Chapter 6 - Dapat Lumayo

2051 Words
Chapter 6 Brando I RAISED my eyebrows when I noticed that Naya keeps on glancing at me like she wants to ask me about something. "What is it?" I smiled, asking her. I also c****d my brows. "What?" "You want to ask something," I directly said to her. She shrugged, looking around, "Who's that girl?" Sinasabi ko na nga ba at tungkol yun dun sa batang nakita niya sa airport. I chuckled, "You address her as a girl but you're just a couple of years older than her." "Oh, she looks childish. I don't look childish. Who is she?" Seryosong tanong niya. "She's Georgina." "Georgina?" Naya's jaws dropped and then rolled her eyes. She thinks I'm kidding and making fun of her. Akala niya siguro ay korni ang joke ko. "I will not buy that. Malayo siya kay ate George. If you like that girl, don't give her my sister's name please, not in front of me because it isn't funny," itinaas pa nito ang dalawang kamay pagkasabi nun kaya lalo lang akong natawa. Akala niya ay pinaglalaruan ko siya. "She's Georgina, Georgina Lagdameo. She's going to be Nico's wife. Remember Nico, my nephew?" "How is she related to the Vice President?" "Youngest daughter," I just said and didn't elaborate. Bakit ba naman pinag-uusapan ang batang yun? Sabi ko na ngang dapat iwasan ko dahil may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko kapag lumalapit sa akin ang bata na yun, pero ngayon siya ang topic namin ni Naya. "She doesn't look like his daughter." tila may bahid ang tono niya ng pang-iinsulto o baka ako lang ang malisyoso. Tumango ako pero hindi naman negatibo ang laman ng isip ko. Indeed. Napakasimple ni Georgina, kumpara sa ama at lalo na sa ina. Kung halos singkakapal ng kwintas ng reyna ang kwintas na suot ni Aracelli sa araw-araw, ganun naman kanipis ang kwintas na suot ng anak. Baka nga kung susumahin ko ang halaga ng suot nun na kwintas ay nasa sampung libo lang ang halaga, kasama na ang pendant na letrang I. Pero kung mukha ang pagbabasehan, kamukhang-kamukha naman ni Daniel si Georgina. Napakaganda ng batang yun. Her simplicity makes her look so perfect. May igkas sa p*********i ko nang maalala ko ang makakapal na kilay nun, pumapareha sa makakapal at baluktot na mga pilikmata. Kung ang iba ay nagkukumahog na magpakabit ng mga pekeng buhok sa mata at magpakapal ng mga kilay at kung anu-ano pa, si Georgina ay hindi na kailangan. Halata naman ang mga babaeng peke ang mukha at hindi na natural. It's not that I'm not a fan of cosmetic surgeries but I prefer natural beauty. Baka ang iba ay gusto iyon. kanya-kanya naman ang mga lalaki ng taste. Wala naman pakialaman. Why do I even adore that girl so much? "She's so plain to be a VP's daughter. I wonder if she even knows how to dress properly during special occasions. I don't like her for you," ismid nito kaya natawa siya lalo, "Malayo siya kay ate." I just smiled. Hindi ko alam kung kinokontak ba ito ng asawa ko mula sa kabilang buhay at pinagsasabihan na bantayan ako rito sa lupa. Buhay pa man si George noon, ganito na talaga si Naya. Sa tuwing may kausap akong babae ay nagsusumbong ito sa asawa ko. George just kept on laughing. She was the coolest wife ever. She doesn't get jealous. Ang rason niya, malaki ang tiwala niya sa akin na hindi ako mambababae. I never broke that trust. Iyon pala ay sakit na siyang hindi ko nalalaman kaya ayaw niya sigurong maubos ang mga araw niya na nag-aaway lang kami. And I just woke up one day to find that my wife was no longer breathing. Complications of thyroid, iyon ang sinabi ng duktor sa akin. She hid it. She was scheduled for an operation but she didn't make it to the scheduled date. Baka hanggang dun na lang talaga ang buhay ng asawa ko. She had a peaceful way to go anyway. I never saw her dying, suffering and crying because of pain. Hindi na siya nagising. Yun lang. Pero sobrang sakit nun para sa akin, na katabi ko ang asawa ko pero hindi ko na siya makakausap at makikita kahit kailan. I was about to blame the doctor for not contacting me but I realized that my wife decided to keep her medical records confidential. She had reasons I know, reasons like she didn't want to hurt me, making me feel nervous and worried all the time. Nasaktan ako, isang sakit nga lang naman pero hanggang ngayon ay nariyan pa rin. "Let's not talk about her any more if she makes you piss." "Don't tell me mgkakagusto ka sa ganun," paniniyak ni Naya, "Juat find another." "Wala akong balak na maghanap, Naya. Is that okay with you now?" Natatawa kong tanong pero ismid ang isinagot nito. Para na kaming magkapatid na dalawa. Nasa iisang bahay kami nakatira noong buhay pa si George. I just moved out after losing my wife. Hindi magandang tingnan na nasa iisang bubong pa rin kami ni Naya kahit na patay na ang ate niya. Then, I moved here. It feels much more peaceful here than in the US. Dito, malapit ako sa pamilya ko. Kahit paano, mas masaya ako kahit na balo na ako. I PUSHED the door and beckoned my hand for Naya to get inside first. We're here in my condo to let her stay while she's in the Philippines. May bahay at lupa rin sila rito, pamana ng parents nila sa kanilang magkapatid pero wala sa Makati. It is located in Batangas. That's quite far if Naya is going to stay there. "'Wag ka ng magreklamo dito ha. This is my most luxurious condo," biro ko sa kanya kaya natawa siya. "How about you? Where do you live?" I live in my office. My glass bookshelf is actually a door to my private suite. Doon na ako nakatira kaya kapag kailangan ako sa opisina ay mabilis akong makakapunta dahil nandun na mismo ako. "Just somewhere," I said. Naglakad ako papunta sa kwarto para ilagay na dun ang bagahe niya. "Are you that busy here, Brando? Hihilahin na lang kita kapag gusto kong mamasyal." "When I'm not busy I can always guarantee you my time. For now," sumulyap ako sa relo ko matapos kong maipasok ang luggage niya sa loob ng walk-in closet. Nasa pintuan na siya nakatayo, pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto, kasama na rin ako. "I have to rush back to my office," sabi ko sa kanya. Humakbang ako papalabas ng kwarto at hinalikan ko lang siya sa pisngi. I handed her the keycard and I walked away. "Take care, Brando," ani Naya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya bago ko tuluyang isinara ang pinto. Pagkalabas ko naman ay saka ko tingnan ang smartphone. I will check my messages and see the first one from the wedding coordinator. Kinabukasan daw ay final rehearsal na ng kasal. Napakunot ang noo ko sa bilis ng lahat. Kung sabagay, balita ko ay hindi lang naman tatlong tao ang kumikilos para sa pag-aasikaso. Napakaraming kinuhang trabahante ni Hector. Ang wedding gown balita ko ay pinapili na lang sa mga disenyong yari na, na gawa ng isang sikat na fashion designer. Daig pa ni Hector ang hinahabol ng pitong kabayo sa pagmamadali na matapos ang preparasyon agad-agad. Hindi naman masyadong halata na may gusto rin iyong makuha agad-agad. Narinig ko na si Nico na naman pala ay isasabak na rin sa pulitika. Iba na naman pala ang mga plano ng mag-ama, kaya sapilitan na pakakasalan si Georgina. I don't care actually. I should never even mind. Ano ba naman ang pakialam ko sana, kaya lang ay parang may kung anong koneksyon sa aming dalawa ni Georgina dahil sa nangyari sa amin. Fuck. Ayan na naman ako. Puro na lang ako Georgina. Bahala sila sa buhay nila. I'll just manage my own life and will not care about them. I keep on reading my messages as I enter the elevator. Nasa 20th floor ang unit ko. Pumasok din ang mga tauhan ko at tumayo sa apat na sulok ng lift. May mga sasakay pa sana pero umatras na lang. I saw a message from Hector aside from his missed calls. "We have to talk, Brando. Allocate time for me so we can talk about what Daniel wants." Napakunot-noo ako. Anong what Daniel wants ang ibig sabihin ni Hector? At anong kinalaman ko sa sinasabi nito? I don't f*****g care about their agendas. Why are they counting me in? I sighed. As if I have the freedom to say no to it. Whatever he wants me to do this time, I have to say yes. Ako lamang siguro ang lalaking bawal sumagot ng no. Isang no, lahat ng bagay ay mawawala sa akin. I put back my phone inside my pocket. Wala akong panahon na tawagan si Hector. Bahala siyang maghintay. They should not be bothering me about their lives because I am not bothering theirs anyway. DIRETSO ako sa opisina ko nang makarating ako sa building. Ang unang tumatakbo sa isip ko ay magpahinga, humilata sa kama. I lied to Naya. Wala naman talaga akong gagawin. Gusto ko lang ay matulog. "No visitors allowed, Camilla," I told my secretary right away. "S-sir…pero…" kandabulol na bigkas nito sa akin pero diretso na ako sa pagbukas ng pinto ng opisina. I paused when I saw Hector. Sabi ko wala ng bisita pero nandito na pala ang bwisita naghihintay. Uminit ang ulo ko nang makita kong naninigarilyo siya sa loob ng opisina ko. I also smoke but I don't smoke inside my office. Dumidikit ang amoy ng usok sa mga kurtina at kapag may bisita nakakahiya. "Kuya," I said. "Where have you been?" Diretsong tanong niya sa akin. I casually walked towards him and just sat on my chair, "I just picked up Naya." Napakunot noo siya, "She's here?" "Yup. Anyway, what brings you here?" Kunwari kong tanong. Kunwari rin na hindi ko pa alam ang sadya niya sa akin ay tungkol sa sinasabi niya sa text. Well, Hector is really so impulsive. When he wants something, he wants to have it immediately, just like the settlement of his son to Georgina. Kung nakakamatay ang paghihintay, malamang si Hector lang ang nakakaligtas dahil siya ang taong hindi marunong maghintay. He doesn't wait, that's why all his plans end up crumpled. "Daniel told me that his daughter doesn't want to work in their family businesses," umpisa niya sa akin. Nakatayo pa rin siya at palakad lakad sa may harap ng aking mesa. "That's not a problem. You're a businessman, too. You can hire her." Simpleng sagot ko naman pero agad siyang tumingin na para bang estupido ako. What's wrong with what I said? "I can't hire her. Are you out of your mind? She's not competent enough to be in my company!" Alsa niya. Wow. Kumibot lang ang mga kilay ko. "She just graduated College. Ni hindi pa nga siya nagre-review para sa CPA exam. I can hire her when she has already passed the exam. Ayokong bumagsak ang kumpanya ko." Kumibot ang mga kilay ko. Kumpanya niyang di man lang makapasok sa top ten ng mga pinaka produktibong kumpanya sa panahon ngayon. Sa pananalita ni Hector, parang alam ko na kung saan papunta ang lahat. "She'll be your daughter-in-law," I said, leaning on the backrest of my chair, watching him. "That's another side of the story. Daniel wants me to hire her instead to train her. I will never waste my time on that thing. I'm a very busy man and my work is to make more money, not to train an apprentice," tumingin siya sa akin pagkasabi nun, "hindi praktisan ang kumpanya ko." Tumango ako at napahinga ng malalim. I've never seen this coming but I see it now. Alam ko na sa akin niya itatapon si Georgina. That is the reason why I'm involved in the topic. "You will hire her as head accountant," he ordered. Jesus. Head accountant really? Hindi raw praktisan ang kumpanya niya pero ang akin ay oo? "Dito siya papasok sa'yo at hindi ka pwedeng humindi. Masisira ako kay Daniel." I basically know now that it isn't a request, it is a command and my answer is no.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD