Chapter 5
Brando
Shaking my head as I look at this saucy woman who just took off the plane, fifteen minutes ago, I think. She's a redhead, not naturally born as a redhead because she's also a Filipina. Purong Pinay si Naya at kung ikukumpara ko siya sa isang cartoon character o animated movie, para siyang si Pocahontas. Matangkad siya, natural na tan ang kulay ng kanyang makikinis na balat. Mahaba ang buhok niyang unat na unat pero kulay pula.
Ang kwento ni Georgina sa akin ay ginahasa ang ina ni Naya, kaya raw hindi matanggap ang bata. Naawa ang mga magulang ni George sa bata kaya inampon kaagad pagkapanganak pa lang pero alam nito na ampon lang ito.
Naya is really a stubborn hell. She always comes without notice. Mula noon pa man ay basta na lamang ito sumusulpot kung kailan nito gusto.She informed me that she was coming just a minute after the plane landed. Luckily, I was in the office. She called the telephone number of my office and Camilla was the first one to answer. Naya was from New York. She took a flight and wanted to spend some time here. She's my wife's adopted sister. Gomez din ang dala-dala niyang apelyido dahil legally adopted siya ng mga magulang ni Georgina. She's just twenty-three and she works at my company as an accounting head. Her base is in New York City.
"Hello, Brando!" She greeted me with a smile as she sexily walked towards me, pulling her luggage.
I smiled at her, too. Sinalubong ko na siya para ako na ang humila ng luggage niya. I kissed her cheek and she did the same.
Nakatitig siya sa akin, parang inaaral niya kung may nagbago ba sa akin o wala, hanggang sa hawakan niya ang laylayan ng buhok kong abot sa may balikat.
"Longer than before."
"Still gorgeous as ever," sabi ko naman sa kanya kaya natawa siya.
Yumakap si Naya sa braso ko saka kami naglakad papalabas ng airport, going to my car. My bodyguards were waiting and smiled when they saw Naya. Lumapit kaagad si Leo sa akin para kunin ang bagahe ni Naya.
"Are you going to spend just a week here, Naya?" I asked her while we were walking.
I noticed that she only has one piece of luggage. Knowing Naya, she has more stuff than what she needs. Ang wardrobe niya ay mas malaki pa sa wardrobe ni Georgina, kahit na ang asawa ko ay dating isang pageant queen at naging modelo rin pero mas pinili akong tulungan sa negosyo.
"Nope," magiliw na sabi niya sa akin.
"Nope? Then why do you only have one piece of luggage?"
"I'll just shop here," she raised her brow and I just pursed my lips, nodding.
Parang hindi ko siya kilala. Naya loves shopping. Saturdays had always been her bonding days with George when my wife was still alive. Nasa shopping boutique sila lagi ng mga pinakasikat na brand ng mga damit at sapatos, not to mention bags and other things they like. Dumadaan lang ako kapag sinusundo ko na sila.
"Will you let me borrow one of your cars?" Tanong ni Naya sa akin, nakangiti.
I opened the car's door for her, smiling, too, "Of course. Just drive carefully."
Tumango kaagad siya sa akin. Umikot ako sa kabilang parte ng kotse para sumakay pero agad akong napatigil nang makita ko ang isang pamilyar na babae, nakatingin sa akin. She's with a woman of her age. Hindi naglalayo ang edad ni Naya sa dalawang babae ngayon sa airport.
Her long wavy, ash-blonde hair was waving at me.
Georgina Lagdameo…
It's been a week since we last saw each other at their mansion. Ayon kay Hector ay nasa preparasyon na ng kasal ang dalawa at malamang obligado akong pumunta. Primary sponsor ako, ayon sa kapatid ko. Nakakaputang-ina lang dahil sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Georgina Lagdameo sa akin, naaalala ko ang nangyari kahit na sinabi ko ng dapat ng ibaon sa limot.
She was not my first virgin. I've got so many before, mostly all of the women I've bedded when I was still in College were virgins, but she's the first one after I got married and became a widow.
I told Hector to just give me a call when I am already needed for the final rehearsal.
Georgina smiled at me and to my dismay, she came closer with her friend.
"Hi, Uncle Brando," bati n'ya sa akin. Wala kaya siyang naaalala sa aming dalawa kaya normal na normal sa kanya ang kumilos sa harap ko? Baka naman nagkamali lang ako ng akala na namutla siya nang unang araw na magkita kami pagkatapos naming mag-s*x.
"Hi, Georgina," I greeted her back.
Ganoon na lamang ang pagkakatulala ng kasamahan niyang babae sa akin habang nakanganga iyon. Bigla iyong isinara ni Georgina matapos na parang may sinalong laway at ipinagpag, kaya ako naman ang halos mapanganga.
"Kainis to," anang kasamahan ng dalaga.
"Ahm," she smiled again, pocketing her hands inside her ripped short…denim shorts.
Hindi ko maipaliwanag pero may aura itong kakaiba, kakaibang appeal siguro ang nakikita ko na iyon. Iba ang aura nito ngayon kaysa sa nakita noong gabi. Dalagang-dalaga ito that time habang ngayon ay teenager ang itsura. Perhaps, this is her everyday look.
Sumulyap ito kay Naya at matagal na nagtitigan ang dalawa bago ibinalik ni Georgina ang mga mata niya sa mukha ko.
"This is my bff, Mira. Mirs, this is Uncle Brando, Nico's uncle," pakilala niya sa amin ng kaibigan niya.
Her one-night affair… I added to myself.
"Hi, Mira," I offered my hand to the lady. Agad naman iyon na tinanggap nun.
"Where are you girls going?" Parehas ko silang tiningnan pero mas napirmi ang mga mata ko kay Georgina.
"She's going to fly to get her fish, Uncle Brando," aniya sa akin kaya tumango ako.
"And you?" I stared at her.
Ano kayang nangyari rito noong isumbong kong lumabas ito matapos na magpanggap na may CoVid?
"Uuwi na."
Tumangu-tango ako, parang diskumpyado ako sa sinabi niya.
"I swear, uuwi na ako. Don't call Dad or Mom anymore like what you did before," pasaring na nga niya kaya naman halos matawa ako sa sinabi niya. Medyo nakataas kasi ang kilay niya at halatang inis sa ginawa kong pagsusumbong. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagsumbong. Naniniwala lang ako sa kasabihan na ang mga tumatakas ay malapit sa disgrasya. Hindi ko rin alam kung may kasabihan ba talagang ganun o baka gawa-gawa ko lang.
I chuckled.
Tumikhim si Naya kaya napatingin ako roon. Ngumiti iyon pero nakatikwas ang mga kilay. I know what that means. She's bored and she wants to go now. Naya is a bit aloof and doesn't socialize much. She doesn't talk too much to people. Ang pakikitungo nito at dami ng sinasalita ay depende lang sa kung gaano nito ka-close ang isang tao.
"We better get going, ladies," tumalikod na ako at binuksan ang pinto ng sasakyan pero tumingin ako kay Georgina bago ako tuluyang sumakay sa kotse.
I saw bodyguards, standing meters away from her, eyeing her. Good. The VP's daughter has security this time.
Dumukwang sa akin si Naya at ikinabit ang seat belt ko. I just let her do that thing.
"Head straight home," banta ko sa dalaga na tumango naman tapos ay sumaludo.
Lumabas ang tiyan nito sa suot na cropped top kaya parang may uminit sa loob ko.
Holy moron. Pinagnanasaan ko ba ang magiging asawa ng pamangkin ko? I sighed deep inside. I must stay away from this girl to prevent the spark that ignites whenever she comes near me.
Iniatras ko na kaagad ang sasakyan bago pa ako tuluyang mapatulala. Hindi tama ang nararamdaman ko. Kailangan kong umiwas hangga't maaari.
Inah
I blinked.
"Na-feel mo ba ang nafeel ko, bruha?" Tanong ni Mira sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"What feels?"
"Yung girlaloo sa car niya, when she looked at you, it seemed like you're a threat."
I shrugged. Naramdaman ko rin ang ismid ng babae na yun nang tingnan ko. Nakangiti pa naman ako. Feeling ko ay sayang ang toothpaste na ginamit ko dahil hindi yun ngumiti sa akin pabalik. I don't know what was wrong with that woman. Nakataas ang mga kilay nun na parang mas bagay pa silang mag-ina ni Mommy.
"Threat like aagawin ko si Uncle Brando?" Tanong ko kay Mira kaya napahagikhik ito.
"Hindi ba?"
Napakibit balikat ako, "Pag annuled na kami ni Nico babalikan ko si Uncle Brando," biro ko naman pero tuwang-tuwa ang bruha kong best friend.
"Ay wagiii! Boto ako. Ang pogi pala na sobra. Match na match ang kwento mo sa akin. D-Di ba crush mo?"
Hinila na ako ni Mira at napaisip ako. I saw him opening the car's door for that woman. I don't know if that woman is his girlfriend or something but I want someone to open a car's door for me, too, not my bodyguards. Ang swerte naman ng babae na yun. Ang gwapo ni Brando Araneta tapos ay ang bait pa. Mabuti na lang at hindi niya ako naaalala. Baka mamaya ay iwasan niya ako. Baka isipin niya kaladkarin akong babae at kung kani-kanino lang nakikipag-s*x.
I feel like I want to regret what I did. Parang feeling ko carefree ako sa nagawa ko and I don't value myself as a woman.
But I only did it once. Saka iisang lalaki lang naman ang gumamit sa akin. Talagang ang gusto ko lang naman ay hindi na ako virgin. Who knows, baka mamaya ay gahasain ako ni Nico.
Maraming tumatakbo sa isip kong mga plano, at ang pinaka goal ng lahat ng yun ay hindi bigyan si Nico ng peace of mind.
"Lika na, baka maiwan ako ng eroplano. Hinihintay na ako ng ka-date kong aso," sabi ni Mira nang hindi na ako makasagot.
May kukunin kasi siyang aso sa Cebu, galing sa Tita ni Mira, at pusa na rin. She's going to give me a Maltese. I will accept it. I don't care what will Mommy say. Idinispatsa nga nila si Fiya. Na-realized ko na magagamit ko ang aso para hindi makalapit si Nico sa akin kapag kasal na kami. Ang bago kong aso ang magiging katabi ko sa pagtulog. I will name it Hope. I'm so excited to see it and excited to be scolded, too.
Nang makapasok na kami ay diretso na si Mira sa departure area para domestic flight. Nagyakap muna kami bago siya tumalikod. As usual, my men are just behind me watching me. Hindi na lang sila ang mga naroon. Even the airport's security personnels were there, securing me. Sanay na ako sa ganito kapag nasa public places ako. Umuunti lang ang mga taong nagse-secure sa akin ay kapag nasa eskwelahan ako noon. Ngayon na lang din naging exaggerated ang mga security sa pagbabantay sa akin, since Dad became the VP.
"Is that the VP's daughter?"
I heard that question just a few meters away from where I stand so I looked around. I saw a group of teenagers, chatting. Alangangin na ngumiti ang isa sa akin.
"Parang oo. Nakita ko siya sa TV nun nanumpa si VP Lagdameo," sagot ng isa.
"I'm open for a groupie," I just told them and they all screeched, running towards me.
Exaggerated naman na humarang ang security ko. This is one of the many things I hate about being a daughter of a politician. Hindi ako makagala nang ako lang. Madalas ay pinagkakaguluhan ako kahit na hindi naman ako artista. Kung hindi ako sikat sa University, sa labas ay sikat ako. The people love me because of the good reputation my father built since he started his career as the Mayor of the city of Manila. He became a Senator and then a Vice President. Dad maintained his good eminence to his people. Hindi ko naman sinira yun kahit na naiinis ako sa kanya. Pinabulaanan nila ang bulungan na pinalayas niya si ate. Wala namang magawa si ate at si Kuya Vito. Hindi rin naman nila kayang sirain ang Daddy. Baka tulad ko, naniniwala rin sila na may pag-asa pang magbago ang mga magulang namin.
"It isn't safe, Inah," sabi ni kuya Warren sa akin pero inangatan ko siya ng kilay saka nilabian pero wala akong magawa.
"Okay lang Miss Inah, pwedeng dito na lang kami tapos ikaw na lang po humawak ng phone," suhestyon ng isa sa mga teenagers.
Iniabot sa akin ni Warren ang phone ng bata na kaagad ko naman na kinuha. I smiled and posed. Mabuti na lamang at may wide angle ang camera kaya kuha kaming lahat.
I took a few more shots with different poses before returning the phone to them.
"I'm sorry ha, hindi kayo nakalapit sa akin," panghinayang na sabi ko sa kanila.
Sabik ako sa mga ganitong tao, sa totoo lang, yung hindi ako binubully at tinitingnan ako na para bang idolo nila ako kahit na wala naman akong pangalan. I'm not like my father but these people also adore me.
"Okay lang Miss Inah. May ipapasikat na kami sa mga kaklase namin," tila kilig na sabi ng isa sa mga yun.
Apat lahat ang mga teenagers.
"Ang ganda niyo po pala talaga lalo sa personal. "
"Thank you," nakangiting sabi ko at feeling ko nag-blush ako, "Mauna na ako sa inyo."
Pagkasabi ko nun ay agad na ginuwardiyahan ako ng wang-wang boys. It's just so hard to think that they look at all people harmful or have the possibility of being a threat to my safety. Nahihiya ako minsan pero wala naman akong choice. Whether I admit it or not, hindi naman lahat ng tao ay pro sa Daddy ko. Tulad din ng normal na tao, may bashers din si Dad, isa na ako dun.
Muntik akong matawa sa sinabi ko sa isip.
Isa sa mga dahilan ng magulang ko kaya ayaw nila akong pinalalabas ay baka raw ako makidnap. The question is, tubusin naman kaya nila ako? I don't know kung saan ba takot ang mga magulang ko, sa makidnap ako at masaktan o magastusan sila kung ipatutubos ako?
"Saan na tayo, Inah?" Tanong ni kuya Warren sa akin, hawak ako nito sa braso.
Baka iniisip na naman nito ay tatakas ako. Uuwi na talaga ako dahil wala na naman akong pupuntahan pa. Wala naman si Mira. Si Rejuv naman ay busy sa pagba-vlog kaya ayaw kong istorbohin.
Kaibigan ko rin iyon, isang bakla. Kaklase ko si Rejuv at si Mira sa Accountancy course pero parehas silang bumagsak sa qualifying exam. Si Mira ay nauwi sa Business Administration at si Rejuv naman ay sa Journalism, pero hindi natapos. Nag-umpisang mag-side lang a g bakla pero nanatili naman na kaibigan namin ni Mira. Rejuv ang tawag namin sa kanya dahil mula nang sumikat ang rejuvenating set ay lahat siguro ng brand, nagamit ni Rejuv, lalo na nang sumikat ang set ni Miss Caroline, naging product reviewer na si Rejuv sa MeTube. Rejuv is actually Callan Cabrera. Sabi niya ay ipi-feature niya ako sa vlog niya. Special coverage raw iyon for the first time with the VP's daughter. Malamang daw ay magbu-boom ang career nun bilang vlogger kapag na-interview na ako.
"Sa Mall tayo," maikli kong sagot.
Hindi ko na sasabihin pa kung anong mga bibilhin ko roon dahil baka hindi niya ako ihatid kapag nalaman niya. I have to see some people I only see once in a bluemoon.