Prologue

1014 Words
PROLOGUE   Naguguluhan ang batang babae kung bakit biglang nagkagulo ang mga bisita nila sa mismong araw ng kaarawan nya, gusto nyang magtanong sa kanyang mga magulang pero nagmamadali ang mga itong umakyat sa ikatlong palapag ng bahay nila habang buhat-buhat sya ng kanyang ama. Hindi alam ng batang babae ang kung anong nangyayari hanggang sa makarating sila sa kwarto na nasa pinaka dulo ng ikatlong palapag na agad pinasok ng kanyang magulang at ibaba sya sa malaking closet na walang laman.   “Mom what are we doing here? Why does people scream in my birthday? Ayaw po ba nila sa birthday party ko?” tanong ng awalang muwang na bata sa kanyang mmga magulang ng makita nyang umiyak ang kanyang ina   “Anong gagawin natin Hon, nalaman na nila ang pagtataksil na ginawa mo. Baka idamay nila si Felicity.” Iyak ng kanyang in ana ikinalingon ng kanyang ama sa kanya.   Hindi alam ng bata kung bakit nakikita nya ang takot sa mga mata ng kanyang ama dahilan para lapitan nya ito at hawakan ang mukha nito.   “Why Daddy? You look so afraid.” Sambit na puna ng batang babae na ikinaiyak na din ng kanyang ama ng matigilan ang kanyang mga magulang ng makarinig sila ng mga putok ng baril.   “I know I was wrong but I have no choice but to betrayed them, I did that for the safeties of my daughter and you.”     “Alam ko hon, alam ko.” Iyak ng ina ng batang babae ng alalayan sya ng kanyang ama na umupo sa loob ng closet at bigyan sya ng nanghihnang ngiti at hinaplos ang kanyang buhok.   “Anak, gusto ni Daddy maglaro tayo ok ba yun?” pahayag ng ama nya sa kanya na nagustuhan ng batang babae   “Hide and seek!”   “Felicity makinig ka kay Daddy, you need to hide here ok? Huwag kang lalabas hanggat may naririnig kang ingay sa labas, magagawa mo ba ‘yun para kay Daddy?”   “So, if wala na ako marinig na noise I can come out na here?” inosensteng tanong ng batang babae na mas lalong ikina-iyak ng kanyang ina   “Y-yes baby, just hide here and w-wait for us okay?” bilin ng kanyang ama na ngiting ikinatango ng batang babae   Niyakap naman sya ng kanyang ina ng mahigpit habang hindi mapigilan ang pag-iyak.   “Always remember baby that Daddy and Mommy loves you okay. We love you so much.” Pahayag ng ina nya na kumalas na sa yakap nya sa kanyang anak.   Nang makarinig ulit sila ng mga putok na malapit na sa kwartong kinalalagyan nila kaya mabilis na tumayo ang mga magulang nya at isinara na ang closet kung nasaan ang batang babae.Nariniig pa nya ang pag-iyak ng kanyang ina bago nya makita ang mga ito mula sa awang ng pintuan ng closet ang paglabas ng kanyang mga magulang.   Ginawa ng batang babae ang ibinilin ng kanyang mga magulang na hindi sya lumalabas ng closet na pinaglagyan sa kanya. Inabala ng batang babae ang sarili sa pagbibilang sa kanyang kamay habang may naririnig pa syang maiingay sa loob at labas ng bahay nila. Nakakaramdaman narin ng antok ang batang babae dahil ilang oras na ang lumipas ay hindi parin sya binabalikan ng mga magulang nya.Hindi mapigilan ng batang babae ang antok na nararamdaman nya ng maramdaman nyang may nagbukas ng pintuan ng closet na hindi nya magawang tingnan ng ayos dahil sa sobrang antok nya.   “Mommy, I’m sleepy.” Mahinang sambit nya na muling ikinasara ng pintuan ng closet at hindi pa sya tuluyang nakakatulog ng makarinig sya ng mga boses sa kwarto na kinalalagyan.   “Did you see something here son?”   “Nothing, can we go home now?” rinig nyang sambit ng isang boses ng batang lalaki na walang emosyon na gusto mang silipin ng batang babae ay hindi nya nagawa ng kainin na sya ng antok sa loob hg closet.   Ilang oras na nakatulog ang batang babae ng magising sya, ng magising sya ay wala na syang marinig na ingay kaya ngiting lumabas sya sa closet at lumabas ng kwarto habang tinatawag ang kanyang mga magulang. Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ng batang babae dahil wala syang ibang taong makita hanggang sa makababa sya ng sala ng bahay nila at makita nya ang ilang katawan na nakahandusay sa sahig na nababalutan ng kulay pula sa mga katawan nito.   “Mommy, Daddy..” mahinang tawag nya sa mga magulang nya ng makarating sya sa may kusina kung saan nakita nya ang kanyang ina at ama na nakahandusay sa sahig na nababalutan din ng dugo ang buong katawan na ikinalapit nya sa mga ito.   “Mommy, Daddy bakit nakahiga po kayo dito?” tanong ng batang babae habang niyuyugyog ang katawan ng kanyang ina at ama na hindi nagigising sa bawat pagyugyg nya na ikinasimulang ikaiyak ng batang babae   “Mommy, wake up, Daddy, don’t sleep here. M-mommy, D-daddy..”   Hindi na napigilan ng batang babae na pumalahaw ng iyak dahil kahit anong gising nya ay hindi gumising ang mga magulang nya. Niyayakap nya ang mga ito dahilan para mabahiran ng dugo ang gown na suot nya. Iyak lang ng iyak ang batan babae sa tabi ng walang buhay nyang mga magulang.   Sumikat ang araw at ang batang babae ay tulala lang sa tabi ng kanyang mga magulang hanggang sa magsidatingan ang mga pulis. Walang kibo ang batang babae na kahit kausapin ito ay hindi ito sumasagot kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ipaubaya ito sa DSWD. Hinanap ng mga tauhan ng DSWD ang kamag anak ng batang babae pero walang nag claim dito, ang mga kamag anak ng mga magulang ng bata ay mas inisip ang kayaman ng kanyang mga magulang na naiwan at pinabayaan sya kaya nagdesisyon ang DSWD na dalhin ang batang babae sa isang bahay ampunan.   Sa kaarawan ng batang babae ay naransan nya ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay nya, ang maulila at mawalan ng mga magulang na madadala nya hanggang sa paglaki nya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD