaniya ay hindi tulad ng naiisip niya, alam ni Bliss na masasaktan siya pero gusto niyang ihanda