CHAPTER 01
Sa isang abandonadong farm sa Bulacan ay magkaka-samang tinatapos nina Ruhk, Maki at Trace ang isang tao kasama ang mga tauhan nito na may malaking kasalanan sa negosyo nila nina Paxton. Inutusan sila ni Paxton na linisin ang mga tauhan ni Mr. Calderon dahil lihim nitong kinokopya ang mga disenyo ng mga baril ni Paxton na hindi nito nagustuhan. Ingay ng putok ng baril ang maririnig sa buong farm, nakikipag palitan ng putok sina Maki at Ruhk sa mga tauhan ni Mr. Calderon na malapit na nilang maubos habang si Trace ay nasa itaas ng isang abandonadong building sa farm at tinatarget ang mga kalaban nilang nasa malayong distansya.
Wala dapat ngayon sa pilipinas si Trace dahil may pagpupulong na magaganap sa mafia clan nila dahil sa botohan ng paglipat ng kalahati ng mafia ng Heldrich clan sa pangalan nina Demon dahil tinanggap na nito ang pagiging kasama ni Trace sa pamumuno ng clan ng pamilya nila. Pero dahil nasa misyon sya kasama nina Ruhk ay hindi sya naka uwi ng U.S.A at si Don Lucian na kanyang ama ang humarap sa buong council.
(Trace hindi pa ba nauubos?)
Kalmado lang si Trace sa pagpapalit ng kanyang bala sa gamit nyang sniper na marami ng napapatumba. Bata palang si Trace ay nakamulatan nya na ang mga training tungkol sa iba’t-ibang klase ng pakikipaglaban, bata palang sya ng imulat na sya ng kanyang ama sa klase ng pamumuhay nila bilang isang mafia. Muntik na syang mamatay noon sa kamay ng mga kalaban nya sa na personal nyang dinayo sa pilipinas at dahil mag-isa lang sya ay hindi nya napaghandaan ang mga kalaban nya na kahit nasa binggit na ng kamatayan ay walang takot na makikita sa mga mata nito. Kung titingnan si Trace ay parang handa ito sa kamatayan na nag-aabang sa kanya. Nang naging dehado si Trace sa laban niya ay matinding damage ang natamo nya na ikinalagay nya sa binggit ng kamatayan pero nang mga oras na ‘yun ay parang nasa panig ni Trace ang swerte dahil may mga dumating na pulis dahilan para iwan sya ng mga kalaban nya at bago pa sya makita ng mga pulis ay pinilit ni Trace na makalayo. Duguan ang ilang parte ng katawan ni Trace at may isang saksak sa tagiliran syang natamo na hindi man lang nya inabalang takpan ng kamay nya ang dumurugo nyang sugat. Masama man ang lagay ay hindi makikita sa mukha ni Trace lalo na sa mga mata nya ang sakit o hapdi ng sugat nya na parang wala syang nararamdaman na kahit na ano. Nasa pinaka kritikal na kondisyon si Trace ng mga oras na ‘yun ng matagpuan sya ni Paxton at tinulungan na magamot ang sugat nya. Tinuruan sya ng kanyang ama na huwag basta-basta matitiwala sa mga tao na ngayon nya lang nakilala at kahit hirap na sya sa kondisyon nya ay pinilit nyang itaboy si Paxton pero wala syang nagawa ng dalhin na sya ni Paxton sa bahay nito at ginamot lahat ng sugat nya.
(Hoy! De Leon naririnig mo ba ako? Uso kayang sumagot.)
Muling salita ni Maki sa earpiece na suot-suot ni Trace na muling pumwesto at nag-umpisa na ulit syang patamain ang mga kalaban nila na Malaya nyang napapatumba.
“Three targets left.” Walang emosyon na sagot ni Trace bago patumbahin ang huling tatlong kalaban na binanggit nya.
“Done.” Pahayag nya pa bago inayos ang sniper na ginamit nya at inalis ang earpiece na nasa tenga nya dahil nag umpisa na naman sui Maki na magdudumal-dal na babarahin naman ni Ruhk.
Tahimik na nilalagay ni Trace ang sniper nya sa bag nito matapos nya itong linisin at agad umalis sa building na kinalalayan nya ng mapasabit ang braso nya sa isang pako na nakausli sa pintong dinaan nya. Mabilis na dumaloy ang dugo sa braso nya pababa na walang emosyon na ikinatitig nya lang sa sugat nyang dumudugo. Wala man lang reaksyon si Trace sa sugat na natamo nya na inalisan nya na lang ng tingin at dere-deretso ng bumaba sa building. Natapos na ang misyon nila sa Bulacan at hindi man nila nakita sim r. Calderon sa farm nito ay hindi naman ito makakapagtago ng matagal sa kanila.
Nakalabas na si Trace sa building na pinuwestuhan nya at tumambad sa harapan nya ang mga walang buhay na katawan ng mga kalaban nya na parang wala syang nakita dahil dinaanan nya lang ang mga ito. Dere-deretso ang paglalakad ni Trace at ng malapit na sya sa pinag paradahan nya ng kanyang motor ng tumunog ang cellphone nya.
Hindi magkakasama sa iisang sasakyan sina Trace, sa bawat lakad nila palaging nahiwalay sa byahe si Trace sa kanila. Mauuna itong dumating sa lugar na pupuntahan nila at mauuna din itong umalis na kinasanayan na nina Ruhk.
Hindi pinansin ni Trace ang pagtunog ng cellphone nya hanggang sa malapitan nya na ang motor nya, nakasukbit sa balikat nya ang sniper na dala nya na nakalagay sa isang guitar case. Nang makasakay si Trace sa motor nya ay muling tumunog ang cellphone nya na kinuha nya na sa gilid nya at tiningnan ang kung sinong tumatawag sa kanya na sinagot din naman nya ng makita nyang ang kanyang ama ang tumatawag sa kanya.
“Father.” Normal na sagot nya sa kanyang ama pero wala paring emosyon ang tinig nito tulad ng mga mata nito.
(Are you done in your work for Ignacio?)
Pahayag na tanong ng kanyang ama na may kaseryosohan sa boses nito na wala namang epekto kay Trace.
“Not yet.” Maikling sagot ni Trace na isinuot nyang muli ang earpice nya at ikinonek ang tawag ng kanyang ama dito bago tinago ang cellphone nya sa bulsa nito at sinuot ang helmet bago pinaandar ang kanyang motor at umalis na lugar na kinalalagyan nya.
(The council needs your vote if you are agreed to Demon’s second mafia Lord of our clan.)
“His part of Heldrich clan, one of your sister’s son so my vote is useless. He has the right to be part of us.” Walang emosyon na sagot ni Trace na rinig nyang bahagyang ikinatawa ng kanyang ama.
(I told them that three times but Rivero disagree to our decision son.)
“Kill anyone who against us father, you told me that.” Pahayag ni Trace na mas pinabilis ang pagpapa-andar sa motor nya upang makabalik na sa bahay ni Paxton at makapag report na sa naging resulta ng lakad nila.
(I already killed him, so Demon was now part of our clan. I want to laugh again when I remembered your Uncle Henry’s reaction when Demon asked the part of her mother in the clan.)
Hindi sumagot si Trace sa sinabi ng kanyang ama at itinuon lang ang atensyon sa pagmamaneho nya ng marinig nyang tumikhim ang kanyana ama sa kabilang linya.
(Son, I did not let you to enjoy your childhood because I want you to handle our clan and even that it’s late for me to say this, just enjoy your days with your friends.)
“I don’t have friends, having friends are not a good idea.” Walang emosyon na sagot ni Trace bago pinatayan na ang tawag ng kanyang ama.
Nang makarating sya sa bahay ni Paxton ay dere-dersto syang pumasok sa loob ng makasalubong nya si Irish na kagagaling sa kusina na may ngiting lumapit sa kanya.
“Hi Trace! Kamusta ang lakad nyo?”
“Not yet completed, Calderon is still hiding of nowhere.” Malamig na sagot nito na ikinatango ni Iris dahil sanay na naman ito sa walang emosyon na ugali ni Trace ng manlaki ang mga mata nya ng makita nya ang dumudugong sugat ni Trace na natuyo na ang mga dugo n nasa braso nito dahil sa hangin habang nagpapa-andar sya ng motor.
“Oh my! May sugat ka Trace.” Pag-aalalang sita ni Irish kay Trace na akmang hahawakan nya ang braso ni Trace ng ilayo nito ito sa kanya na ikinalingon nya dito.
“I’m fine. Where’s your husband?” tanong nito na ikinabuntong hininga ni Irish.
Aware si Irish na hindi umiinda ng kahit anong sugat o sakit sa katawan si Trace pero hindi nya parin mapigilan na mag-alala sa pinsan nya dahil sa ugali na ‘yun. Alam ni Irish na hindi maliit na sugat ang nasa sa braso ni Trace na gusto man nyang gamutin ay alam nyang tatanggihan ito ni Trace tulad ng lagi nitong ginagawa.
“Kasama nya ngayon sina Kuya Devil pero kanina pa ‘yun, sa tingin ko pauwi narin si Paxton.” Sagot ni Irish kay Trace na kahit lagi nyang nakikita ay hindi parin tumitigil si Irish na umasa na may makikita sya na kahit anong emosyon.
“Masakit ba?” tanong nya na ikinalingon ni Trace sa braso nyang may sugat
“I don’t feel anything, I don’t even know what pain is.” Normal at walang emosyon na pahayag ni Trace bago binalik ang tingin kay Irish
“I see that you’re affecting again by this wound.” Kumento ni Trace na ikibuntong hininga ni Irish
“I’m worried of you Trace, ibig sabihin nag-aalala ako dahil hindi lamang maliit na sugat ang nakuha ng braso mo.”
“Worried? Is that what you called in that? then stop worrying, this is nothing.” Sagot ni Trace kay Irish na ikinatango nalang nya
“Fine pero linisin at gamutin mo parin ‘yan, I’ll call you pag dumating na si Paxton.” Pahayag ni Irish na ikinatango ni Trace bago iniwan si Irsih at dere-deretsong umakyat sa hagdanan na ikinasunod ng tingin ni Irish dito.
Hanggang ngayon, Trace doesn’t know the emotions that he should have and he should feel. Lihim na nananalangin si Irish na dumatng ang araw na kahit isang emosyon ay Mabasa nya sa mga mata nito.